00:24Transcription by ESO
00:33Sabay sa pagmahal ng petrolyo ang taas singil sa kuryente ngayong buwan.
00:38Mahigit 64 centavos per kilowatt hour ang madaragdag sa singil ng Meralco.
00:43Katumbas ito ng dagdag na 129 pesos sa bill ng mga customer na hanggang 200 kilowatt hour ang kuryente kada
00:50buwan.
00:51Sabi ng Meralco, tumaas kasi ang generation at transmission charges o mga singil sa paglikha ng kuryente ng mga planta
00:58at pagpapadaloy ng kuryente sa grid.
01:01Wala pang epekto sa rate hike ngayon ng krisis sa Middle East na nagpahigpit sa supply at nagpataas sa presyo
01:08ng petrolyo.
01:09Pero ayon sa Meralco, binabantayan pa rin nila ang epekto nito kasabay nang inaasang pagtaas ng demand sa kuryente ngayong
01:16magtatag-init.
01:19Bago ngayong gabi, inaresto sa Makati City ang limang Vietnamese na sangkot umano sa pagbibenta ng karne ng aso.
01:27Sa animpwersang sinalakay ng mga tauhan ng NBI at National Meat Inspection Service o NMIS,
01:33ang isang compound sa barangay Tejeros, bunsod ng natanggap na tip ng meat ng dog trade.
01:42Nagsisibing delivery boy umano ang unang naarestong dayuhan.
01:45Apat pa ang nasunod na nahuli.
01:48Susuriin ng NMIS ang mga karning nakita mula sa refrigerator ng mga sospek.
01:55Itinigin naman ang mga sospek na mga asusena ang karne.
01:58Mga nilutong isda at baboy lang daw ang tinda nila.
02:03Hindi lang ang sektor ng transportasyon ang sapul sa wagas na pagmahal ngayon ng petrolyo.
02:08So, inasaan ding mapapabilis ito ang inflation o pagmahal ng mga bilihin.
02:13May abiso na nga ang DTI na mga produktong posibleng gumalaw ang presyo.
02:17May report si Ian Cruz.
02:22Nagkumahog magpagas kanina si Felix bago ang mega oil price hike ngayong araw.
02:28Pero napaisip din siya kung magdadrive pa ba siya dahil mahal ang gas.
02:33Magkukumute na lang.
02:34Nisan-mintan na lang siguro.
02:36Hindi yung araw-araw.
02:38Mas umaaray ang mga tsuper.
02:40Pang 800 na ito eh.
02:42Dito sa apat na ikot.
02:43Ito 800.
02:45Tapos may sobra pa ako dito ng 300.
02:48Eh magbaboundary pa ako.
02:49Boundary ko 600.
02:50Hanggang mamaya pa ako na ito, eh hindi ko alam kung kikita.
02:54May ilan nga araw na titigil muna sa pamamasada.
02:58Kahap ang kausbot ang grupo ko sa Danmarud, sa Tayuman at sa Blumetrit.
03:02Sabi nga nila, panlagay ko ho, kami po muna siguro mag-construction workers o magdito lang muna kami ng mga
03:08parmiqe.
03:09Ihirit daw ang mga transport group ng limang pisong provisional fare increase para sa buong bansa.
03:16Pero baka di na raw yan kailanganin kung pagbibigyan ng sigaw nilang ibasura ang oil deregulation law at tanggalin ng
03:23VAT at excise tax.
03:25Kung sa Metro Manila, nasa 70 pesos o higit pa ang litro ng gas at diesel.
03:31Sa Baguio, may mga gasolinahan na halos 90 pesos na ang kada litro ng diesel.
03:37Mahal din kasing mag-akyat doon ang langis.
03:41Isa na sa pinakamalapit na depo ang Poro Point sa La Union na halos 60 kilometro ang distansya.
03:47Sa Batanes, nasa 95 pesos na rin ang diesel at nasa Ilocos Region pa ang pinakamalapit na oil depo sa
03:57kanila.
03:58Sa katanwanes, nasa 88 pesos na ang litro ng diesel hanggang 92 pesos naman sa masbate.
04:06Para makaagapay at kumita ang ilang bus liner sa dagupan, magbabawas ng bibyahing bus sa itinaktang oras at magdaragdag na
04:15lang kung kinakailangan.
04:17Sa Bohol, planong magtaas-pasahe ang mga tourist transport operator.
