00:00May paglilinaw ang China sa nakitang floating platform sa Scarborough Shore
00:05pero ang Pilipinas, nanindigang dapat na itong tanggalin.
00:08Yan ang ulit ni Patrick Desus.
00:15Kinalampag ng ilang grupo ang harapan ng tanggapan ng Chinese Embassy sa Makati City
00:20ngayong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.
00:23Mariin nilang tinututulan ang floating platform na nakita sa Scarborough Shore o Bajo de Masinlok.
00:30Panawagan ng grupo, huwag sanang maulit ang nangyari sa Mischief o Panganiban Reef
00:35na isa ng base militar ngayon ng China sa West Philippine Sea.
00:40Ito po ang henerasyon na hindi na magpapadala sa pag-uto-uto.
00:47Hindi na po kami utu-uto.
00:49Nakita na po yan ang mga nanay at tatay namin.
00:52Yung Fisherman Shelter na magiging kanlungan daw ng mga manging isda.
00:59Ngayon ang mga manging isda pagpumalaot, takot.
01:03Suportado naman nila ang ginagawang aksyon ng gobyerno laban sa floating platform
01:08at iba pang iligal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea.
01:13Ang China, tinawag na isang uri ng hype ang ginagawa ng Pilipinas
01:17patungkol sa pagsasapubliko sa floating platform.
01:21Ayon sa isang Chinese state-owned media outlet,
01:24isa lamang umano na pansamantalang research facility
01:27ang nakitang platform na inilagay ng South China Sea Institute of Oceanology
01:32sa ilalim ng Chinese Academy of Sciences.
01:36Welta naman ni Philippine Coast Guard, spokesperson for the West Philippine Sea,
01:40Dear Admiral Jay Tariela,
01:42Nagiging banta ang transparency sa isang panig na mayroong tinatago.
01:47Dagdag ni Tariela, may record na ang China sa pagkukunwaring normal na aktibidad lamang
01:53gaya ng ginawa nila sa Mischief Reap mula ng okubahin noong 1995.
01:59Payo ng opisyal kung gusto pa ng China na paniwalaan ang kanilang mga sinasabi,
02:04Tanggalin ang platform at mga inilagay na boyah at communication tower sa Bajo de Masinlok
02:10at respetuhin ang 2016 Arbitral Award pabor sa Pilipinas.
02:15Patrick De Sous, para sa Bayan!
Comments