00:00Mahigpit na tinutukan at binabantayan ng Department of Information and Communications Technology at Cybercrime Investigation and Coordinating Council
00:09ang operasyon ng messaging application na telegram dahil sa dumaraming report ng iligal na aktividad sa loob nito.
00:17Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, under observation sa ngayon,
00:22ang naturang app dahil ginagamit umano ito sa online gambling, scams, piracy, bentahan ng iligal na droga at maging online
00:32sexual exploitation of children.
00:34Dahil naman umano sa kawala ng opisina ng naturang app sa bansa,
00:39hindi maresolba at matuntun ang mga suspect na gumagamit sa platform para manloko.
00:44I-pinaliwanag ng DICT at CICC na magsisilbing last resort o huling remedyo lamang ang pag-ban sa telegram.
00:53Nais pa rin umano ng pamahalaan na magkaroon ng mas maayos na ugnayan at pagtutulungan mula sa mga tech company.
01:02Samantala, patuloy ang babala ng pamahalaan sa publiko na maging mapagmatsyag at mapanuri sa mga nakikita online.
01:09Pagtitiyak ng pamahalaan, hindi sila titigil sa pagpapatupad ng mga batas para sa kaligtasan at proteksyon ng bawat Pilipino.
Comments