State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Bago ngayong gabi, sumabog ang Bulcang Canlaon sa Negros Island pasado alas 7 ngayong gabi.
00:06Kasunod ito, nagbabala ang FIVOC sa posibilidad ng ashfall sa ilang bahagi ng Negros Occidental.
00:12Mula sa La Carlota City, Negros Occidental, may live reports si Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
00:19Aileen.
00:21Atom muling nagkaroon ng moderately explosive eruption ng Mount Canlaon matapos ang ilang araw na pagiging kalmado nito.
00:33Napatakbo ang ilang bata sa barangay Mansalanao, lakasilya ng Negros Occidental.
00:37Kasunod na malakas sa pagsabog ng Mount Canlaon Pasado alas 7 ngayong gabi.
00:42Nakunan din sa CCTV ang pagputok ng vulkan sa bahagi ng Canlaon Road.
00:46Nagtagal ito ng halos dalawang minuto.
00:49Sa ilang larawan, makikita kung gaano kataas ang ibinugang usok,
00:53pati ang pagbaba ng Pyroclastic Density Currents sa paligid ng vulkan.
00:57Ayon sa PHEVOX, ang pagputok ay dahil sa pagbara ng daanan ng vulkanic gases.
01:02Hindi raw gaya ng pagputok noong Pebrero 19,
01:05may kasamang Pyroclastic Density Currents ang ibinugan ng vulkan ngayong gabi.
01:10Ang atong niya may record na silver dioxide emission sa ating nga vulkan.
01:15Iyon siya pwede nag-signify sa mag-plug,
01:18sa dinaagyan sa atong niya kagdagya sa ating nga vulkan.
01:22So there's too much pressure,
01:24dito sa ating nga vulkan ang muna siya nga nga naiara kita ng mga ekspunsyon.
01:28Babala ng PHIVOX, posibleng makaranas ng ashfall ang La Carlota City at La Cacilliana dahil sa direksyon ng hangin.
01:35Nagdudulot din ang pagkasunog ng ilang bahagi ng vulkan ang Pyroclastic Density Carrid.
01:45Atom 5 LGU na ang nagdeklara ng suspensyon ng face-to-face classes dahil sa pagputok ng vulkan.
01:51Kabilang na dito ang La Carlota City, Himamaylan City at mga bayan ng La Cacilliana, Binalbagan at Isabela.
01:57May naitalaring ashfall sa bahagi ng La Cacilliana at bayan ng Hinigaran.
02:02Balik sa iyo, Atom.
02:04Maraming salamat, Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
02:16Sa ikatlong araw ng confirmation of charges hearing sa International Criminal Court,
02:21hinimay ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang anilay kahinaan ng mga inilatag na ebidensya ng prosekusyon.
02:29Mula sa The Hague, Netherlands, may live report si Marie Zumali.
02:33Marie.
02:37Atom, natapos na nga ang ikatlong araw ng confirmation of charges hearing.
02:41At dito sa ikatlong sesyon, isa-isahin ko lamang ang mga naging highlights.
02:46Kabilang dito, ay ang paglatag ng depensa sa pamamagitan ni Defense Counsel,
02:53Attorney Nicholas Kaufman, sa mga kahinaan o weaknesses, di umano, ng mga argumento ng prosekusyon.
03:01At kabilang dito, number one, yung over-heavy reliance on participating witness.
03:06Number two, heavy attribution or hearsay attribution.
03:10Number three, some victims are unidentified, making it impossible for the defense to confirm.
03:16Number four, documentary records contradicted by a single prosecution witness.
03:21Number five, conflicting witness.
03:23Some contradicting one another, some even themselves.
03:28And number six, repeated absence of any evidence to link the hitman to our client.
03:33Meaning, si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
03:36At binanggit din Atom ng depensa na hindi dapat gamitin o dapat alisin yung isa sa mga videos na ipinalabas
03:50ng prosekusyon
03:50kung saan nanonood si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng CCTV at nakita niya yung pagpatay ng tatlong hitman sa mga
03:57tatlong victims.
