Skip to playerSkip to main content
Ipinatawag ng Justice Department ang mag-asawang Manny at Cynthia Villar pati ang mga anak nilang senador, kaugnay ng reklamo ng SEC dahil sa umano’y market manipulation at iba pang alegasyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinatawag ng Justice Department ang mag-asawang Manny at Cynthia Villar,
00:04pati ang mga anak nilang Senador, kaugnay ng reklamo ng SEC
00:08dahil sa umunoy market manipulation at iba pang aligasyon.
00:13Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:18Ipinisabpida ng Department of Justice si dating House Speaker at dating Senate President Manuel Villar
00:24at mga miembro ng kanyang pamilya.
00:26Para ito sa gagawing preliminary investigation sa criminal complaint na isinampa ng Securities and Exchange Commission o SEC
00:34laban sa kumpanya nilang Villar Land Holdings Corporation
00:38na market manipulation, insider trading at umunoy misleading disclosure na naging dahilan para maligaw ang mga investor.
00:48Tinungkoy ng SEC ang pagsasapubliko umuno ng financial statement ng Villar Land bago matapos ang external audit ito.
00:56Doon sinabing lumundag sa 1.33 trillion pesos ang total assets ng kumpanya noong 2024
01:03mula sa 1.46 billion pesos sa naon ng taon
01:08dahil anila sa revaluation ng real estate holdings.
01:12Pero kalaunan sa audited financial statements,
01:15lumabas umano na lubhang mas mababa ito at nasa 35.7 billion pesos lamang ang total assets.
01:23Sabi ng SEC, paglabag ito sa Securities Regulation Code.
01:27Bukod sa dating House Speaker, pinasabpina rin ang kanyang mga anak na sinasenador Camille at Mark Villar,
01:33asawang dating senador Cynthia Villar at ilang pang opisyal ng Villar Land.
01:38Inereklamo din ng SEC ang related entities na Infra Holdings Corp at MGS Construction at ilang officer nito.
01:46Sabi ng DOJ, lahat daw ng respondent ay mabibigyan ng oportunidad na depensahan ang kanilang sarili.
01:53Sabi pa ng DOJ, wala silang pinapaboran o tinatarget na individual.
01:58Ang duty anila ng DOJ ay maging patas sa paghahanap ng katarungan.
02:03Sa isang statement, sinabi ng Villar Land na welcome ang anila'y pagbibigay sa kanila
02:08ng pagkakataon na maipaliwanag ang kanilang panig at sagutin ang mga aligasyon sa tamang forum.
02:15Handa raw silang makipagtulungan sa mga otoridad at kampante silang
02:19mapapatunayan sa harap ng patas na panel na wala silang paglabag sa batas.
02:24Nauna ng sinabi ni dating senador Manny Villar na hindi siya kailanman pumasok sa mga iligal na gawain
02:29para manloko ng mga customer at investor o para makinabang ang kanyang sarili o mga kumpanyang kanyang pag-aari.
02:37Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended