Skip to playerSkip to main content
-Security guard, patay matapos sumalpok sa puno ang kanyang motorsiklo






-Hiling ni FPRRD na huwag dumalo sa detention hearing bukas, pinayagan ng ICC Pre-Trial Chamber 1/ 


Defense Team ni FPRRD, nakatakdang magpresenta mamaya ng mga argumento at ebidensya para kontrahin ang akusasyon ng ICC Prosecution


-18 nagpakilalang dating tauhan umano ni Zaldy Co, ikinuwento ang pag-deliver umano ng male-maletang pera sa ilang politiko at personalidad/ Ilan sa mga dati umanong tauhan ni Zaldy Co, inutusan daw na maghatid ng pera kay dating Sen. Trillanes para sa mga taga-ICC umano/ Resolusyon para imbestigahan ang alegasyon ng mga dati umanong tauhan ni Zaldy Co, inihain sa Senado ni Sen. Marcos


-PAGASA: Hanggang April 2026 posibleng magtagal ang La Niña


 Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patay ang isang security guard matapos sumalpok sa isang puno sa madaluyong ang minamaneho niyang motosiklo.
00:07Ang biktima nagpaalam daw sa kanyang asawa na dadalong muna sa party bago ang aksidente.
00:13Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:17I don't know! I don't know! I don't know! I don't know!
00:27Napahagulgol ang pamilyang ito nang makitang nakahandusay at wala ng buhay ang kanilang kaanak sa kalsada.
00:34Ang 27 na taong gulang na biktima na aksidente sakay ng kanyang motosiklo sa bahagi ng Ortigas Avenue sa barangay
00:41Wakwak, Green Hills East, Mandaluyong City,
00:43pasado alas 2 ng madaling araw kanina.
00:46Ayon sa barangay, ilang motorista ang unang nakakita sa biktimang nakahandusay sa kalsada.
00:52Hanggang sa pinuntahan namin, ito na po yung nandatnan namin ma'am.
00:55Pinulusuan na ng kasama ko, sabi nila, wala na raw puluso.
00:59Ang motosiklo nakapuesto sa tabi ng pinagbanggaang puno nito na nasa center island ng kalsada.
01:05Ayon sa asawa, galing sa trabaho ang security guard.
01:08Nakapagpaalam pa raw ang mister niya na dadalo sa birthday ng katrabaho niya bago mangyari ang aksidente.
01:14Hindi po siya umuwi. Dumeret po siya doon sa mga nakaayaan ni mga katrabaho niya.
01:22Hindi ko po alam eh kasi sabi ko umuwi lang siya.
01:25Umuwi lang po siya.
01:27Naulila rin ang biktima ang 7 taong gulang nilang anak.
01:30Pasado alas 5 kanina nang dumating ang Soko.
01:33Ayon sa pamilya, ipapa-autopsi nila ang bangkay ng kanilang padre de familia.
01:38Patuloy ang investigasyon.
01:40Ayon naman sa barangay, hindi hagip ng kanilang CCTV ang nangyaring aksidente.
01:45Kumakala pa ang polisya ng imang CCTV footage na posibleng nakahagip sa pangyayari.
01:51EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:05Pinayagan ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber 1 ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag na siyang
02:11padaluhin sa detention hearing bukas, February 27.
02:15Ayon sa ICC Pre-Trial Chamber 1, wala sa legal framework ng korte ang nagsasabing kailangan ang presensya ng suspects
02:23sa naturang hearing.
02:24Alinsunod sa Rule 118 ng ICC Rules of Procedure and Evidence, required magkaroon ng annual detention hearing para pag-aralan
02:33ang pagkakakulong doon ng isang detainee.
02:35Itutuloy naman mamayang alas 5 ng hapon, ora sa Pilipinas, ang Day 3 ng Confirmation of Charges Hearing sa Kasong
02:42Crimes Against Humanity laban sa dating Pangulo.
02:45Ang Duterte Defense Team naman ang nakatakdang magpresenta ng kanilang mga argumento at ebidensya para kontrahin ang mga akusasyon ng
