00:01Mga Kapuso, inerereklamo ng isang pamilya ang biglang pagputol sa linya ng kanilang kuryente
00:07nang wala o manong natatanggap na disconnection notice mula po sa Meralco.
00:11Yan ang idunolog sa team ng inyong Kapuso Action Man!
00:18Umabot ng maigit 3,000 piso ang halaga ng bayarin sa Meralco ng pamilya Verano nitong katapusan ng Enero.
00:24Hindi lang nila nabayaran agad ng konsumo, pero ang tanong ng pamilya,
00:29bakit bigla silang pinutulan ng kuryente nitong pagpasok ng Pebrero
00:33gayong hindi umuro sila nabigyan ng disconnection notice
00:37na dapat ay naibibigay 48 oras bago maputulang.
00:41Kasi nga yung maliit ko po nasa ospital.
00:44January po, wala pa po kaming notice.
00:47Kaya nag-ano pa po kami, kampante pa po kami na bibigay ko pa yung payment namin.
00:53Kaya dun kami nagtataka, sana naman po bago nila kami putulang.
00:56Magbigay muna sila ng abiso.
00:59Laking perwisyo raw ito, lalo't may batang may sakit sa pamilya.
01:03Nang time na yun, nag-denable yung maliit ko.
01:06Nag-denableizer siya.
01:07Simula nung tinanggalan po kami, hindi na muna tuloy yun.
01:15Dumulog ang inyong kapuso action man sa Meralco.
01:18Paliwanag nila, September pa ng nakaraang taon, naputulan ng kuryente ang pamilya Verano.
01:23Dahil daw ito, sa hindi nila pagbabayad ng buo sa ilang buwang konsumo.
01:28Kaya Pebrero ngayong taon, tuluyan ang niretiro ang servisyo ng Meralco sa bahay ng pamilya.
01:34Wala raw na ibigay na disconnection notice dahil matagal nang naputo ng kuryente.
01:39Paglilinaw ng Meralco, ang disconnection ay ang pansamantalang pagtigil ng servisyo ng kuryente.
01:45Habang ang meter retirement naman ay ang tuluyang pagtanggal ng metro at pasilidad ng kuryente.
01:52Aminado ang pamilya Verano na pautay-utay ang naging bayad nila sa Meralco sa loob ng ilang buwan.
02:12Nagpa-submeter daw sila sa kapitbahay kaya muling nagkaroon ng kuryente.
02:15Sa aming pakikipaglulayan sa Meralco, naipaunawa sa pamilya kung paano maibabalik ang kanilang kuryente.
02:22Sa ngayon po mga kapuso, nabayaran na ng pamilya ang balanse nila.
02:27Sa Meralco, at nakabitan na rin sila ng linya ng kuryente.
02:31Naunawaan na rin nila na dapat ay nababayaran ng buo ang kanilang konsumo.
02:41Mission accomplished tayo mga kapuso, para po sa inyong mga sumbong pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
02:47o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner sa Maravinyo, Diliman, Quezon City.
02:52Dahil sa anumang reklamo, pang-aabuso o katawali at yak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
02:59Naglabas ang Sandigan Bayan 5th Division ng Writ of Preliminary Attachment para sa 16 na ari-arian ni dating Congressman
03:07Zaldico at ng kanyang misis.
03:09Sa ilalim nito, mailalagay sa kustudiya ng Korte ang mga ari-arian habang gumugulong ang kaso laban kay Co.
03:18Sakop ng Writ of Preliminary Attachment ang walong ari-arian sa Pasig City, apat sa Makati City, tatlo sa Quezon
03:26City at isa sa Lipa, Batangas.
03:29Hiningi ng Prosekusyon ang Writ of Preliminary Attachment para matiyak na may mababawi ang gobyerno sakaling katigan nito ng Korte
03:38sa magiging desisyon nito sa kaso.
03:41Kinasuhan si Co kaugnay ng P289MP project sa Nauhan Oriental Mindoro na substandard umano.
03:49Wala pang pahayag ang kampo ni Co.
03:53Labing lima ang sugatan matapos salpukin ng isang kotse ang isang jeepney sa Naga City sa Cebu.
04:01Nahuli kami yan at tinutukan ni Femarie dumabok ng GMA Original TV.
04:11Pasakay na ang babaeng ito sa isang jeepney sa Naga Cebu.
04:16Dagbanggain sila at ararohin ng isang kotse mula sa kabilang lane.
04:20Sa pagbangga dito ng kotse ay tuluyang tumagilid ang jeepney.
04:24Ang kotse ang may pasaherong dalawang senior citizen at limang taong gulang na batang lalaki.
04:30Tumilapon ang dalawang katao na nakatayo malapit sa PUJ.
04:34Sugatan ang driver ng jeepney, anim nitong pasahero, limang pedestrian at ang tatlo pang pasahero ng pribadong sasakyan.
04:41Agad naman tumulong ang mga tao at itinayo pa ang jeepney.
04:45Dinala sa ospital ang mga nasugatan.
04:47Na-aresto naman ang driver ng pribadong sasakyan na nakabangga.
04:52Ayon sa kanya, nag-malfunction ang manibela ng kanyang sasakyan.
05:11Ang nag-gahi sir, manobela sir no?
05:14Oo, may statement niya.
05:16Patuloy pa ang investigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.
05:20Para sa JME Regional TV at JME Integrated News, ako si Femery Dumabuk.
05:27Nakatutok 24 oras.
05:30Sinimula na ng mga ahensya ng gobyerno ang pagpapatupad ng 4-Day Work Week.
05:35Alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos.
05:37Nag-abiso sa publiko tungkol diyan ang Metro Manila Development Authority o MMDA,
05:42pati ang Department of Social Welfare and Development,
05:44na sinigurong hindi raw maantala ang kanilang mga programa at servisyo.
05:49Nananatiling fully operational din ang ilang servisyo ng PhilHealth.
05:51Ang GSIS, sinigurong bukas ang kanilang service counters kabilang ang Lobby at Pensioner's Lounge
05:58mula po lunes hanggang biyernes sa pamamagitan ng adjusted frontline shifts.
06:03Patuloy din ang operasyon sa SSS branches sa pamamagitan din ng shifting work schedule.
06:08Susunod din daw ang Department of Justice sa utos ng Pangulo,
06:12pero babalansigin daw nila ito para hindi maapektuhan ang akses sa ustisya ng publiko.
06:17Nagpatupad na rin ang 4-day work week, ang ilang lokal na pamahalaan at patuloy din ang essential services.
06:25Sugatan ang isang tindero ng maatrasan ng isang SUV sa Rodriguez Rizal.
06:31Natarantaumano ang driver matapos makabangga ng isa pang kotse.
06:35Nahuli kami yan at nakatutok si Dano Tingkungko.
06:41Sa bahagi ng JP Rizal Street sa Rodriguez Rizal,
06:44nakapila para magpagas ang isang SUV nang bumangga ito sa isa pang sasakyan.
06:51Umatras ang SUV pero tuloy-tuloy at mabilis ang atras nito hanggang sa matumbok naman ang tindahan sa kabila ng
06:57kalsada.
07:02Pumailalim ang nagtitinda sa SUV.
07:04Sugatan nito at agad din nala sa ospital.
07:07Ayon sa embisikasyon, mali ang naapakan ng babaeng driver kaya nabangga ang sasakyan sa unahan,
07:12pero nataranta raw ito at agad umatras.
07:15Hindi niya nakala na yung kanyang natapakan ay yung mismong ano na, accelerator.
07:22Ito ay kanyang ni-reverse or inilagay niya sa parking mode.
07:27Pero bago dumating sa parking mode, dumaan muna ito sa reverse mode.
07:31Pakan niya.
07:32At natapakan niya yung accelerator, dire-direction naman siyang umatras.
07:38Agad rumesponde ang mga polis na nagpapatrolya sa mga gasolinahan.
07:42Nakipag-areglo na umano ang driver at nangakong babayaran ng lahat ng danyos
07:45kabilang ang pagpapa-ospital sa biktima at pagpapaayos ng nasirang tindahan.
07:51Para sa GMA Integrated News, Dano Tinko, nakatutok 24 oras.
07:56Bistado sa Maynila ang ilang establishmento na bugat-umanon ng mga pinikeng produkto.
08:03Mahigit 200 milyong pisong halaga niya nang kinumpis ka.
08:08Nakatutok si John Consulta.
08:10Exclusive!
08:13Sa visa ng search warrant, pinasok na mga tauan ng NBI Intellectual Properties Division o IPRD
08:20ang ilang mga establishmento sa iba't ibang lugar sa Maynila noong nakaraang linggo.
08:25Ang target ng operasyon, sam-sami ng mga counterfeit na produkto,
08:31mula sa automotive parts hanggang sa luxury goods.
08:35Nagsimula ito sa pag-file ng complaint ng mga representative ng mga produkto na related sa luxury goods,
08:47automotive parts, and apparel.
08:51Nagkaroon ng verification, test buy.
08:55Napansin namin sa automotive parts na gaya-gaya yung original.
09:02Pareho yung packaging at yung marking pati yung hologram.
09:10Aabot sa mayigit 200 milyong piso ang halaga ng mga nasamsam na mga pinikeng produkto.
09:15Sasampan ang reklamang paglabag sa Intellectual Property Code ang mga nasa likod nito.