03:59Hindi daw dapat ito gamitin as evidence because the prosecution has outed the one who operates the CCTV at sa
04:10pamagitan nito na-expose siya sa danger.
04:13At bago matapos yung sesyon o yung proceedings ngayong araw, ay humiling naman ang prosekusyon ng ilang minuto na,
04:22actually one minute lang pero medyo nag-extend siya more than a minute ng close session
04:27dahil actually hindi natin alam pero posible, ayon sa mga abogado ang ating nakausap,
04:34na posible ang dahilan nito ay pinuna ng prosekusyon yung ulit-ulit na pagbanggit
04:40ng depensa ng mga pangalan ng mga witnesses na hindi dapat mababanggit o nakaredact ito sa proceedings
04:48dahil nga sa nalalagay ang mga witnesses na ito sa piligro.
04:54Narito po ang kabuan ng aking ulat.
04:58Ang giniit ni Atty. Nicholas Kaufman na hindi sapat ang hawak na ebidensya ng prosekusyon
05:03para litisin ang dating Pangulo ng Crimes Against Humanity of Murder and Attempted Murder
05:08para sa mga pagpatay sa drug war nung mayor pa siya ng Davao City hanggang naging Pangulo ng Pilipinas.
05:15Mr. Rodrigo Duterte should not remain in detention for years to come
05:20simply because the prosecution cannot make out substantial grounds to believe
05:25that this individual committed the crimes with which he is charged.
05:30Unang pinuna ni Kaufman ang mga ipinresinta ng prosekusyon ng mga talumpati noon ni Duterte.
05:36Hindi raw na ipakita ng mga ito ang criminal intent
05:39at namimili lang daw ang prosekusyon ang isasama para bumagay sa kanilang naratibo.
05:44Kung dalawampung talumpati raw ang ipinakita ng prosekusyon,
05:48tatlumputlima naman ang nakita ng depensa na nagpapakita ng paghimok ni Duterte
05:52sa mga alagad ng batas na sumunod sa batas.
05:55Let's look at what the deputy prosecutor didn't state from the same speech.
05:59And the order is simply this.
06:02Go out. Arrest them if you can.
06:04But if there is no peaceful method of doing it and you are presented with violent resistance,
06:10thereby placing your jeopardy in your life,
06:12you shoot.
06:13Well, the son of the...
06:16Mr. Duterte's language, obviously, but nevertheless, an exhortation to lawful self-defense.
06:21Tungkol naman sa mapa na inilabas ng prosekusyon para ipakita ang malawakang patayan
06:26mula noong Davao Mayor hanggang sa maging Pangulo si Duterte,
06:30iginiit ni Kaufman na walang patunay na extrajudicial killings ang mga ito.
06:34Hindi rin daw na ipakita ng prosekusyon na iligal ang pagkakapatay sa ipinakita nilang datos ng PIDEA
06:40ng libo-libong napatay sa anti-drug operations.
06:43Hindi rin daw isinaman ng prosekusyon ang nasa parehong report
06:46na kumpara sa bilang ng mga naaresto, mas kakaunti ang mga namatay.
06:51Kinontra rin ni Kaufman ang iginigit ng prosekusyon
06:53na ang mga pagpatay at pinuntirya ang buong populasyon ng Pilipinas.
06:58The prosecution must prove that the attack was not directed against a limited group of randomly selected persons.
07:08Dagdag ni Kaufman hindi raw naiugnay ng prosekusyon ng mga sinabi ni Duterte
07:12tungkol sa paghabol sa mga kriminal at sa aktuan na pagpatay sa kanila.
07:16It is not enough simply to assert that Rodrigo Duterte said outrageous things
07:22and that deaths occurred, the prosecution has to show
07:27which one of Duterte's statements, orders or commands
07:32were given to a specific individual who then went out
07:37and pulled the trigger or communicated the command
07:41to someone else who also went out and pulled the trigger
07:45killing one of its 78 identified victims.
07:51That would have been the classical way to prove a causal link
07:56between stuff that came out of Rodrigo Duterte's mouth
08:01and the deaths pertinent to the case.
