Skip to playerSkip to main content
Inireklamo ni Vice President Sara Duterte ng perjury si Ramil Madriaga, ang nagpakilalang dati niyang security aide na inutusan umanong maghatid ng pera sa ilang indibidwal.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inreklamo ni Vice President Sara Duterte ng perjury si Ramil Madriaga,
00:05ang nagpakilalang dati niyang security aide na inutusan umanong maghatid ng pera sa ilang indibidwar.
00:11Sa Taguig Prosecutor's Office, inihain ng BISE ang reklamo laban kay Madriaga.
00:16Sabi ng BISE sa isang pahayag, kailangang panagutin si Madriaga saan niya yung mga kasinungalingan nito.
00:22Sa hiwalay na pahayag, nilinaw ng BISE na kailanman ay hindi naging aide, kaibigan, empleyado o miyembro ng kanyang staff
00:30si Madriaga.
00:31Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Salvador Paulo Panelo,
00:35may mga sertifikasyon sila na nagsasabing walang ramil Madriaga na nagtrabaho o naging konektado sa naturang mga opisina.
00:44May aferavit din ang mga dating security officer ni Duterte na nagsabing hindi nila kilala si Madriaga
00:50at hindi naging bahagi ng kanilang security group.
00:53Tugo naman ang abogado ni Madriaga, wala siya lang sinasabi na nasa payroll si Madriaga ng anumang government agency.
01:02Wala kaming concern niya sa mga sertifikasyon na yan.
01:05Hindi naman tayo nagkiklaim na talagang government employee na nasa plantilla si Mr. Madriaga.
01:10Sinasabi niya moron ng intelligence work, reporting directly to the former president and to BP Sara.
01:18Sumulat naman ang abogado ni Madriaga kay NBI Director Melvin Matibag
01:23para kumpirmahi ng ulat na may kapwa-inmate umano na nagbanta kay Madriaga sa Metro Manila District Jail Annex 2.
01:31Nakakulong na ng ilang taon sa BJMP sa bikutan si Madriaga sa kasong kidnapping.
Comments

Recommended