02:54prosekusyon.
02:57Sa ibang balita ay sinuwalat ng labing walong dati umanong tauhan ni Zaldico ang pag-deliver umanon nila ng mali
03:03-malitang pera sa iba't-ibang politiko at personalidad.
03:06Kabilang dyan si na Pangulong Bongbong Marcos, dating House Speaker Martin Romualdez at iba pang nasa gobyerno.
03:13Balita natin ni Oscar Oida.
03:17Labing walong dati umanong military personnel, karamihan mga dati umanong miyembro ng Philippine Marines,
03:23ang iniharap ng abugadong si Atty. Levito Baligod sa miyembro ng media.
03:28Mga dati umanong silang tauhan ni dating Congressman Zaldico.
03:32Mga kasamahan rin daw sila ng dati ring Marine at dati ring security detail ni Co na si Ordi Guteza.
03:39Tulad ng inilahad ni Guteza noon sa Senate Blue Ribbon Committee,
03:42Kuinento ng mga Marines ang pag-aatid ng basura o yung mali-malitang pera sa ilang mababatas,
03:49politiko at iba pang mga personalidad.
03:52Mula September 2022 hanggang unang bahagi ng 2025.
03:57Hindi pa nila nakukuha ang kontrata ay nang umpisa na sila mag-remit kay ginoong Zaldico doon sa kanyang bahay
04:10sa Pasig City.
04:11Ipinakita ni Baligod ang affidavit ng mga dating Marines.
04:16Bahagi nito ang mga larawan ng daan-daang maleta raw ng pera na dumadating umano sa bahay ni Co.
04:23Ipinakita rin doon ang larawan ng empleyado raw ni Co na binibilang ang pera na dumarating sa bahay.
04:30Pagkatapos daw ay ibinabalik ulit sa maleta at dinadala umano sa penthouse condominium unit ni Co sa BGC.
04:38Ipinakita rin nila ang litrato kasama ni Guteza.
05:21Ang pera dinalaraw nila sa bahay o tanggapan ng ilang mga congressman kabilang sinuoy House Speaker Martin Romualdez.
05:32Nabangit din sa nasabing presko ng umunay naging partisipasyon ng ilan sa kanila sa operasyon ng ICC investigators sa Pilipinas.
05:41Inutusan daw ni Co ang ilan sa kanila na magsilbing driver sa ilang banyaga.
05:45Unang dumating ang mga ICC investigators sa Pilipinas noong December 2023.
05:55At bago mag-Desember 2023 ay inutusan sila na magpapalit ng peso to dollars.
06:08Dalawang maleta na ang bawat maleta ay may nilalaman na 56 milyon pesos.
06:16Kaya nakapagpalit sila ng equivalent to 2 milyon dollars.
06:22Kalaunan ay napag-alaman daw nila na ang mga ito pala ICC investigators.
06:28Pati ang pangalan ni dating Senador Antonio Trillanes na banggit patungkol dito.
06:33Apat na beses daw silang nag-deliver ng pera kay Trillanes para sa gastusin ng mga taga-ICC.
06:40Ang mga ICC investigators nag-ikot daw sa iba-ibang lugar para kausapin ang maunay biktima ng extrajudicial killings noong
06:49panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
06:52Pero puro mga witness na in-refer ni Trillanes lamang daw ang ini-interview ng ICC investigators.
06:59Nagkaroon pa rao ng pagpupulong ang mga ICC investigators sa bahay umano ni dating Justice Secretary Boyeng Rimulya kasama si
07:08Trillanes at dating PNP Chief Nick Torre.
07:11The ICC investigators themselves committed graft and corruption dahil bakit hinayaan nilang lahat ng sasakyan, lahat ng pagkain, lahat ng
07:28accommodations nila ay sinagot ng mga tao na kilala naman nila na kalaban ng kanilang iniimbestigahan.
07:38Ayon kay Baligod, marami pa daw ang ibang impormasyon ang nakasaad sa affidavit ng mga dating sundalo na isusumiti daw
07:46nila sa Office of the Ombudsman.
07:49Magsusumiti din daw sila nito sa ICC.
