00:00Tinutugis ng mga otoridad sa San Mateo Rizal ang lalaking nanloob sa isang apartment building.
00:05Natangay po niya isang cellphone. Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:12Sa kuha ng CCTV sa isang apartment building sa barangay Ampiduno, San Mateo Rizal,
00:18pasado alas 5 ng madaling araw nitong linggo,
00:22kita ang isang nakasombrero at nakashorts na lalaking naglalakad.
00:27Lumingon-lingon siya sa pinasukang gate at saka sa dumiretsyo ng lakad paakyat.
00:32Sa second floor, naglakad ang lalaki, sumilip sa bintana at tinangkang buksan ang gate sa dulo.
00:40Nang hindi niya ito nabuksan, umalis ang lalaki at umakyat sa third floor ng apartment building.
00:46Nagmasid-masid ang lalaki na nakasuot na asul na long sleeves at itim na sling bag.
00:51Saka umalis at bumaba.
00:54Pagbalik niya sa first floor, kita ang lalaking tila may inaabot sa bintana ng isang bahay.
01:00Sa isa pang kuha ng CCTV, binuksan niya ang sliding window ng bahay bago tuloy ang lumabas ng gate.
01:08Ang lalaki, natangay na raw noon ang isang cellphone mula sa bahay.
01:13Ayon sa isa sa mga nakatira sa bahay na si Angelica, umaga na nang malaman nilang ninakawan sila.
01:20Hindi po kasi nag-alarm yung cellphone ng asawa ko.
01:24So nagising na siya ng kusa, hinanap niya yung cellphone niya sa may bandang ulo na niya sa may unan.
01:29Nalughog namin yung higaan, yung mga unan. Wala talaga.
01:34Tinignan nila ang mga kuha ng CCTV at doon nalaman na pinasok na pala ang kanilang apartment building.
01:42Dahan-dahan lang po niya binubuksan itong screen hanggang sa inaabot niya na po yun.
01:46Siguro po mga ano, dalawang minuto lang po yun na nakuha niya po kaagad yung cellphone.
01:53Nag-try pa nga po siya dito buksan yung door na pero si lock po di niya na ma-open.
01:58Nasa 15,000 piso raw ang halaga ng ninakaw na cellphone.
02:02Na-report na raw sa barangay ang insidente.
02:05Ayon sa mga tanod, hindi residente ng Ampid 1 ang salarin.
02:10Yun po ay diet talaga po ma'am.
02:12Prestan ko lang nakitang mukha ngayon ma'am eh.
02:14Pinakatan po yung itsura niya.
02:16Katunayan mayroon po kami nakapaskilpag dyan, ibang barangay.
02:19Patuloy ang pagtuntun ng mga otoridad sa salarin.
02:23EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments