00:00Egan, sumuko sa mga otoridad ang isa sa tatlong naghatid sa umunay hazing victim na si Kenneth Alcedo sa ospital
00:07sa General Trias Cavite.
00:09Para sa mga detalye, may unang balita live si Jomer Apresto.
00:15Jomer!
00:20Egan, good morning. Sumuko na pero pinalaya rin ang mga otoridad ang driver ng kotse na naghatid sa isang ospital
00:26dito sa General Trias Cavite
00:28sa isang estudyante na biktima umano ng fraternity hazing.
00:31Ayon sa pulisya, wala raw testigo at kulang pa ang mga ebidensya na hawak nila.
00:39Pasado alas dos ng madaling araw kanina, pinalaya ng pulisya ang 23 anyos na si Alias John.
00:46Siya ang sinasabing driver ng kotse na naghatid sa ospital sa 19 anyos na si Kenneth Alcedo,
00:51ang freshman maritime student sa PNTC College sa Dasmariñas Cavite na biktima umano ng fraternity hazing.
00:59Ayon sa pulisya, pasado alas 8 kagabi nang sumuko sa mga otoridad,
01:02ang 4th year maritime student kung saan di nag-aaral ang biktima.
01:06Mula sa San Pablo City sa Laguna, bumiyahe raw siya papunta ng Dasmariñas at iniharap sa alkalda ng General Trias.
01:13Sa isang Facebook post mula sa official social media account ni General Trias Mayor John John Ferrer,
01:18inamin daw mismo ni Alias John na isa siya sa mga nanakit sa biktima.
01:22Siya rin daw ang voluntaryong naghatid kay Kenneth sa ospital.
01:26Ayon sa pulisya, noong una, decidido raw si Alias John na maglabas ng extrajudicial confession
01:31para i-detalye ang lahat ng kanyang nalalaman sa nangyari kay Kenneth.
01:35Pero nagbago raw ang isip ni Alias John nang dumating ang kanyang mga abogado.
01:40Base po sa pag-uusap nila, umatras po itong sumukong suspect po natin.
01:45So that means kung hindi po siya magbibigay ng extrajudicial confession,
01:49hindi po natin pwedeng gamitin po ang kahit anong statement po niya nagagaw na execute laban sa kanya po.
01:57Hindi po natin pwede siyang isa-i-inquest.
02:00Hindi rin daw sapat sa ngayon ang mga ebidensyang hawak ng pulisya,
02:03kaya hindi pa nila masasampahan ng reklamo si Alias John.
02:07That doesn't mean na nag-stop na po yung investigation natin.
02:11Mga ngalap pa rin po tayo ng ebidensya. Meron po tayong mga magiging witness.
02:17Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng pamilya ni Kenneth kaugnay nito.
02:21Sabi naman ang pulisya, may ideya na sila sa pagkakakilanlan ng dalawa pang lalaki
02:26na kasamang naghatid kay Kenneth sa ospital.
02:29Napagalaman din nila na school-based ang nasabing fraternity.
02:32Ibig sabihin po nun ay lahat po ng mga nag-participate po dito at sumailalim sa initiation rights
02:36ay purely taga doon po sa eskwelahan po na yun.
02:40Hindi po pwedeng mag-appear or mag-join yung iba pong mga hindi po taga doon sa eskwelahan na yun.
02:47Sa statement ng PNTC Colleges, sinabi nitong nakikipagtulungan na sila sa investigasyon ng PNP.
02:52Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung gaano karami ang nagsagawa ng umanoy hazing
02:56at kung gaano karaming recruit ang sumailalim sa initiation rights kasama ng biktima.
03:01Matatandaan na una nang sinabi ng pamilya ni Kenneth na nagpaalam lang ang biktima
03:05na mag-a-outing linggo ng madaling araw.
03:07Pero hindi na siya nakauwi.
03:14Igaan sabi ng pulisya, patuloy ang kanilang investigasyon
03:17para matukoy ang lahat ng miyembro ng fraternity na nagsagawa ng initiation rights.
03:22Gayun din ang pangangalap ng mga ebidensya para masampahanan ng reklamo
03:26ang mga tao na nasa likod ng pagkamatay ni Kenneth.
03:29At yan ang latest mula dito sa General Tries Cavite.
03:31Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
03:35Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:40para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments