00:00Sabi ng Department of Energy, posibleng pumalo sa 10 piso kada litro ang dagdag presyo sa produktong petrolyo kapag tumaas
00:06ng 20 US Dollars ang kada barilis ng krudo sa world market dahil sa crisis sa Middle East.
00:12Kung mangyari yan, hihilingin daw ng DOE sa mga oil company na utay-utayin ang taas presyo.
00:18Balita ng atin ni Joseph Moro.
00:23Ang big-time oil price hike hindi pa epekto ng gulo sa Middle East pero posibleng raw itong maramdaman sa
00:29mga susunod na linggo.
00:31Sa pagtayaan ang direktor ng Department of Energy, Oil Industry Management Bureau, kapag umabot sa 20 US Dollars kada baril
00:38ang taas presyo sa world market,
00:40magkakaroon pa tayo ng probably 7 to 10 peso per liter na magiging increase.
00:47Kung sakali, hihilingin daw ng DOE sa mga oil company na utay-utayin ang anumang taas presyo.
00:53Instead of one time, baka pag-usapan yung over a series of adjustments weekly or a number of days.
01:05At nagawa na hoon natin ito recently dun sa nangyaring Israel-Iran missile conflict.
01:14Sa ngayon, nasa 76-78 US Dollars ang kada baril ng Dubai Crude.
01:19Kapag lumampas ito sa 80 US Dollars, ayon kay Pangulong Bongbong Marcos,
01:24hihiling siya sa Kongreso ng Kapangyarihan para bawasan ang excise tax sa buwis sa pag-import sa mga petroleum products.
01:31It is not going to be a permanent measure.
01:33It will be something that we will dispose of as soon as the crisis is over.
01:38Supportado naman ito ni House Speaker Faustino Dino nagsabing makikipag-ugnayan sa Senado
01:43para pag-aralan nito at kung kailangan ay amyendahan ng batas.
01:48Handa rin daw makipag-usap ang Senado.
01:50Kung masama namin kung paano, siyempre ako, on a personal opinion, basta't makakatulong at makakaangat sa problema natin sa magiging
02:03maaaring problema natin ito sa nangyayari sa Middle East, siyempre payag ako.
02:09Sa gitna ng banta ng oil price hike, humihingi ang mga jeepney at bus ng dalawang pisong nagdagpasahe.
02:15May hiritin ang mga provincial bus at mga transport network vehicle service o TNVS.
02:20Pati ang P2P buses na humihingi ng hanggang 40% fare increase dahil sampung taon na umunang di nagtataas pasahe.
02:27Kahit piso. At alam ko na iintindihan ito ng ating mga kababayan dahil pangsampung beses na pong nagtaas ng mga
02:34produktong petrolyo.
02:36Ito ay pansamantala lamang naman.
02:39Submitted for resolution na ang mga healing sa LTFRB at maaaring madesisyonan ngayong Marso.
02:44Ayon sa LTFRB, kapag lumala pa ang tensyon sa gitna ng silangan, ay mapipilitan silang itaas ang pamasahe sa halos
02:52lahat ng pampublikong transportasyon.
02:55Pero papahupain umunumuna ng LTFRB ang tensyon sa Middle East kung sakali.
02:59We have definitely considered the granting of provisional increases.
03:04The ability of the passengers to pay is another factor altogether.
03:08Ang DOE humingi na raw sa oil companies ang contingency plan kung saan bibili ng langis sa labas sa Middle
03:14East.
03:14We are assuring na hindi po pupunta kayo sa gasolinahan at walang gasolina doon.
03:20Bukod sa presyo at supply ng krudo, may agam-agam din kung maapektuhan ang presyo ng kuryente.
03:26May mga power plant pa rin kasi ang Pilipinas na pinatatakbo ng krudo.
03:30Pero sabi ng DOE minimal o kakaunti lamang yan kaya hindi rin masyadong makaka-apekto sa power supply.
03:36Technically, we are not dependent on oil for electricity. Only 3% of oil is used for electricity.
03:46Although there will be indirect impact kasi the shipping cost of importing other fuels like coal for example might be
03:56affected pero wala pa naman kaming napapansin dyan.
03:59Sa gitna nito ay pinag-utos ni Pangulong Marcos sa mga ahensya ng gobyerno na magpatupad ng mga paraan ng
04:05pagtitipid.
04:06Hinimok din niya ang publiko na gawin din ito.
04:08We encourage the use of public transport, private vehicles, punuin naman ninyo yung sasakyan ninyo, huwag yung isang tao lang
04:15ang kumagamit.
04:17All of these things can come together.
04:20Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:29We'll see you next time.
Comments