00:00I-binida ng Department of Trade and Industry sa ASEAN Business Environment Forum
00:05ang record-breaking na exports ng Pilipinas itong 2025.
00:09Ayon sa DTI, resulta ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:15na pagandahin pa ang pagnenegosyo sa bansa.
00:18Si Gav Villegas sa Sentro ng Balita, live!
00:23Jules, nagsama-sama ang mga regional economic leaders dito sa ASEAN Business Environment Forum.
00:30Para talakayin ang pagputol sa burokrasya at pagpapalakas sa pagpapaunlad ng regyon.
00:38Nakatoon ang mga diskusyon sa next-gen regulations katuwang ng Department of Trade and Industry
00:45ang Asia Development Bank sa pagdaraos ng aktividad.
00:48Ayon kay DTI Secretary Maria Cristina Roque,
00:51nagkakaisa ang mga ahensya ng pamahalaan para mapaganda ang pagnenegosyo sa bansa
00:56sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:00Noong nakarang taon, umakyat ng 15.2% ang exports ng bansa.
01:05Ito ay katumbas ng halos 85 billion US dollars na may tuturing na pinakamataas sa kasaysayan.
01:11Aabot naman sa 23 free trade agreements ang tinatrabaho ngayon ng pamahalaan,
01:16kabilang ang mga negosyasyon sa Canada, Chile at European Union
01:21na siya rin may tuturing na pinakamarami sa kasaysayan.
01:25For the business communities, these FTAs are our competitive edge.
01:31Over 70% of our exports now reach partner markets through agreements
01:36allowing Filipino products to enter international market.
01:40Therefore, our products and industries now,
01:44this is a big boost to the world market.
01:47So, napaka-importante ang FTA para sa ating Pangulo.
01:52This is very important for our President.
01:54So, we are of an equal playing field now in the global market.
02:01Sinabi rin ng kalihim na may mga hakbang ang pamahalaan para maibsan
02:05ang epekto ng kaguluhan sa Middle East
02:07at matiyak ang business continuity at consumer protection.
02:11Kabilang dito ang mahigpit na price monitoring
02:14at agarang pag-deploy ng mga contingency measures.
02:17Ayon naman kay ADB Vice President for East and Southeast Asia
02:21and the Pacific, Scott Morris,
02:23bumibilis ang pagbabago ng ekonomiya
02:25kung saan gumagawa na ng long-term investment decisions
02:28ang mga malalaking negosyo.
02:30Layon ng ASEAN Economic Community Strategic Plan
02:33na gawing mas attractive investment destination
02:35ang Timog Silangang, Asia
02:37sa pamamagitan ng mas maayos na regulations at connectivity.
02:41Sinabi pa ni Morris na bagamat may pag-usad,
02:44may mga bansa pa rin sa ASEAN na nahuhuli
02:46sa global competitiveness at kailangan
02:49ng mas matibay na political commitment
02:51at kooperasyon ng pribadong sektor.
02:53Dito sa Pilipinas, nangikipagtulungan ng ADB sa DTI,
02:57Anti-Red Tape Authority, Bureau of Investments
03:00at Department of Information and Communications Technology
03:03para sa mas transparent, streamlined,
03:05at digitalized na business environment.
03:09As ASEAN moves into a new phase of implementation
03:12under Vision 2045,
03:15ADB is stepping up its support for regional dialogue,
03:18investment, and cooperation across the region.
03:21This year, we are working closely
03:24with the government of the Philippines
03:25in support of its ASEAN shareship priorities,
03:28including initiatives that strengthens
03:31the region's competitiveness and investment climate.
03:51At sa mga oras na ito, Jules,
03:54ay tuloy-tuloy lamang yung sinasagawang networking
03:56ng mga business leaders at mga policymakers
04:00dito sa ASEAN Business Environment Forum
04:03dito sa Taguig City.
04:04Mamayang alas ito, Jules,
04:05ay susunod na tatalakayin
04:08ang digital transformation,
04:09artificial intelligence,
04:11at digital readiness ng mga negosyo
04:13upang mapalakas ang regional value chain
04:15at kooperasyon ng public at private sector.
04:18At yan muna ang update mula rito sa Taguig City,
04:21Balicidios.
04:22Maraming salamat, Gab Villegas.