07:52So that ICC will know how the ICC investigators conducted themselves in the Philippines.
08:00Kasunod na mga paratang na ito, naghain na si Senadora Aimee Marcos ng resolusyon sa Senado para manawagan ng imbisigasyon.
08:07Dito natin buksan sa Senado at suriin ang maleta ng katotohanan, hindi maaring trial by publicity ang mangyari, hindi maaring
08:17ang institusyon ng Senado at pati na rin ang Kongreso at ang dangal ng bawat halal ng bayan, Senado man
08:25o Kongresista, ay mayurakan ng walang kalaban-laban.
08:29Bagamat hindi ipinamahagi ni Baligod sa media ang buong affidavit, nabanggit sa resolusyon ni Senadora Marcos ang ilan pang bahagi
08:38nito.
08:38Kabilang dito ang paghahatid daw ng mga ex-marines ng pera, hindi lang kay Romualdez, kundi maging sa ilang miyembro
08:46ng House Representatives tuwing may quadcom hearings, pati na sa ilang miyembro ng Senado, pero hindi binanggit sa resolusyon kung
08:55sino-sino ang mga ito.
08:56Tinukoy din dito si Congressman Edwin Guardiola na isa raw sa mga naghatid ng pera sa bahay ni Coe sa
09:03Pasig.
09:03Binanggit din sa resolusyon ang aligasyon ng isa sa mga ex-military personnel na isinama siya ni Coe sa paghahatid
09:10ng pera sa bahay ni Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa Marcos sa Ilocos Norte.
09:17Tinanggap umano ni Presidential Sun at Congressman Sandro Marcos ang pera.
09:23Dawit din ang ilang kasalukuyan at dating opisyal ng gobyerno.
09:27Kasama dyan si dating Budget Secretary Amena Pangandaman na hinatiran daw ng dalawang maleta sa kondo ni Coe.
09:35Pati na si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na hinatiran daw nila ng walong maleta.
09:41Nakita rin daw nila ng abutan umano ng paper bag si National Security Advisor Eduardo Año matapos ang isang pulong
09:49kasama ni Coe Romualdez at Congresswoman Laila de Lima.
09:53Sinabi rin sa resolusyon ang lingguhan daw na pagkuhan ng pera mula sa bahay umano ni Agriculture Secretary Francisco Chu
10:01Laurel.
10:02Ganon din si Bureau of Corrections Chief Gregorio Catapang na umunayin naghatid ng pera sa basement ng isang hotel sa
10:10BGC.
10:11Sakaling humarap sa Senado ang mga dating military personnel, umaasa daw si Marcos na poprotektahan sila.
10:19Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:24Ang sagot at reaksyon ng ilan sa mga nabanggit sa aligasyon ng mga dati umanong sundalo, iatid namin maya-maya.
10:36Pusibling hanggang Abril na lang magtatagal ang Laniña phenomenon.
10:40Ayon sa pag-asa, sa mga susunod na araw at linggo, unti-unti nang hihina ang Laniña hanggang sa magkaroon
10:45na nga ng transition papuntang neutral condition.
10:49Ngayong taon, posibling umabot hanggang 14 na bagyo ang mamuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
10:56Sa ngayon, walang binabantay ang sama ng panahon sa loob o labas ng PAR.
11:01Easterlies ang nakaka-apekto ngayon sa bansa.
11:03Maraming lugar ang makararanas ng mainit at maalinsangang panahon,
11:08pero posible pa rin ang mga panandaliang ulan o kaya mga local thunderstorm.
11:13Sa mga susunod na oras, uulan niyan ang halos buong Mindanao at ilang panig ng Palawan at Visayas,
11:20base po yan sa rainfall forecast ng Metro Weather.
11:23Naitala ngayong Webes ang minimum temperature na 15.8 degrees Celsius sa La Trinidad, Benguet,
11:2916.4 degrees Celsius sa Baguio City, habang 23.4 degrees Celsius dito sa Quezon City.
Comments

Recommended