00:00Sa unang pagkakataon, umabot ng Bashi Channel ang pagsasanay ng Estados Unidos, Japan at Pilipinas
00:07sa ilalim ng Multilateral Maritime Cooperative Activity, ang Sentro ng Balita mula kay Patrick DeJesus.
00:18Nagsagawa ng Air Patrol sa Bashi Channel bilang bahagi ng ikalabinlimang Multilateral Maritime Cooperative Activity
00:26sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines, U.S. Indo-Pacific Command at Japan Maritime Self-Defense Force.
00:34Tampok dito ang FA-50 jets ng Philippine Air Force, maging ang Cessna Caravan Aircraft, Super Tucano at Sokol Helicopter
00:43na kasamang lumipad ng P-8A Poseidon Aircraft ng Estados Unidos at P-3 Orion Patrol Aircraft ng Japan.
00:52Ito ang unang beses na nagkaroon ng aktividad ng MMCA sa Bashi Channel na isang strategic waterway
01:00sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas mula sa Mabulis Island sa Batanes.
01:05Isinagawa ang mga pagsasanay mula February 20 hanggang 26 kung saan naglayag naman sa West Philippine Sea
01:12ang BRP Antonio Luna ng Philippine Navy, BRP Gabrela Silang ng Philippine Coast Guard
01:19at ang Guided Missile Destroyer USS Dewey ng U.S. Navy.
01:28Kabilang sa aktividad ang cross-deck landing o ang paglapag ng AW-159 helicopter ng Philippine Navy sa USS Dewey.
01:42Ipinamalas din ang pag-asinta ng 30mm automated gun system at machine gun ng BRP Antonio Luna sa isang live
01:50fire exercise.
01:52Ito ang ikalawang MMCA ngayong taon na pinapalakas ang interoperability ng magkakatuwang na bansa at pagsusulong ng maritime security.
02:02Samantala, mismong si National Security Advisor Eduardo Año
02:07ang nagsabing hindi uri ng agresyon ang Transparency Initiative ng Pamahalaan sa West Philippine Sea.
02:15Moreover, transparency has helped refrain the WPS not as an isolated bilateral dispute
02:24but as a broader challenge to international norms and the rule-based order.
02:29Target din na maging institutionalize ang transparency sa WPS
02:34para hindi masayang ang mga pagsisikap sa nakalipas sa taon
02:38at may pagpatuloy sa mga susunod na administrasyon.
02:42Teritoryo at saka sovereign rights kasi natin ito, hindi natin ito pa pwedeng ipamigay.
02:48Ngayon pa na nakita natin ang buong suporta ng sambayan ng Pilipino.
02:53Sa kabila ng mga bangayan kamakailan, hindi rin magbabago ng pamamaraan ang Philippine Coast Guard
02:59sa pagsasapubliko ng iligal na aktividad ng China sa karagatan ng Pilipinas.
03:05Para sa akin, wala namang naging advice or directive for us to tone it down
03:12or to parang baguhin yung pananalita pagdating sa issue ng West Philippine Sea.
03:22One message with many voices. All of us have different roles to play.
03:27Patrick Dezus para sa Pabansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments