Skip to playerSkip to main content
Emphasizing that industries are continuously being reshaped by digital technology, rendering some skills irrelevant, President Marcos has encouraged job seekers to make use of the free mentorship and upskilling offered by a non-profit organization.

Marcos graced the launch of Go Negosyo's "Trabaho at Negosyo" at the SM Mall of Asia in Pasay City on Friday, March 6, where he stressed that Filipinos are capable of keeping up with today's "uncertain world."

READ: https://mb.com.ph/2026/03/06/marcos-urges-job-seekers-small-business-owners-to-take-advantage-of-free-mentorship-services

Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UC5664f6TkaeHgwBly50DWZQ/join

Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin

Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com/@manilabulletin

#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews
Transcript
00:00Masaya akong na makasama kayo ngayong araw upang ilunsad ang trabaho at negosyo.
00:07Marami sa mga kababayan natin na nagsimula sa maliit na pangarap,
00:11isang food cart sa kanto, isang pwesto sa basar,
00:15isang online store na pinapatakbo na nagsimula lamang sa kanilang mga bahay.
00:21Ngunit, hindi madali ang pagsimula at pagpapalago ng isang negosyo.
00:26Maraming MSME ang nahaharap sa iba't ibang hamon,
00:31kakulangan ng puhunan, limitadong akses sa mamimili, access to market,
00:37mabilis na pagbabago ng ekonomiya at ng teknolohiya.
00:42Kasabay nito, marami rin mga kababayan natin ang nahihirapang makahanap ng trabaho,
00:48lalo na yung mga tumutugma sa kanilang kakayahan at ang kanilang pinag-aralan.
00:54Kaya narito tayo ngayon upang magbigay sa MSMEs
00:59at mga kababayang naghahanap ng trabaho ng inspirasyon, suporta at pagkakataon.
01:07Today, we live in a very uncertain world.
01:11What many of us have studied and developed a decade or even just a couple of years ago
01:16are sometimes we find no longer relevant.
01:20Industries are being reshaped by digital technology and artificial intelligence or AI.
01:27Traditional jobs are transforming.
01:30The skills that were once optional, now they are essential.
01:35Naniniwala ko, kayang makasabay naman ang mga Pilipino.
01:40Alam naman natin na sa kabila ng mga hamon,
01:44maabilidad at madiskarte ang ating mga kababayan,
01:48marunong tayong maghanap ng paraan.
01:51Hindi natin sinusukuan ang problema kahit na ano ang hinaharap natin.
01:57Hindi hadlang ang makabagong mundo sa ating pagunlad.
02:02Bagkus, gagamitin natin ito upang magtagumpay pa sa buhay.
02:08Panatilihin lang natin ang tiwala sa ating mga sarili.
02:12Huwag matakot sa teknolohiya.
02:14Pagbutihin ang ating mga kakayahan at samantalahin ang pagkakataon na dumadating sa atin.
02:22Tulad na lamang ng pagkakataong ibinibigay ngayong araw,
02:26ang trabaho at negosyo na programa ng GoNegosyo.
02:30Dito, may learning session kasama ang industry expert at thought leaders
02:36at magbabahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa larangan ng pagnenegosyo.
02:42May job fair na nag-uugnay sa ating mga kababayan at employer mula sa iba't ibang sektor.
02:49May mga one-stop shop pa na servisyo na isinasagawa ngayon
02:55para magbigay ng pre-employment assistance at advisory service
03:00ang ilang ahensya ng gobyerno gaya ng DTI, ng TESDA, BIR at iba pa.
03:07Makakaasa po kayo na patuloy ang administrasyon na ito
03:11sa pagpapaunlad ng kasanayan ng ating mga kababayan.
03:15Ang pagpapalakas ng mga programang makakatulong sa bawat Pilipino na makahanap ng trabaho.
03:23Sa pamamagitan ng mas pinalakas na employment program,
03:28kabilang na ang skills training at business mentoring,
03:32mas napapalapit natin ang trabaho at pagkakataon sa ating mga mamamayan.
03:39Noong nakaraang taon, nakapagsagawa tayo na mahigit 2,300 job fair sa buong bansa.
03:47Mula rito, higit 74,000 na job seeker ang kaagad na nakatanggap ng trabaho.
03:56Itong Enero lamang, 47 job fair na ang naisagawa natin.
04:01At mula rito, mahigit 2,400 ang hired on the spot.
04:08Ibig sabihin, dito sa job fair pa lang, nakakuha na sila ng trabaho.
04:12Kasabay nito, pinapalawak din natin ang mga programa
04:17para sa re-skilling, up-skilling, at saka yung enterprise-based training ng ating mga manggagawa.
04:25Ibig sabihin, specialized training na po ito ang magtuturo ang mismo magiging employer ninyo.
04:33Para naman, sa ating mga MSME,
04:36ginawa natin mas simple at mas mabilis ang servisyo ng gobyerno.
04:41Sinisikap din natin na palawakin ang akses sa puhunan
04:45at patibayin ang mga programang tumutulong sa paglago ng kabuhayan.
04:51Yung pong binanggit ni Secretary Roque
04:54tungkol sa pagtulong sa pautang, patulong sa pag-job matching.
05:00Sa pamamagitan ng mga negosyo center,
05:04mas napapalapit ang mga servisyo ng pamahalaan sa mga negosyante.
05:09Dito, maaari kayong mabigyan ng payo, magkaroon ng mentorship,
05:15at makakuha ng tulong upang mapalapit ang inyong mga negosyo sa mamimili.
05:22Inaasahan natin na ang mga programang ito
05:25ang magbibigay ng dagdag na lakas sa kabuhayan ng ating mga kababayan.
05:31Ang isang sari-sari store owner ay maaaring makapagpalawak ng negosyo
05:37sa pamamagitan ng itinatawag na e-commerce.
05:41Ang isang bagong graduate mula sa probinsya
05:45ay hindi na kailangan pang lumuwas sa Maynila upang magtrabaho,
05:49basta't may sapat na kasanayan at internet.
05:52We equip our people not only to survive,
05:56but to succeed in this changing world.
06:00Sa layunin ito ng pamahalaan,
06:03katuwang natin ang ating mga kaibigan at partners sa pribadong sektor.
06:08Through the advocacy of GoNegosyo,
06:11we promote a positive mindset towards business,
06:15not as a last resort,
06:16but as a strong complement to our collective role in nation-building.
06:22Truly, we cannot diminish the role of the private sector
06:27in helping the government address employment gaps,
06:30from identifying skills needed by industry
06:34to easing the path of doing business in our country.
06:38Kaya't hinihikayat ko po,
06:40kayong lahat dito,
06:42na pakinabangan ang learning session.
06:45Gamitin po ninyo ang kaalaman mula doon
06:48upang mapalakas pa ang kakayanan ninyo
06:51dito sa trabaho at negosyo.
06:54Because when we build skills,
06:56we build confidence.
06:58When we create jobs,
06:59we restore the dignity of our people.
07:02And when we strengthen our economic foundations,
07:06we build a stronger nation for tomorrow.
07:09Maraming maraming salamat po.
07:11Mabuhay!
07:12Ang mga negosyante at manggagawang Pilipino,
07:15Mabuhay!
07:16Ang bagong Pilipinas!
Comments

Recommended