00:00Hindi pa kumakalma ang presyo sa merkado kaya masusundan pa raw ang malaki hang taas presyo sa petrolyo.
00:06Ayon po yan sa Energy Department.
00:08At sa gitna po ng hindi maawat na pagmahal, sinertipigahan na bilang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos
00:14ang paano ka lang magbibigay sa kanya ng kapagnyarihan para suspindihin o bawasan ng excise tax?
00:21Saksi si Macky Pulido.
00:25Sa lunas, nakatakdang isa lang sa ikatlo at panghuling pagbasa ang House Bill 8418
00:31na layong bigyan ng kapangyarihan ng Pangulo na suspindihin o bawasan ng excise tax sa petrolyo
00:37kapag may national o global economic emergency.
00:40Certified as urgent na ito ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:43Sa kanyang liham kay House Speaker Faustino D, sinabi ng Pangulo na kailangan ng panukala
00:48para agad makaresponde ang pamahalaan sa di pangkaraniwang pagbabago sa presyo ng petrolyo
00:54dahil sertifikado na bilang urgent ng Pangulo mapapabilis ang pag-aproba sa panukala.
01:00Hinihintay na rin ang versyon ng Senado sa kaparehong panukala.
01:03Mahalaga ito lalo't hindi pa malinaw kung kailan huhupa ang gulo sa gitnang silangan
01:08na siyang dahilan ng sobrang pagtaas ng presyo ng krudo.
01:11Ang excise tax kasi, halimbawa sa diesel lang, is 6 pesos already.
01:16Hindi yan ganun ka laki compared sa increase ng fuel price natin.
01:21Pero tulong na rin yan.
01:24Ang malakihang oil price hike pa naman itong linggo, tiyak na masusundan pa sa susunod na linggo,
01:31sabi mismo ng Department of Energy.
01:33Pero ayaw pa nilang magbigay ng projection.
01:35Ang sigurado ko lang dyan ay may increase talaga tayo for next week.
01:39Hindi ko makalma yung merkado eh.
01:42At ayon sa industry sources,
01:44posibleng tumaas ng 10 to 12 pesos ang kada litro ng gasolina,
01:4813 to 15 pesos sa diesel at 6 pesos sa kerosene.
01:52Base pa lang yan sa presyo ng bentahan ng langis sa global market
01:56sa nakalipas na dalawang araw.
01:58Maari pa itong magbago depende sa presyo ng bentahan sa mga susunod na araw.
02:02Aminado ang DOE, hindi nila mababantayan kung sobra ang taas presyo ng mga gasolinahan
02:07dahil nasa 14,000 ang bilang nito sa buong bansa,
02:10kaya magsumbong daw sa kanilang website.
02:13Sa gitna ng di maawat na pagtaas ng presyo,
02:16wala na raw patid ang dating ng mga nagpapagas sa gasolinahan ito sa Quezon City.
02:20Di na po ito normal kasi po nung nakakaraan, isa-isa lang po yung dating.
02:24Ngayon po, bultuan po marami po sila.
02:27Pinabol po namin yung pagtaas ulit ng presyo,
02:29kaya ngayon pa lang po nagkakariga na po kami ng gas.
02:31Para makatipid naman po kahit pa paano.
02:33Pero ang iba...
02:34Sunod sa Agust na lang.
02:35Wala man kami budget para mag-imbak ng mag-imbak eh.
02:39Kaya kung ano lang yung presyo, yun na lang ma'am.
02:42Pakiusap ng DOE, huwag mag-panic buying.
02:44Meron po tayong sufficient supply.
02:47Ang presyo lang po talaga yung issue dito.
02:50Which is malaki po na problema yun yung presyo.
02:53Para sa GMA Integrated News,
02:55ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
Comments