Skip to playerSkip to main content
Update tayo sa pagsuko ng driver na naghatid sa ospital sa estudyanteng namatay umano sa hazing. May live report si Jhomer Apresto. 


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update po tayo sa pagsuko ng driver na naghatid sa ospital sa istudyanteng na matay-umano sa hazing.
00:07May live report si Jomer Apresto. Jomer?
00:13Sandra, hawak na ng General Tria sa Component City Police Station ang driver na sinasabing naghatid sa ospital
00:19sa biktimang si Kenneth Alcedo na sinasabing biktima ng fraternity hazing.
00:24Sabi sa atin ni Cavite Police Provincial Director, Police Colonel Ariel Red,
00:28sumuko sa kanila ang sospek na si Alias Jan, residente ng Dasmariñas.
00:32Hindi pa namin siya nakakausap sa ngayon pero sabi ng jepe ng Gentry Police na si Police Lieutenant Colonel Bismarck
00:37Mendoza,
00:38hinihintay pa rin nila ang abogado ng sospek para makapagbigay na siya ng detalye sa mga polis.
00:42Sa inisyal na impormasyon, isang 4th year college student ang driver na ka-schoolmate mismo ng biktima.
00:48Pasado alas 8 round ng gabi kanina nang sinundo nila ang sospek sa San Pablo, Laguna.
00:53Ang lokal na pamahalan umano ang nakipag-ugnayan sa kampo ng driver para mapasuko siya.
00:57Bago ang pagsuko ng driver, unang natagpuan ang kotseng ipinanghatid sa biktima
01:00na inabandon na sa isang lugar na di kalayuan mula sa ospital.
01:04Sa loob nito, nakuha ang school ID at mga fraternity uniform na ayaw pang tukuyin sa ngayon ng PNP
01:09pero napagalaman ng polisya na school-based itong fraternity na papasukan sana ng biktima.
01:14Pero sabi ng PNP, una nang itinanggi ng paaralan na mayroon silang fraternity sa loob ng paaralan.
01:20Sandra, sa ngayon ay sinusubukan pa natin makausap ang driver
01:23para mabigyang linaw kung ano ang totoong nangyari sa biktima.
01:26Una namang sinabi ng polisya na mayroon na silang ideya kung sino ang dalawa pang kasama ng driver
01:31na naghatid sa ospital sa biktima.
01:33Balik sa iyo, Sandra.
01:35Maraming salamat sa iyo, Jomer Apresto.
Comments

Recommended