09:20Napatuloy na tinutugis ng mga otoridad.
09:22Mag-hahain daw ng musyon sa korte ang NBI upang masira ang mga counterfeit products para di na may balik
09:28sa merkado.
09:28Paalala ng NBI.
09:31Iwasan po natin tumagkilik ng kanyang mga produkto.
09:34Nawawalan din po tayo ng tamang buwis sa mga sasakyan, mga engine goods na yan.
09:40May safety issue po dyan kasi kung nga po ay counterfeit at peke,
09:43wala pong kasiguruduhan at mamaya ginagamit ng pamilya yung sasakyan,
09:47ginamit nyo yung mga produkto, nagkabit kayo ng mga produkto nga sa inyong sasakyan at kayo yung aksidente,
09:53eh malaki pong kabalahan at sakuna na mangyayari sa inyong pamilya.
09:59Para sa GMA Integrity News, John Consulta, Nakatutok, 24 Horas.
10:06Mga panibagong reklamo ang inihain laban sa labing walong nagpakilalang sundalo
10:11ng mga dati umanong tauhan ni Zaldico at laban sa kasama nilang si Attorney Levito Baligod.
10:17Kabilang dyan ang perjury at cyber libel na inihain ni Commeresswoman Laila de Lima at isang pari.
10:24Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
10:29Magkasamang dumating si na Rep. Laila de Lima at Fr. Flavi Villanueva sa Department of Justice.
10:35Nagsampa sila ng magkahiwalay na reklamong perjury laban sa labing walong dating marines
10:40na nagsabing nag-deliver sila ng pera sa ilang opisyal ng gobyerno mula o mano kay dating Rep. Zaldico.
10:47Sa pinagsamang sinumpaang salaysay ng mga dating sundalo,
10:50sinabi nilang inutusan sila ni Co na mag-deliver ng mga maletang may lamang pera.
10:54Kabilang sa binanggita nakatanggap ng pera o mano si De Lima, mariin niya itong itinanggi.
11:00Sa National Bureau of Investigation naman,
11:03nag-file ng cyber libel complaint si na De Lima at Fr. Flavi laban sa abogadong si Levito Baligod na
11:09kasama ng mga dating sundalo.
11:12Since these are untruthful statements made in their affidavit, sorn affidavit,
11:17yung pinagsamang sinumpaang salaysay, signed and executed by these 18 alleged ex-marines,
11:25ay nagpasya po ako na mag-file ng complaint affidavit for perjury kasi nga ako kasinungalingan.
11:32Nabanggit din sa affidavit na si Co Umano ang gumasto sa pagbisita ng mga kinatawa ng International Criminal Court sa
11:39Pilipinas.
11:40At isa umano sa pinuntahan nila, ang bahay kalinga para makausap ang mga biktima ng drug war ni dating Pangulong
11:46Duterte.
11:47Ito raw ang dahilan ng pagdulog sa DOJ ni Fr. Flavi.
11:51Sa ngalan ng mga biniktima na extrajudicial killing noong panahon ni Rodrigo Duterte, kami po ay naninindigan sa katotohanan.
12:01Ito ay naniniwala ko isang pananakot, paninira sa integridad ng ICC.
12:10Sinagawa nila ito, itinaon nila ito sa investigasyon.
12:15Pangalawa, dinawit nila at pilit dinadawit yung mga taong gustong ilantad yung katotohanan.
12:22Sa tanong kung sino ang nasa likod ng mga umunay dating Marines, sabi ni Delima,
12:27It could only be the handiwork of the Duterte camp.
12:30Tingnan niyo po naging timing kung saan nandyan yung impeachment proceedings against the Vice President,
12:35kung saan nandyan yung mga kaganapan sa ICC, katatapos lang ng confirmation of charges hearing,
12:42sa kanila linabas ito.
12:43To distract, napakaklaro po ng agenda na yan.
12:46To confuse, to create confusion.
12:49Hiningan namin ng reaksyon si Vice President Sara Duterte.
12:52Pero nauna nang sinabi ng Vice President na hindi niya kilala ang mga dating sundalo.
12:58Sinabi rin niya na walang makapagsabi sa kanila na kinausap o nakipagkita siya sa mga ito.
13:04Bwelta naman ang dating Chief Presidential Legal Counsel ni dating Pangulong Duterte,
13:08Wala o mano, ni katiting na kredibilidad ang sinabi niya na Delima at Father Flavi.
13:14Hindi raw ito nararapat pang sagutin.
13:17Sinabi naman ni Baligod na handa silang harapin ang mga akusasyon.
13:21Sana raw ang mga nabanggit sa affidavit ay handa ring harapin ang mga akusasyon nila.