08:04Wala raw nakuha ang prosekusyon na witness
08:06na nagsasabing narinig nila mismo si Duterte
08:09na nagutos ng pagpatay
08:11kaugnay sa 78 biktima na tinukoy sa tatlong counts ng kaso.
08:15There is no smoking gun in this case.
08:19Not one witness relevant to any of the 49 incidents
08:24with which Mr. Rodrigo Duterte is charged
08:27will testify that he received a direct order
08:31from the former president to go out and kill someone.
08:34Hindi rin daw napatunayan ng prosekusyon
08:37na may napagkasundo ang common plan
08:39ang suspect at mga binanggit na co-perpetrator
08:42at may intensyong kriminal sa pagpapatupad nito.
08:45Pinabulaanan din ang depensa na bahagi ng common plan
08:48ang inilabas ng memo noon
08:49ni dating PNP Chief Bato de la Rosa
08:51kaugnay sa Oplan Tukhang.
08:53Taken out of context daw ito
08:55at pinalabas lamang daw ng prosekusyon
08:57na utos ito para itarget
08:59ang mga suspect na sangkot sa droga
09:01gayong ang ibig sabihin daw ng Tukhang
09:03ay knock and plead.
09:05Sunod at tinalakay ni Kaufman
09:06ang nakasaad na neutralization
09:08sa mga direktiba sa pulisya sa operasyon.
09:11Gayit ni Kaufman,
09:12hindi naman nakasaad na pagpatay
09:14ang kahulugan nito
09:15di tulad ng iginigiit ng prosekusyon.
09:17Sahalip lawful restraint daw
09:19ang ibig sabihin nito
09:20tulad ng nakasaad sa PNP Operational Procedures Manual
09:23na binanggit ni Dalarosa noong 2017.
09:26Neutralization, and I quote,
09:28A police intervention in strict accord
09:31with the use of force continuum
09:33and or principle of proportionality
09:37on the use of force purposefully
09:40to contain or stop
09:42the unlawful aggression of the offender.
09:46This may include an arrest,
09:49capture, surrender,
09:51or other acts to subdue the suspect.
09:54Nang questionin sa Korte Suprema
09:56ang operasyon kontra droga,
09:57ipinagtanggol daw ng gobyerno
09:59ang mga direktiba
10:00dahil hindi naman daw ito
10:01nagbibigay ng license to kill.
10:03Ultimo mga testigo ng prosekusyon
10:05ay nagsabing hindi raw pagpatay
10:07ang ibig sabihin ng neutralization
10:09at gumagamit lang ng lethal force
10:11kapag nanlaban ang suspect
10:13at nalalagay sa piligro
10:14ang buhay ng mga polis.
10:16Bagay nakapareho sa paulit-ulit daw
10:18na sinasabi noon ni Duterte.
10:20Pinon na ni Kaufman
10:22ang umano'y mga indikasyon daw
10:23ng common plan
10:24na ipinresenta ng prosekusyon.
10:26Binanggit ni Kaufman
10:27ang interview
10:28ng pinangalan ng co-perpetrator
10:30ni Duterte na si De La Rosa
10:31noong 2016.
10:32Interview with De La Rosa
10:34mentioned in paragraph 28
10:36after supposedly inciting
10:38a crowd of drug addicts
10:40to cause criminal damage
10:43to the properties
10:44of their narcotic suppliers,
10:48the newly elected chief
10:49of police states,
10:52it's either you will die
10:54from police gunfire
10:56and he adds,
10:58if you resist.
10:59Gayun din ang isang interview
11:01kay former Justice Secretary
11:02Vitaliano Aguirre
11:03kung saan sinabi nitong malinaw
11:05na sinabi ni Duterte
11:06na hindi inuutosang pumatay
11:08ang mga polis.
11:09comments attributed
11:11to Aguirre
11:12from which the prosecution
11:14imputes criminality
11:16to Rodrigo Duterte
11:17by citing Aguirre's comment
11:20that the administration's policy
11:23was to stop crime
11:25and kill drug lords.