04:23Nag-abiso na rin ang DTI, posibleng may bahagyang taas presyo sa ilang bilihin gaya ng Pinoy Tasty at Pinoy
04:31Panisal,
04:32mga dilata, processed milk, instant noodles, kape at bottled water.
04:38We're giving a range na about 2 to 8 percent impact, maybe a month or two from now kasi healthy
04:45pa po yung ating inventories.
04:46Payo naman ang Philippine Amalgamated Supermarket Association.
04:51Huwag magpanik-buying.
04:53That will immediately increase prices because there will be a lack of supply.
04:57Sabi mismo ni DepDev Secretary Arsenio Balisacan,
05:01kung umabot sa $140 kada barilis ang world price ng langis,
05:06posibleng umabot sa 7.5 percent ang ating inflation rate.
05:11Pero pwede raw iyang maagapan.
05:13And in the worst scenario, you would be seeing 6 to 7.5 percent increase in inflation.
05:20Those scenarios assume that we don't do anything,
05:24that we don't reduce the excise tax, the excise tax still there, and all other interventions.
05:32Ian Cruz, sagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:36Lusot na sa Committee on Ways and Means ng Kamara ang panukalang bigyan ng Pangulo
05:41ng kapangirihang suspindihin ang oil excise tax.
05:45Sa inuprobahang substitute bill,
05:48pinapayagan ng Pangulo na huwag munang maningin ng fuel excise tax
05:51ng hanggang 6 na buwan kung isang buwan ng $80 per barrel ng Dubai Crude
05:56o kung may deklarasyon ng emergency na certified ng Energy Secretary.
06:01Kung ma-certify as urgent na malakanyang panukala sa Kamara,
06:05nasa ang maaprubahan nito sa ikalawa at ikatlot huling pagbasa bukas.
06:10Sabi ng Pangulo, pag-aralang mabuti ng Pangulo ang naturang panukala bago ito is certified na urgent.
06:17Bukod sa Kamara, nagayon din si Sen. Loren Legarda ng Senate Bill No. 1842 o Fuel Price Relief Act.
06:25Sa kanyang panukala, bibigang kapangirihan ng Pangulo na suspindihin o bawasan ang excise tax
06:30at value-added tax sa langis kung lubhang mahal ang krudo sa world market.
06:36Dayunin itong magtatag ng fuel tax stabilization mechanism na magbibigay ng agarang tax relief.
06:44Ano nga ba ang binabayaran sa kada litro ng petrolyong binibili ng mga customer?
06:49Noong 2019, naglabas ang Department of Energy ng Circular para sa unbundling ng presyo ng petroleum products
06:56para makita kung para saan ang bawat pisong ibinabayag.
07:00Sa bawat litro ng gasolina, 45% o halos kalahati lang ng presyo ay import cost o ang halaga ng
07:07inangkat na fuel.
07:0818% ang industry take o yung halaga para mabawi ng kumpanya ang kanilang ginastos at kita o profit margin.
07:178% ay para sa pagdagdag ng ethanol, habang 29% o halos one-third ang napupunta sa mga buwis
07:25gaya ng excise tax at value-added tax.
07:28Sa diesel, 59% ang import cost.
07:3112% ang industry take o yung kinukubra ng mga oil company.
07:357% ang para sa binaragdag na coconut metal ester o CME.
07:40At 22% o halos one-fourth ang napupunta sa excise tax, value-added tax at iba pang buwis.
07:51Truck na may kargang liquid carbon dioxide tumagilid sa Sarangani.
07:56Sa Cebu City, nasa uyang tatlong sakay ng isang motorsiklo nang pumailalim sa truck.
08:01Narito ang report.
08:06Naglulok sa ang babaeng ito nang makita ang sinapit ng tatlong kaanak sa barangay Busay, Cebu City.
08:12Dead on the spot sila matapos pumailalim sa truck.
08:15Senior citizen ang isa sa tatlong biktima na sakay ng iisang motorsiklo.
08:20Batay sa embesigasyon, bigla o manong kumabig pakaliwa ang truck na pababa sa bulubunduking bahagi ng kalsada
08:26kung saan paakyat naman ang motorsiklo.
08:28Ang driver ng truck nasawi sa ospital.
08:32Nagpapagaling doon ang kanyang pahinante.
08:36Sa Tuba Benguet, nagbangga ng isang truck at SUV na parehong pababa ng Marcos Highway mula Baguio.