13:26Nagsam pa rin sa DOJ ng reklamong cyber libel si Bureau of Corrections Chief Gregorio Katapang laban kay Baligod
13:35at cyber libel complaint naman laban sa 18 ex-Marines.
13:39Sa Supreme Court naman, nag-file si Katapang ng disbarment complaint laban kay Baligod
13:44dahil sa mga hindi totoong payag nito sa media.
13:47Matatanda ang sinabi sa affidavit ng mga dating sundalo na si Katapang Umano
13:51ang nagbigay ng walong maleta kay Ko sa isang hotel.
13:55Mariin itong itinanggi ni Katapang.
13:58Baka naman na-waylaid lang sila ng mga nag-udyok sa kanila na mag-testify against me.
14:05Willing naman ako kung basta i-withdraw nila yung statement nila na nag-deliver ako ng walong maleta
14:13at hindi ako corrupt.
14:15Sagot naman ni Baligod, inaasahan na nila na meron pa mga darating na reklamo laban sa kanila
14:21pero hindi raw sila pinanghihinaan ng loob.
14:25Ayon sa DOJ, pag-aaralan pa nila ang mga isinampang reklamo para matukoy kung uusad ba ito sa preliminary investigation.
14:33Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, nakatuto 24 oras.
14:39Good news naman po sa sports.
14:42Aabante sa round of 16 ng Indian Wells Open si Pinay tennis superstar Alex Ayala.
14:47Kasunod po yan ang laban ni Ayala kontra kay World No. 4 Coco Goff na nag-retire sa second set
14:54ng round of 32
14:55dahil umano sa arm injury.
14:58Si Ayala ang nanaig sa first set sa score na 6-2.
15:03Ang pambato naman ng Czech Republic na si Linda Noskova ang sunod na makakalaban ni Ayala.
15:14The wedding bells are ringing na nga ba para kay Bea Alonzo?
15:18Usap-usapan ngayon ang engagement ni Bea at ang kanyang businessman boyfriend na si Vincent Ko.
15:24Yan ay matapos ipost ng isang simbahan sa Maynila ang marriage bans ng couple gamit ang kanilang legal names.
15:31Tatlong magkakasunod na linggo matalas, isinasa publiko ang marriage bans bago ang kasalan.
15:38Sa ngayon, kinukuha pa namin ang pahayag ni Bea.
15:41Dati nang sinabi ni Bea na mas pinipili niyang maging privado ang estado ng kanyang love life.
15:49Lubos ang pasasalamat ng buong GMA Network sa mga pagkilalang ibinigay ng Lyceum of the Philippines University Cavite
15:57sa iba't ibang personalidad at programa.
16:00Proud na kabilang dyan ang ating programang 24 Horas at nakatutok si Rafi Tima.
16:07Andrew Wiggins for Media Excellence and Television News is 24 Horas!
16:14Huwag iyang 24 Horas sa kategoriyang Media Excellence and Television News
16:18sa ika-apat na lauros nabilis Media Excellence Awards ng Lyceum of the Philippines University Cavite.
16:24Huwag iyang mga angkors ng programa para sa Media Excellence and Television News anchoring.
16:28Si Mel Tiyanko sa female category at si Kuya Kim Matienza sa male category.
16:34Si 24 Horas anchor at kapuso action man Emil Sumangil panalo sa kategoriyang Media Excellence in Radio News anchoring male
16:42category.
16:43Ang eyewitness na nagdiriwang na ikadalawamputpitong anabersaryo ngayong taon,
16:47huwag i sa Media Excellence in Public Affairs Program category.
16:50Si Ato Maraulio naman ang nanalo sa male category ng Media Excellence in Public Affairs Hosting.
16:56Huwag i rin ang its showtime at ang host nito na si Vice Ganda.
16:59Si Papa Dudut ng Barangay LSFM panalo naman sa Media Excellence in Radio News Jockeying male category.
17:06Kinikilala sa lauros nobilis Media Excellence Awards ang natatanging ambag ng mga insitusyon at personalidad sa mass media.
17:13Bukod sa mga estudyante ng Lyceum University of the Philippines, Cavite, bumoto rin ang mga empleyado at alumni ng unibersidad.
17:20Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima nakatutok, 24 Horas.
17:30Muli, maraming salamat po sa Lyceum of the Philippines, Cavite, para sa pagkilala pong ito sa 24 Horas.
17:38At maraming salamat din po sa paggawad ninyo sa akin ng Media Excellence in Television News Anchoring.
17:46Gayun din po sa akin sa Media Excellence in Radio News Anchoring male category.
17:51Maraming, maraming salamat po.
17:53Mabuhay po kayo, Lyceum of the Philippines, Cavite.
17:56Mabuhay ang glow up.
Comments