00:00Sa gitna ng big-time oil price hike, asahan rao na masusundan yan ng taas singil sa kuryente.
00:06At kaugnay niyan, makapanayin po natin sa Energy Regulatory Commission Chairperson and CEO,
00:11Atty. Francis Saturnino Juan.
00:13Magandang umaga po, Atty. Si Maris, umali po ito at live po tayo sa unang balita.
00:18Magandang umaga, Maris, at sa lahat ng mga sumusubaybay.
00:22Atty. Una po sa lahat, para mas maintindihan ng ating mga kababayan,
00:25bakit po magkakaroon ng taas singil sa kuryente ngayong may big-time oil price hike?
00:30Alam naman natin, lahat na yung ating produksyon ng kuryente,
00:34nakadepende ang malaking bahagi niyan sa inaangkat nating panggatong.
00:39Kaya't kung tataas ang presyo ng panggatong na ito,
00:43tumataas din ang presyuhan ng kuryente sa atin.
00:47Sabi po ni Energy Secretary Sharon Garin,
00:50posible raw umabot sa 16% ang itataas sa electricity rate sa susunod na buwan.
00:54Pwede pong pakiexpound po ito?
00:57Oo, maaari nga yan.
00:59Kasi nga, sa mga susunod na buwan,
01:01bukod sa pataas ng pataas yung presyo noong panggatong,
01:06ay tumataas din ang demand natin sa kuryente dahil painit na ang panahon.
01:12Kaya't kung tataas ang demand, mas kakailanganin natin ang mas maraming supply o kuryente.
01:18Kasama na dito, yung mga supply na nanggagaling sa mas mahal na mga planta.
01:23Automatic po ba itong mapapatupad?
01:25O meron po bang eksaktong panahon kung kailan ito mararamdaman?
01:30Ito, depende talaga ito doon sa ating mga utilities kung saan sila kumukuha ng kanilang supply
01:38at depende rin sa mga kontratang pinasok nila.
01:41Depende rin ito sa magiging presyuhan sa WSM o yung spot market natin
01:46at kung gaano kadami ang binibili ng ating mga utilities mula dito sa WSM.
01:52Kaya iba-iba, hindi natin matukoy kung magkano talaga ang magiging pagtaas
01:58sa bawat singil ng ating mga ibat-ibang distribution utilities
02:02kasama na dito yung mga suppliers na nagsusupply sa ating contestable market.
02:07Alright, attorney, huli na lang.
02:09Dahil inevitable ito, ano yung mga hakbang na gagawin na lang natin para maibsa nito?
02:14Ang ating makukontrol talaga ay ang ating pagkonsumo ng kuryente.
02:18Kaya ating pinapalawig yung ating campaign para sa pagpapababa ng pagkonsumo.
02:28Pero ganun pa man, tinitingnan pa rin at nagmamasit ang komisyon
02:34dito sa magiging behavior ng ating mga market players,
02:38yung mga generation companies natin at supplier
02:41at tinitingnan natin kung may mga mananamantala.
02:43At sa pagdating naman sa WSM, kung talagang magtataasan ang singil,
02:49mayroon tayong in-place ng mga mekanismo na kung saan
02:52ay mag-e-effect nito tulad ng mga price cap at saka yung secondary cap
02:58para ma-mitigate yung anumang pagtaas ng singil sa WSM.
03:02Maraming maraming salamat po, ERC Chairperson and CEO Attorney Francis Saturnino Juan
03:08sa inyo pong paliwanag at sa inyo pong panahon.
03:11Magandang umaga po sa inyo.
03:12Magandang umaga, Maris. Salamat.
Comments