Skip to playerSkip to main content
Sinampahan na ng ethics complaint sa Kamara si Cong. Bong Suntay.


Kaugnay ‘yan sa uri ng pananalitang ginamit niya nang banggitin si Anne Curtis na ayon sa mga nagreklamo ay nakakabastos ng mga kababaihan.


Hinihingan ng GMA Integrated News ng reaksyon si Suntay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinampahanan ang ethics complaint sa Kamara si Congressman Bong Suntay.
00:05Kung na yan, sa uri ng pananalitang ginamit niya,
00:09nagbanggitin si Ann Curtis na ayon sa mga nagreklamo ay
00:14nakakabastos ng mga kababaihan.
00:17Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:22Ann Curtis, ang ganda-ganda pala niya.
00:26You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga.
00:29At na-imagine ko na lang kung anong pwedeng mangyari.
00:33Nag-sorry na si Quezon City Representative Bong Suntay
00:36sa kontrobersyal niyang pahayag na kinundina ng mga kongresista
00:40dahil nagpapakita raw na mababang pagtingin sa mga kababaihan.
00:45Pero hindi ito sapat para sa mga women's rights advocate.
00:49Eh mukha naman hindi siya sinsero eh.
00:51Kasi hindi niya ibinawi yung sinasabi niya na
00:56na ano daw, dapat na itreat ni Ms. Curtis na compliment yung kanyang sinabi.
01:04Wala siyang binawi sa sinabi niya.
01:05So pagpapakita lang ito ng kanyang attitude,
01:08yung pagtingin niya talaga sa kababaihan.
01:10Kanina naghahain sila ng reklamo laban kay Suntay
01:13sa House Committee on Ethics
01:15para sa paglabag-umano sa Magna Carta for Women,
01:18Safe Spaces Act at Code of Conduct
01:21para sa mga nasa gobyerno.
01:23Kasama nila si Gabriela Partilist Representative Sara Elago.
01:28Dahil mababatas ka, dapat mas mabigat
01:30ang kaparusahan na dapat igawad ng kongreso sa kanya.
01:35Pwede siyang suspendihin ng ilang linggo.
01:41Pwede rin na magmulta siya.
01:45Pwede siyang mag-community service.
01:47Kahapon sa isang privilege speech,
01:49binatikos ni House Committee on Women and Gender Equality Chair
01:53Anne Matibag ang pahayag ni Suntay.
01:56Ito ba ang uri ng diskurso
01:59na nais nating marinig sa loob ng kongreso?
02:01Ito ang tungkol sa kultura ng respeto
02:06na nais nating itaguyod sa ating lipunan.
02:10At kung nais nating baguhin ang kulturang ito,
02:14dapat magsimula ang halimbawa sa loob mismo ng kongreso.
02:19Isinusulong din ni Matibag na may isama
02:22sa priority bills ng LEDAC
02:24o Legislative Executive Development Advisory Council
02:28ang amendment sa Safe Spaces Act.
02:30Hayaan po nating maging malinaw.
02:33Ang babae ay hindi biro,
02:35hindi rin siya pantasya
02:36at ang dignidad ng kababaihan
02:39ay hindi kailanman dapat maging katatawanan
02:41sa loob ng kongreso.
02:44Ang talumpati ay nirefer ng plenario
02:46sa House Committee on Ethics.
02:48Hinihinga namin ang reaksyon si Suntay.
02:51Para sa GMA Integrated News,
02:53Tina Panganiban Perez,
02:55Nakatutok, 24 oras.
03:00Don't concern us on Sunday.
03:02.
03:02.
Comments

Recommended