00:00Bilang Chairman sa ASEAN ay pinulong ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga leader ng Vietnam at Cambodia sa pag-asang
00:08maplan siya ang gusot na dulot ng tensyon sa kanilang mga border.
00:13Isa lang yan sa mga pulong sa sideline ng ASEAN Summit bago ang formal nitong pagbubukas sa Cebu.
00:19At live mula roon, nakatutok si Ivan Ayrin.
00:23Ivan!
00:27Vicky, ang koordinasyon at pagkakaisa sa pagharap sa epekto ng gera sa Middle East, ang isa sa pangunahing paksa ng
00:35ASEAN Summit ngayong taon na pinungunahan ng Pilipinas dito sa Cebu.
00:43Nasa Cebu na ang lahat ng mga leader at kinitawa ng mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations
00:49o ASEAN.
00:50Bago ang mga pagpupulong ng lahat, ay may sideline meetings na.
00:54Bilang ASEAN chair, ay nagpatawag ng trilateral meeting si Pangulong Bongbong Marcos ngayong gabi sa pagitan ng Pilipinas, Cambodia at
01:00Thailand.
01:01Mula na ito na karang taon, ay nagkakaroon ng bakbakan sa pagitan ng Thailand at Cambodia dahil sa away sa
01:07teritoryo.
01:08Daan-daan na ang namatay at daang libon tao na ang nagsilikas dahil sa sigalot na ito na layong mapahupa
01:14sa pagpupulong na ito.
01:16Bago niya rin, nakapagpulong din si Pangulong Bongbong Marcos kay Vietnamese Prime Minister Leming Hong.
01:21Nagkasundo silang magtatag ng pangmatagalang rice trade mechanism na titiyak sa supply ng pagkain ng Pilipinas at Vietnam.
01:28Napag-usapan din ang kooperasyon sa pagsawata sa transnational crime, kabila mga scam hub at human trafficking, at ang pagtutulungan
01:36para isulungang turismo.
01:38Naganap din ngayong hapon ang pulong ng BIM-Eaga o ang Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, Philippines, East ASEAN Growth Area,
01:45isang matatawag na sub-region sa ASEAN na layong paunlarin ng ilang remote area ng mga nasabing bansa sa larangan
01:51ng agrikultura, turismo at edukasyon.
01:53Today's discussions highlight key milestone programs and projects that are already making a big difference in our communities,
02:03creating livelihoods, strengthening connectivity, and expanding opportunities, especially in the sub-region's growth areas.
02:12Bukas naman ay kabilang sa pag-uusapan nila sa summit dito ang energy security, food security, at kaligtasan ng mga
02:18mamamayan ng Southeast Asia.
02:20Partikular na pagtutunan ng atensyon ang tugon ng ASEAN countries sa epekto ng tensyon sa Middle East.
02:26Nauna rito, naglabas ang pahayagang ASEAN bilang isang regional block para sa agarang pagtigil ng karahasan sa Middle East.
02:33We urge all parties in the Middle East to continue negotiations that will lead to the permanent end of the
02:39conflict,
02:39affecting the lives of millions of people across ASEAN.
02:43Bagamat oil producing ang Indonesia, Brunei, Thailand at Malaysia, 66% pa rin ang inaangkat na crude oil ng ASEAN
02:50member states ang mula sa Middle East.
02:52Dahil sa pagmahal ng petrolyo, apektado rin ang supply at presyo ng pagkain at iba pang raw materials
02:58na kailangan ng mga negosyo para sa iba pang bilihin, naahanapan ang solusyon sa mga pagpupulong.
03:04What began as a distant crisis is now affecting energy prices, supply chains, and economic conditions across ASEAN.
03:13These are not isolated effects. These are a reminder that our economies and our vulnerabilities are closely linked.
03:25Vicky, hanggang sa mga oras sa ito ay nagaganap pa rin yung trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, ng Kambodya
03:33at ng Thailand.
03:34Mahalaga ang magiging kalalabasan ng pulong na yan, Vicky, dahil isinusulunga ng ASEAN ang pagkakaisa at ang ASEAN centrality.
03:42At kailangan maayos itong mga ganitong sigalot sa pagitan ng mga ASEAN member states.
03:49Alas 7 ngayong gabi, inaasahan maglalabas ng statement ang Pangulo at ngayon din ang leader ng Kambodya at Thailand,
03:57kaugnay, nang kalalabasan ng trilateral meeting na yan.
03:59Samantala, ngayong gabi rin ay may dinner na i-host ang first couple para sa mga bisita mula sa mga
04:07ASEAN member states.
04:08Vicky.
04:09Maraming salamat sa iyo, Ivan Mayrina.
04:13Maraming salamat sa iyo, Ivan Mayrina.
Comments