Skip to playerSkip to main content
Ingat sa mga mapanlinlang na online lending applications, ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center.


Mula lang nitong Enero, nakatanggap na sila ng halos 600 reklamo ng umano’y pangha-harass mula sa online pautang.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ingat sa mga mapanlinlang na online lending applications
00:05ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
00:09Mula lang nitong Enero, nakatanggap na sila ng halos 600 o 600 reklamo na
00:16ng umanoy panghaharas mula sa online pautang.
00:20Nakatutok si Oscar Oida.
00:25Magpapasko raw noon kung kailan napakaraming gastusin
00:29na timingan pang nagkasakit ang bunsong anak ni Mara.
00:33Di niya tunay na pangalan. Napakapit tuloy siya sa online lending.
00:38Wala siya masyado kasing requirements kaya parang na inganyo ako na mag-apply.
00:44Tapos sabi naman nila hindi ka mahaharasin, ganun.
00:47Pero ang pangako, mabilis na napako.
00:51Sa 2,200 pesos na inutang ni Mara, nasa 1,400 pesos lang ang kanyang natanggap.
00:59Dahil umano sa iba't ibang fees.
01:0145 days din ang palugit para magbayad.
01:04Pero isang linggo pa lang mula ng umutang.
01:08Hinaharas na umano siya.
01:09Pinopost sila ako sa mga kamag-anak ko, scammer, ganun.
01:13Tapos kung kani-kanino sila nagpo-post.
01:15Basta sa mga friend ko.
01:16Yung mga contact ko, yun, tinawagan nila.
01:19Tapos nagt-text sila na about sa akin na sila daw pong magbabayad
01:24pag hindi daw po akong nagbayad.
01:26Matinding trauma daw ang inabot ni Mara.
01:29Hanggang sa hindi na raw siya makalabas ng bahay.
01:32Opo sir, nag-iiyak ako sa bahay.
01:34Ganun. Tapos sinistras ako pati yung asawa ko.
01:37Hindi na ako makapagtrabaho.
01:38Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC,
01:44Isa lang si Mara sa maraming Pilipinong nakaranas ng harassment
01:48mula sa inutangang online lending.
01:51Mula nga nitong Enero lang, umabot na daw sa 599 na reklamo
01:56ang nakarating sa CICC.
01:59Minsan nga hindi mo na pinupuntahan yung mga applications.
02:02Hindi mo balak mangutang magpa-pop up sa mga social media pages mo
02:06sa mga sponsored sites.
02:07Tapos pag-clinic mo na siya, nag-click ka ng amount,
02:10nangutang ka na pala.
02:11Hindi na sila nang ihingi ng mga credit card mo.
02:14Parang pag-clinic mo, it authorizes you to share your Facebook details,
02:18yung mga anong details na yan.
02:20So I have to talk to the platforms as well na yung parang auto-acceptance na yan
02:24dapat mawala.
02:25Nakikipag-ugnayan na ang CICC sa iba't ibang ahensya ng gobyerno
02:29tulad ng NBI at PNP para mapanagot ang mga nasa likod nito.
02:34Inilunsad din nila ang kampanyang Fast Cash mag-ingat sa scam
02:39para may masusumbungan ang biktima sa kanilang hotline 1326.
02:44Payo ng CICC.
02:46Pansinin ang mga red flag bago mangutang.
02:50Isa na ang mga ads na kapag-clinic dadalin sa kanilang website
02:54salit na gawin ang transaksyon sa kanilang app.
02:58When you encounter this online lending mga scams na ito,
03:02pinapadala kayo doon sa mga website.
03:04So those are the two differences eh.
03:06Parang kasi sa mga apps, vetted na rin ito ng mga app stores,
03:11ng mga platforms na yan.
03:12Magduda din daw kung pakiramdam mo, e para kang minamadali.
03:16Pag hindi mo clinic to or hindi mo inutang to ngayon,
03:20mawawala ito in 24 hours. May sense of urgency.
03:22Dagdag pa ng CICC, if it's too good to be true, it's not true.
03:29Batid daw ng CICC na marami sa mga online lending scams
03:33ay nakabasis sa ibang bansa.
03:36Pero may mga tao raw ito dito sa Pilipinas
03:38at yun kayang-kaya daw nilang mapanagot.
03:42Because you are part of a syndicated staffa yan.
03:46Non-vailable yan.
03:47So, just try us.
03:49Para sa GMA Inticated News, Oscar Oida, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended