00:00Aprobado na sa Kamara ang panukalang bigyan ang Pangulo ng Kapangyarihang Pansamantalang Suspindihin, ang Oil Excise Tax.
00:08Yan ay para maibisan ang pagbahal ng mga produktong petrolyo.
00:11Nakatutok si Maris Umali.
00:16Bago ang nakaambang panibago na namang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo bukas,
00:22inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 8418
00:27o ang panukalang batas na magbibigay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
00:32ng kapangyarihang pansamantalang suspindihin ang pagkolekta ng excise tax sa produktong petrolyo sa panahon ng mga emergency.
00:39Sa plenary session ngayong lunes 247 na mambabatas ang bumoto pabor sa panukalang batas
00:45na naglalayong amyendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code of 1997.
00:52Tatlo mambabatas naman ang bumoto laban dito habang walang nag-abstain.
00:57Sa mga bumoto pabor at kontra sa panukala, kapwa sinasabing hindi sapat ang hakbang bilang solusyon sa problema.
01:04Remove excise taxes and vat on oil and basic commodities permanently.
01:10Beyond this, the real long-term solutions are regulating the downstream oil industry,
01:16isesentralize yung procurement ng oil or even renationalizing petron.
01:21Hindi sapat na bigyan lang natin ang kapangyarihan ng Pangulo na suspindihin ang excise tax.
01:28Kasabay nito, dapat bigyan din natin ng agarang tulong ang mga sektor na lubhang maapektuhan ng krisis na ito.
01:36Nagkokos naman ang mga senador para pag-usapan ang emergency powers na hinihingi ng Malacanang.
01:41Ayon kay Senate President Tito Soto, nice daw nilang maipasa ang kanilang counterpart measure sa pinakamadaling panahon.
01:48Isa raw sa pag-uusapan kung ia-adopt na lang ng Senado ang House version para hindi na magkaroon ng
01:54bicameral conference committee meeting.
01:56Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.
Comments