11:27Such throwaway comments
11:29reflect on Aguirre alone.
11:32And God forbid,
11:33we're not alleging
11:33that Aguirre did anything wrong.
11:35Especially when,
11:36in the very same
11:37Al Jazeera interview,
11:39Aguirre states,
11:40not once,
11:41but twice,
11:42that the policy of Duterte himself
11:45was for the police
11:46to use lethal force
11:48only in self-defense.
11:50And President Duterte
11:51was very clear
11:52that there will be
11:54no killing
11:55of unarmed offenders,
11:57meaning to say
11:58that you use force
12:00only when your life
12:02is in danger.
12:03So why does
12:04the prosecution
12:05cite the excerpts
12:06which support
12:07its case
12:08so selectively?
12:10Kinoontra rin ni Kaufman
12:11ang paggamit ng prosekusyon
12:12sa memo kaugnay
12:13sa Project Double Barrel
12:14bilang ebidensya
12:16ng common plan
12:16kaugnay sa war on drugs.
12:18Iniutos din daw
12:19sa dokumentong ito
12:20na irespeto
12:20ang karapatan
12:21ng mga inaaresto
12:22at huwag lumabag
12:23sa karapatang pantao.
12:25Pino na rin ni Kaufman
12:26ang paggamit ng prosekusyon
12:27bilang patunay
12:28ng common plan
12:29ang paglalabas nito
12:30ng statistics
12:30ng mga namatay
12:31sa drug war.
12:32Sa 2017
12:33accomplishment report
12:34na inilabas
12:35ng Duterte
12:35administration
12:36kung saan nakasaad
12:38na mahigit
12:383,000
12:39ang napatay
12:40kakarampot lang daw
12:41kumpara sa mahigit
12:42118,000
12:43na pag-aresto.
12:45Such statistics
12:46are certainly not indicative
12:48of a wholesale policy
12:50of murder
12:51designed to supplant
12:54the process of law.
12:55Hindi rin daw isinama
12:57ng prosekusyon
12:58ang parte
12:58ng accomplishment report
12:59na nagsasabing
13:001,900 drug-related
13:02investigations
13:02ang ginawa laban
13:04sa mga law enforcement
13:05officer
13:05at 375 na polis
13:07ang na-dismiss
13:08kabilang ng dalawang
13:10kalookan polis
13:10na nasentensyahan
13:12ang life imprisonment
13:13para sa pagpatay
13:14kay Carl Arnaiz.
13:20At sa kabila naman
13:21ng pagtibag
13:22o pagbasag
13:24ng depensa
13:24sa mga argumento
13:26ng prosekusyon
13:27hindi natitinag
13:28ang mga pamilya
13:29ng mga biktima
13:31ng extrajudicial killings
13:32anila ay
13:32nag-nitpick lang daw
13:34ang depensa
13:35at hindi raw maalis
13:37ang katotohanan
13:38na napakarami raw
13:39na matay
13:39at ang kanilang
13:40mga mahal sa buhay
13:41ay hindi lamang
13:42estadistika
13:43kundi mga tunay na tao
13:45at kumpiyansa rin daw
13:46ang mga pamilyang ito
13:47sa argumento
13:48ng prosekusyon
13:49dahil nag-imbestiga raw
13:50ang prosekusyon
13:51ng husto
13:51at ang tanging
13:53kanilang tinatayuan
13:54ay ang katotohanan.
13:55Samantala, Atom,
13:57bukas magpapatuloy
13:59ang submission on merits
14:00ng depensa
14:02meron silang 30 minutes
14:03at bukas na rin
14:04magaganap yung
14:05closing speeches
14:06ng prosekusyon,
14:08depensa
14:08at ng common legal
14:10representatives for victims
14:11bago tuluyang mag-adjourn
14:13o matapos
14:14ang confirmation of charges hearing
14:16at pagkatapos
14:16may 60 days
14:17ang pre-trial chamber 1
14:19para magdesisyon
14:20kung magiging tutulak
14:22sa isang trial proper
14:23ang charges
14:24laban kay dating Pangulong
14:25Rodrigo Duterte.
