Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Round 2 na sa susunod na linggo ng nakalululang oil price hike at posibleng sumipa ng magit 20 piso ang
00:07presyo ng diesel.
00:09May nag-iisip ng magtigil pasada habang ang ilang taxi operator naman hihirit ng dagdag sa flagdown.
00:14At mula sa Quezon City, nakatutok live si Darlene.
00:19Darlene?
00:21Pia titigil na nga raw sa pamamasada yung ilang choper na nakausap namin dahil talagang wala na raw silang kikitain.
00:27Pagkatapos ng panibagong big time oil price hike sa susunod na linggo.
00:32Nakalatag naman na yung mga programa para sa ayuda ng gobyerno pero may panawagan yung ilang transport groups at choper.
00:4220 to 22 pesos ang inaasahang dagdag sa kada litro ng diesel sa Martes ayon sa Industry Sources.
00:4914 to 16 pesos naman sa gasolina.
00:51Hindi pa naglalabas ang Department of Energy ng opisyal na estimate at ng anunsyo kung pumayag mo yung oil companies
00:57na utay-utayin ang dagdag singil.
00:59Matapos ang round one ng mega oil price hike noong isang linggo,
01:04batay sa kwenta ng GMA Integrated News Research,
01:06naglalaro ngayon ang gasolina sa 57 to 84 pesos per liter.
01:11Sa diesel, 66 to 90 pesos.
01:14Sa kerosene, lagbas 100 pesos.
01:18Magkano man ang pinal na mapagkasundoan,
01:20iisa ang sigurado.
01:22Bugbug na bugbug na raw ang mga choper.
01:25Paano ba raw magkakasya ang 500 piso kada araw sa kanyang may dalawang anak?
01:30Kaya baka tumigil na raw siya sa pagpasada sa susunod na linggo.
01:34Ang taxi driver na si Jesus,
01:36hindi na umaabot sa 500 piso ang kita kada araw dahil sa sobrang mahal ng langis.
01:41Kaya nananawagan ng Philippine National Taxi Operators Association o PN2-1
01:45ng pagtaas ng singil sa flagdown at kada metro.
01:48May panawagan din ang samahan ng mga TNVS.
01:52Yung transport network company naman,
01:54kung nasaan nagdadrive yung ating mga driver,
01:56eh baka naman po pwedeng bawasan ang komisyon nila.
01:59Tayo po, ang request natin, yung 10% okay na
02:02kasi may mga transport network company naman na 10%.
02:06Naunang inanunsyo ng DSW,
02:08Dio Department of Social Welfare and Development,
02:10ang pamimigay ng 5,000 pisong ayuda
02:12para sa tricycle drivers simula martes.
02:16Sabi naman ng DSWD,
02:18susunod na ang iba pang nasa sektor ng transportasyon
02:21gaya ng mga driver ng jeep,
02:23bus, taxi, TNVS,
02:24at mga motorcycle taxi at delivery rider.
02:28Inatasan na rin ng LTFRB ang lahat ng PUV operators
02:31na magsumite na sa pinakamalapit na Regional Franchising and Regulatory Office
02:35na ang listahan ng mga pangalan ng mga driver
02:38na kabilang sa kanilang prangkisa.
02:40Para raw ito mapabilis ang paghahanda at implementasyon
02:43ng Fuel Subsidy Program.
02:44Bago kasi mailabas ng pamahalaan ng pondo para rito,
02:48dapat umabot ng $80 per barrel sa loob ng isang buwan
02:52ang presyo sa pandaigdigang merkado
02:54ayon sa Department of Transportation.
02:56Malaking tulungan,
02:57hindi pa rin daw yan sapat para sa ilang samahan ng mga chopper,
03:00lalo kung aalagwa pa ang presyo ng lamis.
03:09Pia nauna nang sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez
03:13na maaaring sa susunod na linggo ay maglabas na ng desisyon
03:16kaugnay sa mga petisyon sa dagdagpasahe sa mga pampublikong sasakyan.
03:21Yan ang latest mula rito sa Kelzon City.
03:23Balik sa iyo, Pia.
03:25Maraming salamat, Darlene Cai.
Comments

Recommended