08:43Ayon sa pulisya, nawala ng preno ang truck hanggang mahagip nito ang likod ng SUV na nawalan din umano ng
08:49kontrol.
08:49Patay ang driver ng truck habang sugatan ang dalawang pahinante.
08:53Dalawang senior citizen naman ang sakay ng SUV na sugatan.
09:00Sumingaw ang puting usok mula sa tanker na ito na tumagilid kagabi sa malungon sa ranggani.
09:05Nag-zero visibility sa bahagi ng kalsada.
09:09Tumagas kasi ang karga nitong liquid carbon dioxide na madalas ginagamit sa mga fire extinguisher.
09:14Base sa embesigasyon, nawala ng preno ang truck habang nasa kurbada ng kalsada.
09:19Dinala sa ospital ang driver na napuruan sa ulo at pahinanting nasugatan sa tuhod.
09:25Nananatili sa ICU ang fratman na nalapno sa anniversary celebration ng isang fraternity sa Quezon City.
09:32Isa siya sa tatlong nadilaan ng apoy sa insidente.
09:37Pinabulaan na ng kanyang kapatid ang ulat na pinaglaruan niya umano ang apoy sa food warmer na nauwi sa pagliyap.
09:44Ayon sa kapatid, ang isa pang biktima ang nakialam sa burner.
09:48Naniniwala rin silang aksidente ang nangyari.
09:51Inoobserbahan pa ang kanyang kapatid na nagtamo ng third degree burns.
09:55Isa pa nilang kapatid ang nagtamo rin ng paso dahil sa pagliyap.
10:02Very complete na umano ang operasyon ng Amerika sa Iran ayon kay US President Donald Trump.
10:09Anya, napaaga sila sa itinakdang panahon ng Operation Epic Fury na apat hanggang limang linggo.
10:16Labis rin daw nilang napuruhan ng Air Force at Navy ng Iran.
10:20Pero sabi ng Iran, sila ang magtatakda ng katapusan ng gulo.
10:25Kung patuloy rin silang atakihin ng Amerika at Israel,
10:28ni isang litro rao ng langis ay di nila hahayaang makalusot sa Strait of Hormuz.
10:33Tugon dyan ni Trump, dalawampung beses nilang itotodo ang mga pag-atake
10:38kung patuloy na ahadlangan ng Iran ang pagbiyahe sa Strait of Hormuz.
10:44Hamon pa rin ngayon sa gitna ng gyera sa Middle East ang pagpapauwi sa mga naiipit na Pilipino.
10:50Kinumpirma naman ng Department of Migrant Workers na isang tripulanting Pinoy
10:54ang nawawala sa Strait of Hormuz.
10:56May report si JP Soriano.
11:07Yan ang huling video message ng Pinoy seafarer na ito sa kanyang pamilya nitong March 5.
11:12Bago siya nawala sa Strait of Hormuz sa gitna ng krisis sa Middle East,
11:16kwento ng kanyang misis wala raw magawa ang mister niya
11:19na madistino sa Strait of Hormuz kahit labag sa kalooban.
11:22Papigyan po sana ng kustisya kasi nakikita po po talaga na may kapabayaan ang kampani po nila.
11:29Sabi ng Department of Migrant Workers, may kababayan tayong nawawala sa Strait of Hormuz
11:34pero hindi pa nila kinukumpirma kung ito ay ang naturang tripulante.
11:38They were trying to help out. There was a ship that was attacked
11:43and they were trying to help out the ship, the seafarers in the ship.
11:47Yung ship na na-attack, safe. Okay yung mga seafarers dun.
11:52Wala namang Pilipino but safe yung mga seafarers.
11:55But they came in, the tugboat came in to help and they were attacked.
11:59Pero bukod sa mga land-based OFW at mga apektadong Pilipino sa iba't ibang bansa sa Middle East,
12:05isang malaking hamon din ngayon sa DMW kung paano kukunin ng ligtas
12:08ang mga Pilipinong sakay na mga barkong stranded ngayon sa Strait of Hormuz sa Persian Gulf.
12:14Ilang bansa na ang nakapagpalikas na mga kababayan nila matapos maipit sa Middle East.
12:19May mga Pinoy na rin naka-uwi, gaya ng mahigit tatlumpu ngayong gabi.
12:24Ayon sa palasyo, apataraang OFW ang kanilang nasundo.