14:26Atom?
14:27Mula sa The Hague,
14:28Netherlands,
14:29maraming salamat,
14:30at Marie Zumali
14:31na ay sunumitin na rao
14:33sa ombudsman
14:34ang affidavit
14:35ng 18 dati umanong sundalo
14:36na naghatid daw
14:38ng mali-maletang pera
14:39sa iba't-ibang opisyal
14:40ng gobyerno.
14:41Isa naman sa itinuturong
14:42nasa likod umano nila
14:43si dating congressman
14:45Mike Defensor.
14:46May report si Joseph Moro.
14:51Ang basehan po namin
14:53ay tumanggap sila
14:54ng milyon-milyon na pera
14:55pero hindi po yan
14:57naipakita sa kanilang salen.
14:58Yan ang isa
14:59sa mga nais
15:00paimbestigahan
15:01ni Atty.
15:01Levito Baligod
15:02kaugnay sa revelasyon
15:04ng mga nagpakilalang
15:05dating sundalo
15:06at mga tauhan umano
15:07ni ex-Congressman
15:08Saldico
15:09na naghatid umano
15:10ng mali-maletang pera
15:11sa iba't-ibang
15:12opisyal ng gobyerno.
15:13Isinumitin na sa ombudsman
15:15ang kanilang affidavit
15:16para raw sa mga
15:17posibleng paglabag
15:18sa Antigraf Law
15:19at Code of Conduct
15:20of Public Officials.
15:21At pag mag-iimbestiga pa
15:23ang ombudsman
15:24ay maaaring makita nila
15:27na merong
15:28malversation
15:29at saka
15:30bribery.
15:31Sinagot rin ni Baligod
15:32ang sinabi ni Sen.
15:33Ping Lakson
15:34na kwestyonable
15:35ang 805 billion pesos
15:36na halaga na
15:38diniliver
15:38ng mga dating sundalo.
15:39Ang assumption niya
15:41ang mga pera na ito
15:42ay galing sa
15:43flood control projects
15:44lamang.
15:46Marami pong ibang
15:47pinanggagalingan
15:48Department of Agriculture
15:49Department of Environment
15:52yung mga
15:54reforestation program.
15:56Meron tayong
15:57irrigation projects
15:58na maraming
15:59gos dyan.
15:59Bukod rito
16:00kasama rin
16:01sa isinumitin ang affidavit
16:02ang pakipagtulungan
16:03umano ng pamahalaan
16:04sa ICC investigators.
16:06Gayit na mga dating sundalo
16:07nakipagpulong umano
16:08sa ICC investigators
16:10si dating Justice Secretary
16:12at kay Ombudsman
16:13Jesus Crispin Rimulya
16:14sa kanyang bahay.
16:15Sinusubukan pa namin
16:16makuha ang panig
16:17ni Rimulya.
16:18Kabilang din sa mga
16:19aligasyon ng pagsagot
16:20umano ni Kuat
16:21dating Sen. Antonio
16:22Trillanes
16:22sa gastusin
16:24ng mga ICC investigators
16:25na pumunta sa Pilipinas.
16:27Naano nang itinanggin
16:29ni Trillanes
16:29sa mga paratang.
16:30Itinanggin niyang
16:31aligasyon
16:32nakipagpulong
16:32ang mga ICC investigators
16:34sa kanya
16:34at iba pang opisyal
16:36ng gobyerno.
16:37Ako definitively
16:38sinasabi ko na
16:39walang binigay na pera
16:40sa akin,
16:41walang ako natanggap
16:42na pera
16:43para sa ICC man
16:44o kung para saan.
16:46Binigay daw sa ICC?
16:47So paano nilabas
16:49ng taga-ICC
16:50yung 2 million dollars?
16:51Bagahe ng ICC?
16:53Hindi pera yun.
16:54Alam natin
16:54na bawal ka maglagay nun
16:56kasi makukuha yun.
16:57Ang intention dito
16:58is to sabotage
16:59the whole ICC proceeding.
17:02Ang Office of the Prosecutor
17:04ng ICC
17:05sinabi yung kanilang mga
17:06aktibidad
17:07ay pinupondohan
17:08ang budget
17:08ng ICC
17:09na aprobado
17:10ng ICC Assembly
17:11of States Parties.
17:12Saklaw din daw
17:13ng budget na ito
17:14ang mga gastusin
17:15ng OTP prosecution
17:16at mga investigation activity
17:18alinsunod sa mga
17:19financial rules
17:20and regulations
17:21ng ICC.
17:22Confidential daw
17:23ang pangalan
17:24ng kanilang mga staff
17:25pati na mga saksi,
17:26institusyon
17:27o organisasyon
17:28na kanilang kinausap.
17:29Mahalaga rao ito
17:30para maprotektahan
17:31ang integridad
17:32ng investigasyon
17:33at ang kaligtasan
17:34ng mga biktima
17:35saksi pati na
17:36ang kanilang mga staff.
17:37Pinangalanan ni Trillanes
17:39ang isa sa mga
17:39nasa likod umano
17:40ng revelasyon
17:41ng mga dating sundalo.
17:42Meron ang mga nakakita
17:44ng mga plate numbers,
17:46ng mga sasakyan
17:47na ginamit
17:49ng mga dating sundalo
17:51papunta
17:52at paalis
17:52ng press con.
17:54Ang isa doon
17:54ay nakapangalan
17:56sa asawa
17:57ni Mike Defensor.
17:58So alam natin
18:00kung sino
18:00itong mga ito
18:01si Baligod
18:02si Mike Defensor
18:03mga bata
18:04ni Duterte yan.
18:05Mike Defensor
18:06again,
18:09Ador Mawanay 2.0
18:12Kilala
18:13ang salitang Mawanay
18:14dahil sa pamimilit
18:16di umano sa kanya
18:17na gamuwa
18:18ng peking salaysay.
18:20Pag ang taong ito
18:21ay kasama
18:22sa isang issue,
18:23something is fishy.
18:24Wala pang sagot
18:26si Defensor
18:26sa paratang
18:27na siya
18:27nasa likod
18:28ng mga nagpakilalang sundalo.
18:30Pero tugon niya
18:31kay Castro
18:31saguti ng issue
18:32at huwag ilihis.
18:33Sa aligas siya namang
18:34binibigyan siya ng pera
18:35tuwing may meeting sila
18:36ni Coe,
18:37nilinaw ni Comalek
18:37Chairman Erwin Garcia
18:39na bagamat abugada siya
18:40dati ni Coe,
18:41hindi na niya ito
18:42nakapulong
18:43mula nang maupo
18:44sa Comalek.
18:46Si National Security Advisor
18:48Eduardo Año
18:49sinabing maaaring
18:50bahagi ito
18:50ng destabilisasyon
18:52dahil na taon ito
18:53sa mga pagdinig
18:54sa ICC,
18:55anibersaryo ng EDSA
18:56at ang plinano rao
18:57na one time
18:58big time
18:58na kilos potesta.
19:00Kinundi na rin niya
19:01mga kosasyon
19:01dumalo siya
19:02sa isang pulong
19:03sa loob ng
19:03Polo Club Townhouse
19:04pati na ang paratang
19:06ng pagtanggap niya
19:07ng paper bag.
19:08Tinawag namang
19:08panis at sarswela
19:09ni dating Quadcom
19:10Chairman Robert Ace Barbers
19:12ang aligasyon
19:13na hindi naman daw
19:14permado.
19:15Sabi naman
19:16ng ombudsman
19:16dadaan sa proseso
19:17ng evaluation
19:18ng affidavit.
19:19Susuriin daw nila
19:20ang kredibilidad
19:21ng mga sumumpa rito
19:22maging ang inihaharap
19:23nilang mga ebidensya.
19:25Joseph Morong
19:26nagbabalita para sa
19:27GMA Integrated News.
Comments