Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa unang araw ng confirmation of charges hearing sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:05sa International Criminal Court,
00:08iginiit ng prosecution na ang mga pagpatay na ibinibintang sa dating Pangulo
00:12ay bahagi umano ng malawakan at sistematikong pag-atake.
00:17Itinanggi naman niya ng Duterte Defense Team.
00:19Sabay sabi na may kinalaman si Pangulong Bombo Marcos sa mga pag-atake sa dating Pangulo.
00:25May unang balita live ang kasama nating si Marius Kumali.
00:28Marius?
00:32Good morning, Morgan. Susan, magandang umaga dyan sa Pilipinas.
00:39Pero magandang gabi mula rito sa Daheg, Netherlands.
00:43Ang oras dito ngayon ay 11.06 na ng gabi.
00:476.06 naman dyan sa Pilipinas.
00:50Nag-adjourn nga, Ate Su, ang unang araw ng confirmation of charges hearing para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:58bago mag-alas 3 ng hapon kanina dito sa The Hague, Netherlands,
01:04habang bago naman po mag-alas 10 ng gabi dyan sa Pilipinas kagabi.
01:10Sa loob ng isang oras, inilahad ng prosekusyon ang kanilang submission on the merits na nakatuon sa mga ebedensyang nag
01:19-uugnay sa dating Pangulo sa mga kasong inihahain laban sa kanya.
01:23Kabilang sa ipinresenta ang mga direct quote na lantarang binanggit ni Duterte na tumutukoy sa pagpatay na ayon sa prosekusyon
01:32ay nagpapakita ng kanyang intensyon at kaalaman sa mga nangyaring operasyon.
01:37Sinuportahan ito ng mga video clip ng kanyang mga talumpati at pahayag sa publiko.
01:42Bilang panghuling bahagi ng presentasyon, ipinalabas ang isang apat na minutong video na naglalaman ng compilation ng mga pahayag ng
01:51dating Pangulo.
01:52Ipinakita rin sa pagdinig ang ilang CCTV footage ng mga insidente ng pagpatay na iniuugnay sa kampanya kontra droga.
02:00Narito po ang aking report.
02:05The International Criminal Court is now in session.
02:09Alas 5 ng hapon, oras sa Pilipinas, nagsimula ang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International
02:17Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
02:19Wala sa pagdinig si Duterte, pero naroon ang defense team na pinangunahan ang lead counsel na si Atty. Nicholas Kaufman.
02:27Naroon naman para saksihan ang proceeding ng mga Pilipinong abugadong karamihan ay dati ring opisyal ng administrasyon ni Duterte.
02:34Sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea, dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, dating LTFRB Chairman Martin Delgra III, dating
02:43Labor Secretary Silvestre Bellio III, Alfredo Lim Jr., at dating BIR Commissioner Cesar Dulay.
02:50Naroon din ang prosekusyon sa pangunguna ni Deputy Prosecutor Mami Mandaye Niyang at kinatawan ng mga biktima sa pangunguna ni
02:57Paulina Masida ng ICC Office of Public Counsel for Victims.
03:01I-pinaalala ni presiding Judge Yulia Motok na ang pagdinig ay para matukoy kung may sapat na basihan para litisin
03:08si Duterte sa mga inaakusa sa kanya at ang dating Pangulo ay innocent until proven guilty.
03:13Bili ni Judge Motok hindi pwedeng banggitin ang pangalan ng mga biktima at witnesses.
03:18Binasa sa sesyon ang kinaharap ni Duterte na tatlong counts ng crimes against humanity for murder at attempted murder.
03:25Inaakusahan si Duterte bilang indirect co-perpetrator mula November 2011 hanggang March 2019 sa pagsasagawa ng common plan na pagpatay
03:34laban sa mga inaakusahang kriminal.
03:37Inaakusahan si Duterte ng pagdisenyo ng pulisiya para in-neutralize ang mga kriminal,
03:42pagtatatag ng tinaguri ang Davao Death Squad, pagbibigay ng arma sa mga direct perpetrator,
03:47pagbibigay ng insentibo at promosyon sa mga polis at hitmen,
03:52at pagpangalan sa mga high-value target na ang ilan ay napatay kalaunan.
03:56Sa kanyang opening statement, tinukoy ng prosecutor ang mga pahayag ni Duterte noong kampanya na kapag nahalal siya bilang pangulo,
04:04utusan daw niya ang militar at pulisya na paghahanapin ang mga drug lord at ipapatay sila.
04:10At nang maging pangulo, nagbigay raw si Duterte ng shoot to kill order at inilista bilang accomplishment ang mga napatay.
04:17And many of these victims were children.
04:22The victim of extrajudicial killing charge in this case were brutally murdered,
04:30some after having been abducted and mistreated.
04:34Unlike Mr Duterte, who is represented by his counsel here today,
04:39they were deprived of any form of due process.
04:42Their suffering was met not merely with Mr. Duterte's indifference, but with his mocking.
04:51Yet ng ICC deputy prosecutor, hindi masasabing isolated ang mga pagpatay.
04:56The 78 murders and attempted murders that Mr. Duterte is charged with in this case were not random.
05:05These were not random crimes.
05:08Nor was they spontaneous.
05:10or happen in isolation.
05:16Rather, the evidence demonstrate that they were part of a widespread and systematic attack
05:25directed against the civilians population of the Philippines.
05:31Sa ngalan naman ng halos limanda ang biktimang otorisado makilahok sa kaso,
05:35nagsalita si Atty. Joel Butuyan.
05:37Binanggit niya ang labis na pagkadismaya ng mga biktima sa hindi pagharap sa korte ni Duterte.
