00:00Tila naging personalan na ang patudsyadahan ng dalawang senador kahapon sa sesyon sa plenario,
00:06ang itinuturong pinag-ugatan umano nito,
00:09ang investigasyon ng Blue Ribbon Committee sa Anumalyas sa Flood Control Projects,
00:14si Luisa Erispe sa Sentro ng Balita.
00:18Dahil gusto din lamang ni Sen. Marcoleta na lagi isyambida
00:22bilang dating chairman, man ng BRC,
00:26o sa usaping West Philippine Sea,
00:28o anumang issue involving China,
00:31o dili kaya ay sa usaping restitution na mag-asawang biskaya,
00:36siya na nga ang tunay na bida sa aking magiging pahayag sa mga sandaling ito.
00:41Sunod-sunod na binato ni Sen. Pro Temporary Panfilo Lacson
00:45ng mga resibo si Sen. Rodante Marcoleta sa mga pambabatikos umano sa kanya
00:50bilang isang senador at bilang chairman ng Blue Ribbon Committee.
00:54Sa plenario kahapon, ito ang naging bawi ni Lacson kay Marcoleta
00:58matapos siyang unang batikusi ng senador sa kanyang privileged speech noong lunes
01:03sa umano'y hindi nito pag-iimbestiga tungkol sa mga pahayag ng 18 ex-Marines
01:08at hindi paglalabas ng committee reports sa flood control investigation.
01:12Anya, hindi na siya mananahimik.
01:14When the attacks shift from professional to obsessively personal,
01:22I must shut the whole political circus down, firmly, completely, and without ambiguity.
01:31Unang buwelta pa lang ni Lacson, sinabi nitong obsessed sa kanya si Marcoleta.
01:36Isa sa dahilan, noong nag-privileged speech siya hinggil sa flood control,
01:40kahit si Marcoleta panoon ang Blue Ribbon Committee chairman.
01:43Nag-epal siguro, yun ang pasikat, di ba?
01:47Yan ang sinabi niya, Mr. President.
01:49Mr. President, tulad ng kanyang motion to dismiss,
01:52nag-imbento na naman ng hilaw na rule si Sen. Marcoleta.
01:56Binalik din ni Lacson ang tanong kay Marcoleta tungkol sa committee report.
01:59Bakit nagtataka si Marcoleta na wala pa hanggang ngayon ang report?
02:03Gayong nasa kanya naman mismo nakatingga ang mga dokumento
02:07dahil hindi pa rin siya pumipirma.
02:09Bakit ngayon ay maghahanap siya ng Blue Ribbon Committee report
02:13na nakatingga sa kanyang opisina noong isang buwan pa?
02:18Incidentally, as of yesterday, only Sen. Bam Aquino
02:21has affixed his signature on the partial committee report.
02:25It goes without saying that I respect each and every member's decision
02:30when they will sign the report, if at all.
02:33What I despise is Sen. Marcoleta's audacity to lie
02:37about his inability to sign the same by citing an untruthful reason for not signing.
02:44Nilabas din ni Lacson ang mga resibo na sinabi ni Marcoleta
02:48na pagbawi sa Kalayaan Island Group o pagtatanggol raw nito sa China.
02:52Ang walang sawang pagbanggit sa restitusyon ng mga diskaya
02:56at ang posibleng indirect bribery complaint laban sa kanya
02:59dahil sa marihindi pagdeklara ng donasyon noong kampanya sa kanyang sose.
03:04Pero pagkatapos ng pahayag ni Lacson, agad na tumayo si Marcoleta.
03:08Imbis na sagutin ang binato sa kanya,
03:11nagreklamo ito na may favoritism daw sa Senado.
03:14Pagka po pala si Sen. Pink Lacson ang magdi-deliver ng privilege pizza,
03:20wala pa po tayong nati-take up na kahit ano.
03:24Siya pala ay masyadong special dito sa chamber natin.
03:29Si Majority Leader Juan Miguel Sobiri naman ang nagpaliwana.
03:32With due respect to the two sides, binanggit po niya yung pangalan ni Sen. Lacson.
03:37So it is obvious that Sen. Lacson would like to respond.
03:41So usually when it is personal and collective privilege,
03:45especially when they try to defend themselves,
03:47kasi gusto mong i-defend sana ang sarili mo,
03:50binibigan po natin ang pagkakataon.
03:52Pero nagkapersonalan na ang sagutan sa plenario na Lacson at Marcoleta
03:57nang subukang ipagtanggol ni Marcoleta ang sarili niya
04:00na hindi niya raw pinagtatanggol ang China.
04:03Halos nagkabarahan pa ang dalawa.
04:05Kasi sasama yung Kalayan Island Group.
04:07Ano po ba talaga pinag-usapan natin dito?
04:09Yung kapakanan ng bayan, pinipilit po niyong pinagtatanggol ko ang China.
04:15Alam po ba ito ni Sen. Lacson, yung Administrative Order No. 29?
04:19I don't know Administrative Order No. 29.
04:22O, hindi po ninyo alam, sasabihin ko sa inyo.
04:25I don't need to know, Mr. President. I'm not interested.
04:28Ayoko na pumarinig eh kasi ilang beses na po natin narinig yan,
04:31medyo masakit na sa tinga eh.
04:32Sinuspindi ang sesyon at nagkaroon ng matagal na pag-uusap
04:36ang panig ng mayorya at minorya sa Senado.
04:39Matapos ang halos dalawang oras, bumalik din ang dalawa sa plenaryo.
04:42Ang tinalakay naman, nais ni Marcoleta na magkaroon nga ng investigasyon
04:47ang Blue Ribbon tungkol sa mga naging bahayag ng ex-Marines.
04:50Pero si Senate President Soto na ang sumagot sa kanya.
04:53Today, I found out that those members, those so-called ex-military soldiers
05:01that you're mentioning and the people behind it,
05:06some members of Congress filed a case of cyber libel on them.
05:12And therefore, I think the committee on rules should check first
05:17whether we can call a hearing on that particular issue.
05:21Sinubukan pa rin ni Marcoleta na makakuha ng sagot
05:23kung magkakaroon ng investigasyon.
05:25Pero sa huli, nagdesisyon na lang ang liderato ng Senado
05:29na ipapasa muna ito sa Committee on Rules.
05:32Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments