Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Para matiyak na tama ang itinataas ng presyo sa mga produktong petrolyo ngayong efektibo na ang utay-utay na oil
00:05price hike,
00:06nag-inspeksyon ang mga otoridad sa mga gasolinahan sa Baguio City.
00:10May ulat on the spot si Ian Cruz.
00:13Ian?
00:16Rafi, nag-ikot nga ang mga miyembro ng Local Price Coordinating Council ng Baguio City sa mga gasolinahan na dito
00:24sa kanilang lungsod.
00:26Ito nga Rafi para matiyak kung tama ba yung ginawa nilang mga pagtataas ng presyo
00:32at para malaman na rin kung may sapat pa bang supply o wala o kung meron din mga nagtatago ng
00:38kanilang supply.
00:39Hindi naman nagpa-interview ang mga namamahala sa gasolinahan pero sa isang gasolinahan sa Ligarda area,
00:45sinabi ng supervisor ng istasyon na sumunod lamang sila sa itinakda ng kumpanya na pagtataas.
00:50Patungko sa presyo ng langis, nakadepende raw ito sa pasa sa kanila ng mga oil companies
00:55at karaniwang nagiging dahilan ng mataas na cost ay ang biyahe nga papanik ng syudad na nasa kabundukan.
01:02Kahapon daw ay naubos ang diesel nila pero 12 a.m. kanina ay nagkaroon na ng delivery
01:07kaya agad sila nakapagbenta at hindi na naghintay ng 6 a.m. kung kailan nga nagsimula ang big-time oil
01:13price hike.
01:13Sarado naman, Rafi, dahil ubos na, umano ang supply sa isang gas station malapit sa Baguio Medical Center.
01:20Ayon sa manager ng gasolinahan, Sabado at Linggo, marami raw talaga nagpa-full tank.
01:24Kaya kahapon ng umaga, wala ng diesel at kagabi ay nasagad na rin ang kanilang gasolina.
01:29Ang estimate dapat martes hanggang webes pa sana mauubos ang supply nila
01:32pero sa dami nga nung nagpakarga ay tuluyang naubos yung supply.
01:36At umaasa nga sila na ngayong bago magtanghali ay makarating na ang tanker
01:41para magkaroon na sila ng nagdagdag na supply.
01:45May mga nakausap naman tayo, mga rider o motorista na nakailang gas station na raw ang napuntahan
01:50pero wala rin silang napakargahan.
01:53Ayan naman, nagtsatsaga pa rin sila.
01:55At sa isang phone patch interview, sinabi naman ni Mayor Benji Magalong ng Baguio City
01:59na umiikot nga ang Local Price Monitoring Board para imonitor ang oil price hike.
02:03Inaalam din nila kung talagang wala ng supply ng langis ang ibang gas station.
02:09Kapag napatunayan daw, Rafi, na nagdeklara ng wala ng supply
02:13pero meron naman talaga, ay irevoke agad ang kanilang business permit at ipasasara.
02:18Ukon sa pricing, sabi ni Magalong, na matagal ng panahon na angat talaga
02:22ng 8 to 10 pesos ang presyo ng kanilang petrolyo dito sa Baguio City
02:28at iba't-iba raw ang dahilan nito, gaya na lamang ng cost sa pag-akit nga ng petrolyo sa siyudad.
02:35Kaya naman, Rafi, ang nais ni Mayor Magalong ay mapag-usapan ng DOE at ng mga oil company
02:41kung paano nga ba matitiyak na hindi malalayo ang presyo ng petrolyo dito sa Baguio City
02:48doon sa tinatawag na common pump price gaya dyan sa Maynila.
02:52Yan muna ang latest mula rito sa Baguio City. Balik sa'yo, Rafi.
02:55Maraming salamat, Ian Cruz.
Comments

Recommended