00:00Bago po man naging bagyo, nagpaulan at nagpabahan na po sa sarangani ang trough
00:04o yung extension ng dating low pressure area na nasa Pacific Ocean.
00:09Hirap ngayahe ang maraming residente at estudyante sa barangay Malandag
00:13sa bayan ng Malungon dahil sa pagragasa ng tubig sa mga kalsada.
00:18Tumaas din po ang level ng tubig sa Magnet River.
00:21Nagbara din ang ilang daluya ng tubig na lalong nagpabaha sa lugar.
00:27Magpapaulan muli ang trough ng bagyo sa ilang bahagi ng bansa ayon sa pag-asa.
Comments