00:00Maghigpit pa po ng Sintoron, mga kapuso.
00:03Round 2 na bukas ng Mega Oil Price Hike,
00:06lagpas 20 pesos na naman ang itataas ng kada litro ng diesel.
00:11Sa gasolina, halos 13 pesos to 16 pesos.
00:14At sa kerosene, aabot sa halos 9 pesos per liter ang dagdag presyo.
00:19Sa komputasyon ng GMA Integrated News Research,
00:22kung isasama ang galaw ng presyo bukas,
00:25maglalaro sa mga presyong ito ang petrolyo sa Metro Manila.
00:30Sa gasolina, 76 to 91 pesos per liter sa regular.
00:3477 to 98 pesos naman kung premium.
00:38Sa diesel, 91 to 114 pesos per liter.
00:43Pinakamataas sa kerosene sa halos 92 pesos hanggang 143 pesos.
00:49Pusibleng mas mahal pa sa mga probinsya dahil sa gaso sa pagbiyahe ng petrolyo.
00:55Kaya ngayong gabi, may mga motoristang pila-pila na sa mga gasolinahan.
01:00Ilang kumpanya ng langis ang nagsabing uutay-utay nila ulit
01:04ang pagpapatupad ng taas presyo sa linggong ito.
01:07Pero inaalala ng Department of Energy na kung magtutuloy-tuloy ang gyera sa gitnang silangan,
01:13aalagwa pa lalo ang presyo ng langis.
01:17Ngayong araw, aprobado na sa Kamara ang panukalang magbibigay kay Pangulong Bogbong Marcos
01:22ng emergency powers para suspindihin o tapyasin ang excise tax sa langis
01:28kung isang buwan ng lagpas sa $80 per barrel ang krudo sa world market.
01:34Ilang araw nang naglalaro sa $100 per barrel ang world oil prices.
01:39Sa naturang panukalang batas, hanggang 6 mabuan lang pwedeng gumamit ng emergency powers
01:45ang Pangulo.
01:46At epektibo lang ang batas hanggang December 31, 2028.
01:51Na-transmit na sa Senado ang panukala.
01:56Na-transmit na sa Senado ang panukala.
Comments