Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nagsori ang asawa ni House Deputy Minority Leader Bong Suntai na si Sheila Guevara kay Ann Curtis
00:07para sa mga sinabi ng kanyang mister tungkol sa aktres.
00:10Sa isang social media post, sinabi ni Guevara na walang sino mang babae ang dapat pag-usapan ng ganoon.
00:17Nagsori din si Guevara sa pamilya ni Curtis.
00:20Binigyang diin ni Guevara na lahat ng babae ay dapat igalang at tratuhin ng may dignidad.
00:26Hindi raw sangayon at hindi kinukonsinti ni Guevara at ng kanyang mga anak ang mga pahayag ni Suntai.
00:34Itinanggiri ni Guevara na natawa siya at na-approve sa kanya ang mga pahayag ng kanyang mister tungkol sa aktres.
00:43Nanawagan din si Guevara sa publiko na huwag siyang idamay at ang kanyang mga anak sa kontrobersya
00:49dahil sila ay private citizens at walang kinalaman sa mga pahayag ng congressman.
00:54Kinundin na rin ng Commission on Human Rights ang mga anilay bastos na pahayag ni Congressman Suntai.
01:01Wala raw dapat lugar ang mga ganoong pahayag sa mga institusyon kung saan dapat manaig ang tiwala ng publiko,
01:09professionalism at accountability.
01:12Nanawagan din ang CHR sa Kongreso na pagtibayin ang kanilang code of conduct
01:17at yaking patuloy ang paggamit ng pamantayan at pananalitang may gender sensitivity sa kanilang proceedings.
01:25Nag-sorry si Congressman Suntai at iginiit na taken out of context ang kanyang mga pahayag sa ating panayam sa
01:32kanya nitong miyerkoles.
01:33Sinusubukan pa siyang kunan ng pahayag tungkol sa ethics complaint na isinampalaban sa kanya ng ilang women's rights advocates.
01:41Iniutos na rin ng Kamara ang formal na ethics investigation kaugnay nito kasunod ng privileged speech
01:48ni House Women and Gender Equality Chair Ann Matibag na kumukondina sa naging pahayag ni Suntai.
Comments

Recommended