00:00Humigit kumulang 20,000 classroom ang target na maipatayo ng DepEd bilang bahagi ng prioridad nito,
00:06sa ilalim ng mahigit 1 trillion pisong budget ng kagawaran ngayong taon.
00:11Yan ang ulat ni Christine Sabaway ng PTV Cordillera.
00:17Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan,
00:20nabigyan ang Department of Education ng malaking pondo na aabot sa mahigit 1 trillion para sa kasalukuyang taon.
00:26Sa naturang budget ng ahensya, pangunahing prioridad ang basic education facilities,
00:32gaya ng pagtatag ng humigit kumulang 20,000 classrooms at para sa pagsasayos ng mahigit 1,000 heritage classroom buildings.
00:41For the very first time, DepEd has been granted a historic allocation of 1.015 trillion.
00:48Yun sa 84.7 billion, 65 billion would be allotted for new classroom buildings.
00:53Ayon pa sa ahensya, sa kauna-unahang pagkakataon,
00:57hindi na lamang DPWH ang magkakaroon ng supervisyon sa konstruksyon ng mga classroom,
01:02kundi pwede nang magtulungan ang ahensya, LGU at civil service organizations para makapagtatag ng dekalidad na paaralan.
01:10Sa Baguio City, aabot sa 15 ang naipropos na paaralang ipapatayo at mga kinakailangang maisaayos na classroom.
01:18Ito ang isang tututukan ng LGU ngayong taon.
01:21Dito sa ating siyudad ng Baguio, known as Center of Education,
01:25ay mayroon pa rin pong mga schools na talagang kailangan natin i-renovate ang mga classrooms.
01:31Naniniwala ang LGU na magkakaroon ng malaking pagbabago ang edukasyon at learning abilities ng mga bata
01:37kung magkakaroon sila ng dekalidad na paaralan.
01:40Unang-una, sabi nga nila, dapat mayroon tayong encouraging learning environment.
01:45Kung papasok po ang ating mga estudyante at unsafe sila, unsound, uncomfortable,
01:49it will really impact ang kalidad ng edukasyon at yung concentration or focus nila para mag-aral.
Comments