12:28Bukod pa iya sa inaasahang pagating,
12:30ng dalawang pumula sa Dubai via commercial flight at labing ani mula Egypt.
12:35Sa March 40 ay may dalawang chartered flight daw ang Pilipinas na aali sa Saudi Arabia
12:40at may isa pang nilalatag sa United Arab Emirates.
12:45Sa gitna ng mga hakbang na iya,
12:47nagmungkahay si Vice President Sara Duterte sa paraan ng pag-repatrate.
12:52Alam mo napakadali magpadala ng aeroplano eh.
12:55Sa totoo lang.
12:56Alam nyo ba nung COVID, nagkontrata kami ng commercial airline.
13:02Kaya alam, BP, sarado ang airspace.
13:04Tsaka baka doon papagsakin yung aeroplano.
13:07Hindi ah, kasi yung isang kaibigan ko galing Dubai,
13:11papauwi na siya kasi nagbukas na.
13:13Yung siguro limitado,
13:18pero hindi sarado.
13:20Kasi yung kaibigan ko, papauwi na siya ng Pilipinas.
13:24Commercial flight siya.
13:26Pinalagan niya ng palasyo.
13:28Diyan ang problema po sa mga hindi nag-aaral at hindi nag-iisip
13:31at hindi inaalam kung ano talaga ang programa ng gobyernong ito.
13:35Makapagsalita lamang para makakuha siguro ng mga views,
13:39pero hindi po ito naaayon sa realidad.
13:43Ayon sa AFP, handa silang magsagawa ng repatriation.
13:46Pero di raw ito magiging madali at hindi pwedeng ihampi sa sitwasyon noong pandemya.
13:52It needs coordination dito, lalo na in this kind of situation na talagang conflict wartime po tayo.
14:00Sabi naman ang DMW, mas mahalaga na mailagay muna sa mas nigtas na lugar ang mga Pilipino sa Middle East
14:06at hindi ang makipag-unahan sa pag-arkila ng chartered flight.
14:10J.P. Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:20Live niyo pong napapanood ang talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos
14:25sa United Nations General Assembly sa New York City.
14:28Kabilang sa agenda ng Pangulo ang krisis sa gitang silangan
14:31at kaligtasan ng mga sibilyan gaya ng mga Pilipino.
14:35Isusulong din ng Pangulo ang non-permanent membership ng Pilipinas
14:39sa UN Security Council.
14:45I pray na hanggang maging lola po ko, andito ako forever.
14:50After more than 16 years in the industry,
14:53Jillian Ward muling pumirma ng kontrata under Sparkle GMA Artist Center.
14:58We're very happy na lumaki ka sa GMA and you're still with us.
15:01And we love you!
15:03I pray na this is only the beginning.
15:07Gusto ko po talagang ma-master pa po yung craft ko.
15:11And of course, magkaroon pa po ng mga mas challenging na mga roles.
15:16Bukod sa karyer, colorful din ang personal life ng Star of the New Gen.
15:21Nang matanong kung ano ang real score sa kanila ng young boxer
15:24at kapwa Sparkle Artist na si Eman Baco sa Pacquiao.
15:28I'm just so happy kasi nakakaroon po ako ng bagong tao sa buhay ko na very supportive.
15:34And in return, sinusuportahan ko din po siya.
15:39I'm very, very excited to see what GMA is gonna open yung mga doors for me.
15:44Lalong nagningning ang Sparkle GMA Artist Center
15:48dahil sa opisya na pagpirma ni Miss Universe 2025 third runner-up Maria Atisa Manalo.
15:55So I'm very happy na magsa-sparkle na siya.
15:58Lalabas na siya sa isang TV show as a special guest.
16:01Abangan yun and may movie tayo.
16:04May wishlist kaya si Atisa na makatrabaho?
16:07Leading man, Alden Richards, I wanna work with Marian Rivera, Ding Dong Dantes.
16:18Sa gitna ng tanghala ng kampiyon segment ng TikTok Lock,
16:22hinimatay ang seven-time defending champion na si Yula Bautista.
16:28Under observation pa rin siya.
16:30Umaasa naman ang buong TikTok Lock team sa lalo pang pagbuti ng kalagayan ni Yula.
16:37For trending K-pop news, aalis na ng N-hypen si He-sung to pursue a solo career.
16:43Kinumpirma yan ng kanyang agency na Agency Belift Lab.
16:48Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments