Skip to playerSkip to main content
  • 11 hours ago
Pangangailangan ng mga Pilipino na stranded sa Dubai, tinututukan ng ating konsulado; Dubai International Airport, bukas na sa limitadong flights | ulat ni Steph Vicente - Radyo Pilipinas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga higpit na nakatutok ang Konsulado ng Pilipinas sa Dubai at Northern Emirates sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
00:08Kabilang na dyan ang mga na-stranded sa Dubai, particular na ang mga nangangailangan ng atensyong medikal.
00:15Si Steph Vicente ng Radyo Pilipinas sa Sentro ng Balita.
00:20Sa gitna ng sigalot sa Middle East, pinaigting pa ng pamahalaan ang monitoring sa sitwasyon ng mga Pilipino sa rehyon,
00:27alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
00:32Sa katunayan, normal pa rin ang operasyon ng ating konsulado sa Dubai at Northern Emirates
00:38sa kabila ng pagbagsak ng mga debris mula sa mga na-intercept na missile roon.
00:44Nag-anunsyo kami kahapon na normal operations kami at least itong linggo na ito.
00:50Titignan na lang po namin kung makararating ang ating mga may appointment na kliyente
00:54at doon na lang namin titignan kung baka mag-shifting din kami
00:57kasi syempre yung mga iba nating mga kasamahan ay gumagamit lang naman ng pampublikong transportasyon.
01:05Isa rin sa mga inaasikaso ng konsulada natin sa Dubai,
01:09ang mga na-stranded nating mga kababayan na pauwi na sana ng Pilipinas.
01:14Kabilang narito ang mga senior citizen na naubusan na ng kanilang pang-maintenance.
01:20At meron naman po yatang mga nasa airport, pinomonitor din po namin yun.
01:27Meron po mga senior citizen na sabi nila na ubusan na po sila ng kanilang mga maintenance.
01:32Nako, nako po.
01:34Opo, kinuha po namin yung kanilang mga reseta at marami naman po mga Filipino healthcare professionals ito,
01:41mga doktor po.
01:42Tignan po namin kung paano namin sila matulungan.
01:44Sa ngayon, isang Pinoy na ang napaulat na nasaktan sa Dubai sa Sigalot sa Middle East.
01:50Pero paglilinaw ni Enciso, wala pa silang natatanggap na ulat na may nasawi sa Dubai at Northern Emirates.
01:58Payo ng ating konsulado sa mga Pilipino sa Middle East at kanilang mga kaanak dito sa Pilipinas
02:04sa mga official social media page ng ating pamahalaan lamang kumuha ng update at impormasyon.
02:11Samantala, bukas na ang Dubai Airport matapos ang kanselasyon ng mga biyahe sa gitna ng nangyayaring gulo sa gitnang silangan.
02:20Gayunman, limitadong flights lamang ang papayagan muna rito.
02:25Para sa Integrated State Media, Steph Vicente ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments

Recommended