Skip to playerSkip to main content
  • 13 hours ago
President Marcos has announced that starting March 9, government agencies under the Executive department will temporarily implement a four-day work week amid the expected oil supply disruption caused by the conflict in the Middle East.

In a video message on Friday, March 6, Marcos announced several measures the government will take in response to the expected increase in oil prices.

READ MORE: https://mb.com.ph/2026/03/06/marcos-implements-4-day-work-week-in-govt-agencies-to-cushion-expected-oil-supply-woes
Transcript
00:00Mga kababayan,
00:01Ang Pilipinas at ang buong mundo ay kasalukuyang nakakaranas ng epekto ng gera sa gitnang silangan.
00:07Kapag may kaguluhan sa reyong iyon, gumagalaw ang presyo ng langis.
00:12Gumagalaw ang presyo ng kuryente, gumagalaw ang presyo ng lahat ng bilihin.
00:17Dahil sa kaguluhan ito, naapektuhan ang pagdaan ng mga barkong nagdadala ng langis sa Strait of Hormuz,
00:24isa sa pinakamahalagang daanan ng langis sa buong mundo.
00:28Kapag nagkaroon ng problema sa adaan ng ito,
00:32naapektuhan ang supply ng langis at tumataas ang presyo nito sa buong mundo,
00:37hindi lamang dito sa Pilipinas.
00:39Sa susunod na linggo, inaasahan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
00:44Kinatayang tataas ang presyo ng gasolina ng 748 pesos kada litro,
00:50diesel ng 1728 pesos at kerosene ng 3235 na piso.
00:57Malinaw sa atin ang tanong ng maraming Pilipino ngayon.
01:00Ano ang gagawin ng pamahalaan?
01:02Naghahanda na po tayo.
01:04Una, nakikipag-ugnayan na tayo sa Kongreso upang mapagkalooban ang Pangulo ng pansamantalang kapangyarihan
01:11upang bawasan ang excise tas sa mga produktong petrolyo kung papalo ito sa 80 US dollars kada barrel.
01:20Ikalawa, kinakausap na natin ang Kongreso upang amyendahan ang Biofuels Act of 2006
01:27upang magamit natin ang mas murang bioethanol para sa pagbababa ng presyo ng gasolina.
01:34Ikatlo, ilalabas natin sa lalong madaling panahon ang fuel subsidy at cash transfer para sa mga apektadong sektor.
01:42Makikipagtulungan ang mga ahensya ng pamahalaan at ang mga lokal na pamahalaan
01:48upang matiyak na makarating agad ang tulong sa mga nangangailangan.
01:53Kasabay nito, patuloy na minomonitor ng pamahalaan ang presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan
01:59upang matiyak na walang mananamantala sa sitwasyon na ito.
02:03Nakikiusap ako sa ating mga negosyante at mga trader, huwag ninyo sanang samantalahan ang sitwasyon ito.
02:10Pinapaalala ko sa lahat na ang hoarding at ang profiteering ay labag sa batas.
02:15Para naman sa bahagi ng pamahalaan, simula sa lunes, ikasyam ng marso,
02:20pansamantala natin ipapatupad ang 4-day work week sa ilang tanggapan ng ehekutibo.
02:26Hindi kabilang dito ang mga nagbibigay ng emergency o pangunahing servisyo
02:31gaya ng mga pulis, bumbero at mga tanggapan na nagbibigay ng frontline services sa publiko.
02:38Bukod pa rito, inaatasan ko ang lahat ng ahensya ng ating pamahalaan
02:44na magtipid at magbawas ng 10-20% sa konsumo ng kuryente at gasto sa petrolyo.
02:52Pansamantala rin ipinagbabawal ang mga biyahe at aktibidad ng pamahalaan
02:57na hindi naman kinakailangan gaya ng mga study tour, team building activities
03:02o mga meeting na maaari namang gawing online.
03:05Para naman po sa ating mga kababayan na kasalukuyang nasa mga bansa
03:09sa gitnang silangan, ang DFA, DMW at OWA ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa inyo
03:17upang mag-monitor sa inyong mga kalagayan.
03:19Nasimulan na po ang paglikas ng mga Pilipino na nais magparipatriate
03:24at sa oras ligtas na ang pagbiyahe, mailikas na natin lahat.
03:28Mga kababayan, hindi natin alam kung kailan matatapos ang kaguluhan sa gitnang silangan.
03:35Biktima tayo ng isang gera na hindi natin pinili o ninanais.
03:40Hindi natin kontrolado ang tigmaan pero kontrolado natin kung paano natin buprotektahan ang Pilipino.
03:46Hindi ito ang pinakamalalang pagtaas ng presyo ng langis na naranasan ng ating bansa.
03:52Marami na tayong napandaanan na pagsubok.
03:55At sa bawat pagkakataon, dahil sa ating pagkakaisa, pananampalataya sa Diyos
04:00at malasakit sa isa't isa, nalampasan naman natin ang mga ito.
04:04Naniniwala ako na malalampasan din natin ang pagsubok na ito.
04:08Maraming salamat sa inyong pakikiisa at sa inyong pagtutulungan.
04:16Maraming salamat sa inyong pagtutulungan.
04:20Maraming salamat sa inyong pagtutulungan.
04:23You
Comments

Recommended