05:43Aniya, ang makita si Duterte habang binabasahan ng sakdal ay malaking bahagi sana ng pagkamit nila ng hustisya.
05:49Binanggit din ni Butuyan na ang mga opisyal na Pilipinas na tinukoy niyang gatekeepers of justice
05:54ang mismo nagsabing hindi uusad kung sa Pilipinas kakasuhan si Duterte.
05:59No less than former Philippine Justice Secretary Crispin Rimulya admitted just a few months ago
06:05that the door to domestic justice is permanently closed for victims of the Duterte extrajudicial killings.
06:13Rimulya declared, and we quote,
06:16It is difficult to prove the case here and build up the case
06:21because those who need to speak are involved in the crime.
06:26There's nothing, not even a police report.
06:29You don't have a scene of the crime, you don't have ballistics, you don't have DNA.
06:35Rimulya further declared, and I quote,
06:39Everything that could be erased was erased so that the cases would not push through.
06:45That is why this has reached the ICC.
06:48Sabi pa ni Butuyan, kahit isang taon nang nakakulong si Duterte sa ICC,
06:53walang nakakamit na kapayapaan ang mga kaanak na mga biktima ng EJK.
06:57At marami pa rin ang natatakot magsalita
07:00dahil sa tinawag niya mga Duterte clone o mini Duterte na umano'y sangkot sa pangharas
07:05at pananakot sa mga biktima at kanila mga pamilya.
07:08These mini Dutertes harass, threaten, or commit outright violence
07:14against the victims and their families.
07:17They see and hear senators, congresspersons, mayors, governors,
07:23and powerful public figures who are mini Dutertes.
07:27The daughter of Mr. Duterte is the vice president,
07:30and she has just recently declared that she is running for president in 2028.
07:37One Duterte's son is a congressman.
07:40Another is the Davao City Mayor,
07:43and his grandchildren occupy positions of power.
07:46Nagkaroon ng 30 minutong break pagkatapos ng sesyon.
07:49Pagbalik, itinuloy ni Butuyan ang pagdedetalya ng karanasan na mga biktima ng pagpatay
07:54at kanilang mga naolila.
07:56Ikinagulat pa raw ng mga kaanak na sa mga opisyal na record sa halip na tama ng bala ang cause
08:02of death,
08:02mga gawa-gawa o manong rason ang inilagay gaya ng pneumonia, sepsis, at iba pa.
08:08Sabi ni Butuyan, nararapat lang na makonfirm ang mga asunto laban kay Duterte
08:13at matuloy sa paglilitis para mainabas kung ano ang totoong nangyari sa panahon ng madugong drug war.
08:18Ang mga akusasyon laban kay Duterte, itinanggi ni Kaufman.
08:22Inilatag din niya kung paano raw napunta sa ICC si Duterte.
08:26Una niyang binanggit ang media sa Pilipinas na ginamit daw ang matalas na pananalitan ng dating Pangulo
08:31para makagawa ng mga nakabibiglang headlines na siyang hinahanap umano ng kanilang readers.
08:37Ito raw ang dahilan kung bakit naging target si Duterte ng civil society na pinupondohan umano ng mga taikul.
08:43Hanggang makaabot ito sa mga akademik sa ibang bansa na inaayos ang kanilang research
08:47at naglalabas ng mga artikulo tungkol sa umano'y malawakang pag-atake sa Pilipinas.
09:09Pinaalala ni Kaufman na ebidensya at hindi rhetoric ang magpapasya sa kasong ito.
09:13This is a court of law which decides matters on the basis of evidence,
09:19not on the basis of political demagoguery,
09:22and not on the basis of a desire to effect regime change despite the democratic will.
09:30And certainly not on the basis of statements made by Ombudsman Jesus Crispin Remula.
09:36Binanggit din ni Kaufman na meron daw silang ebidensya na magpapatunay na walang kasalanan si Duterte.
09:42May maiinit ding salita si Kaufman laban kay Pangulong Bombong Marcos
09:45at ipinakita ang pinirmahan sa laysay ng Pangulo na hindi makikipagtulungan sa anumang paraan sa ICC.
09:52Pero mayroon daw silang ebidensya na isang telephone call sa pagitan ng apat na individual
09:56kung saan ipinagmalaki ng isa sa kanila na isa siyang silent partner ni Marcos
10:01sa pamamagitan ng pagbibigay-umanon ng witnesses sa ICC.
10:05The document comprises a transcript of a telephone call
10:09covertly recorded between four parties who cannot be mentioned in public
10:13and one of these parties was boasting,
10:17boasting about how he was acting as the silent partner of President BBM,
10:23managing a scheme to funnel witnesses to this court
10:27while all the time ensuring that he could guarantee President BBM's plausible deniability.
10:35So it is indeed the defense case that President Ferdinand Marcos Jr.
10:41set out to neutralize Rodrigo Duterte and his legacy.
10:51Susan, dahil may dalawa at kalahating oras ang prosekusyon para sa submission on merits
11:01ay bukas magpapatuloy ito alas 10 ng umaga oras dito sa dahig
11:07at alas 5 naman ng hapon dyan sa Pilipinas.
11:10At susundan ito ng submission on merits naman ng Center for Legal Representatives
11:18or Council of Legal Representatives for Victims.
11:22At ito nga ay mabibigyan lamang sila ng one and a half hours.
11:27So pagdating sa Huwebes ay magsisimula na ng submission on merits ang depensa.
11:33Gusto mo bang mauna sa mga balita?
11:35Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments

Recommended