00:00Halos 3 million Filipino ang walang trabaho ayon sa pinakahuling Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority.
00:06Ito na ang itinutulong na pinakamataas na bilang na walang trabaho mula noong June 2022.
00:12Saksi si Darlene Cai.
00:18Mabigat ang pasanin ngayon ng dating OFW na si Maria.
00:21Hirap siyang humanap ng trabaho rito sa Maynila.
00:24Namatay pa ang asawa niya noong nakaraang taon.
00:27Ngayon, mag-isa niyang itinataguyod ang tatlong anak.
00:31Mahirap, lalo na sa akin kasi syempre walang income.
00:35Ang mahal ng pamasahe, diba?
00:38Tapos from Quezon Province pa ako.
00:40So kailangan mo talaga ng budget.
00:43Bumiyahe siya pa Quezon City para lumhok sa job fair ng BMW, Department of Migrant Workers.
00:48Dito namin nakilala si Rowena.
00:50Anim na buwan na raw siyang walang trabaho.
00:53Sa experience ko po is sobrang hirap
00:56kasi sobrang daming tao rin po na kagaya ko na naghahanap ng trabaho.
01:02Kaya sobrang hirap po.
01:04Parang kumbaga po is paunahan po na maghanap ng trabaho.
01:09Kabilang sila sa halos 3 milyong Pilipinong walang trabaho
01:12base sa pinakahuling Labor Force Survey ng PSA o Philippine Statistics Authority.
01:17Halos 800,000 ang nadagdag kung ikukumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
01:23Ito na raw ang pinakamataas na bilang ng mga walang trabaho mula June 2022, panahon ng pandemya.
01:30Maraming dahilan pero isa dyan may mga nawalan din daw ng trabaho matapos pumutok ang flood control scandal.
01:36Inaasahan na raw ng Philippine Statistics Authority na madaragdagan pa ang bilang ng mga walang trabaho sa mga susunod na
01:42buwan.
01:43Bahagi pa rin daw yan ang epekto ng nagpapatuloy na gulo sa gitnang silangan.
01:47At base na rin daw yan sa mga naging epekto ng mga nakaraang pandaigdigang krisis sa bilang ng mga nawalan
01:53ng trabaho.
01:54When oil spikes, the prices of oil spikes, yung mga businesses natin, some of them hindi na nag-hire or
02:01hindi na rin sila, or some of them nagli-lay off.
02:04So it may, it might affect our labor market, yung spike ng prices of oil.
02:12So both, kasi yung mga na-repatriate din, babalik sila dito, so they will become part of the labor force.
02:19Ayon sa isang ekonomista, kawing-kawing ang epekto nito.
02:23Dahil nga bumagal ang economy, yung ating nang pagbagal, yung ating GDP growth rate na 4.4% ay parang
02:30may pandemia.
02:31Kaya maasahan din natin na ang mga labor statistics natin, yung employment, yung unemployment, underemployment, magiging malala.
02:44Ngayon, hindi pa lumalabas yung datos na ipapakita yung epekto ng Middle East War.
02:52Mas malala pa yun. So ngayon, malala na ito.
02:55Sa isang pahayag, sinabi ni Department of Economy, Planning and Development Secretary Arsenio Balisaca
03:01na patuloy daw ang gobyerno sa pagresponde at pagsuporta sa mga apektadong manggagawa.
03:06Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
03:11Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:14Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments