Skip to playerSkip to main content
Ginhawa ang hatid sa mga pasahero ng bagong bukas na Kamuning footbridge na konektado pa sa bagong ayos na busway station.
Bago 'yan inspeksyunin ay inakyat muna ng pangulo ang papalitan nitong 'Mount Kamuning' overpass.
Nakatutok si Ivan Mayrina.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ginhawa ang atid sa mga pasahero ng bagong bukas na Kamuning Footbridge,
00:04na konektado pa sa bagong ayos na busway station.
00:08Bago yan, inspeksyonin ay inakyat muna ng Pangulo ang papalitan nitong Mount Kamuning Overpass.
00:14Nakatutok si Ivan, Mayrina.
00:212018 pa'y tinayo at naging tampulan ng reklamo at biro ang binansagang Mount Kamuning,
00:26na naging taonan pa ang April Fool's tradisyon na mga totoong mountaineer
00:30dahil sa tayag nitong nakangangatog ng tuhod.
00:33Pero hindi na yan magiging meme ngayong taon.
00:36Wala na yung Mount Kamuning.
00:40Tatanggalin na namin yung Mount Kamuning.
00:43Pero bago yan, inakyat muna ni Pangulong Bombong Marcos ang Footbridge.
00:50Mula sa tuktok nito, sinilip ng Pangulong Kapalit.
00:55Pagkatapos ay buwaba at nilakad ang bagong Kamuning Footbridge na binuksan kagabi,
01:00halos siyem na buwan mula nang iutos ang pagtatayo ng pamalit sa Mount Kamuning.
01:05I'm happy to see that this is the sort of thing that ito naman ay kaya naman palang gawin.
01:11Hindi naman ganun kahirap.
01:13At basta tisindido tayo na ayusin natin ang commuter experience.
01:19Kung iyahambing sa tinatawag nating Mount Kamuning,
01:22hindi hamak na mas mababa itong footbridge na bago.
01:26Ganito lamang siya kataas.
01:28Yan lamang ang kailangang akyatin ng mga tatawid.
01:31Kung talaga namang hindi kayang umakyat,
01:34meron ding elevator.
01:36At para naman sa mga PWD,
01:38meron ding wheelchair lift.
01:42Malaking tulong ito para sa mga tulad ni Maureen Mata,
01:45isang person with disability at isa ring commuter.
01:48Kung mga walang kapansanan nga nahihirapan sa dating footbridge,
01:51paano pa kaya ang mga PWD tulad niya?
01:54Maganda naman po yung naging movement
01:56to ensure na mas maging accessible, safe and inclusive
02:02and syempre makatao po yung ating footbridge and the busway.
02:06Kasi comparing with the old bridge, no?
02:08Mula sa footbridge, may access ka sa GMA Kamuning MRT Station
02:12at sa bagong Kamuning Station ng EDSA Busway.
02:1687 milyon pesos ang ginasos para sa busway station na ito
02:20at sa bagong footbridge.
02:21Sulit, ayon sa administrasyon, lalo sa datos ng DOTR,
02:26nasa humingit kumulang 750,000 ang gumagamit ng MRT at EDSA Busway kada araw.
02:31May hit 66 milyon naman para sa buong 2025.
02:34Mas marami ng 3 milyon
02:35kumpara sa mga commuter na gumamit nito noong 2024.
02:39Kasama to dun sa EDSA Rehab na rin natin,
02:42na pati yung mga commuter experience,
02:46yung pagpapalawak ng mga busway,
02:49pagpapalawak ng mga pedestrian lanes,
02:52taga kang kasama na.
02:53Ang mas maaliwalas na disenyo ng bagong busway station kumpara sa dati,
02:58ang gagawin din sa ibang busway station sa EDSA.
03:01Bago matapos ang taon,
03:02matatapos na rin ang pagpapaganda sa mga busway station sa bagong barrio Caloocan,
03:07Balintawak, Quezon City, at Guadalupe, sa Makati.
03:31Para sa GMA Integrated News,
03:34Ivan Merina Nakatutok, 24 Horas.
03:39Bago matatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended