00:00One of the things that we have been able to do is take a look at Rodrigues Rizal,
00:04while two of them have been caught according to the Mayor.
00:08It's been a few information that's been able to do so.
00:11It's been a long time for the trash.
00:13It's been a long time for E.J. Gomez.
00:18It's a long time, it's been a long time.
00:22It's been a long time for a long time, it's been a long time for a long time.
00:25Gumuho ang bahagi ng Rizal Provincial Sanitary Landfill hapon nitong Biyernes.
00:31Nagulat lang din, biglang may mga dami na sigaw eh.
00:34Ayan mga tao, nasa baba na.
00:37Ayon sa tagapagsalita at legal representative ng International Solid Waste Integrated Management Specialist Incorporated
00:44na may-ari at operator ng provincial landfill, nangyari ang pagguho sa phase 5.
00:49Tatlong bulldozer daw ng landfill ang bumagsak kasabay ng pagguho ng mga basura.
00:54So far, yung mga operators naman nun, intact.
00:57Nagkaroon lang naman sila ng slight injuries.
01:00And meron na silang approval from the firm maybe position na pwede na sila mag-return to work anytime.
01:09Nakuha na raw ang mga bumagsak na bulldozer at ngayon'y kinukumpuni na.
01:13Ayon sa grupong kalipunan ng damayang mahihirap o kadamay,
01:16base sa pahayag ng mga nakausap nilang nakaligtas sa pagguho,
01:19aabot daw sa mahigit limang po ang posibleng nawawala kasunod ng pagguho ng basura.
01:25Naninindigan po kami dun sa 50 plus na missing.
01:28Dun sa mga na-interviews, may sinasabi silang may isang bumagsak na bulldozer,
01:33nakatalon lang yung driver, kaya yung 20 plus na kataong kumakapit dun sa bulldozer.
01:39At dun sa isang bulldozer, may 30 mahigit na katao.
01:44Kahapon, nagsagawa ang grupong kadamay ng candle lighting sa labas ng gate ng landfill,
01:48kasabay ng panawagan nitong pabilisin ang rescue operations.
01:53Tatlong araw kasunod ng insidente, ang pamunuan ng SWIMC,
01:56wala pa rin daw impormasyon kung may mga nawawala.
01:59Wala pa kaming exact number.
02:02Ito yung actually we verify namin mag-LGU kasi mga pamilyang naghahalap sa LGU ng mga tao.
02:10Yung reported na tatlong missing, mayroon na tayong isa na na-retrieve at nakuha na rin ang pamilya.
02:18Kaya yung 50 or 100, that is exaggerated naman yung number na yun.
02:24It is not official na report.
02:27Hindi daw ito ang unang beses na gumuho ang gabundok ng mga basura sa Rizal Provincial Sanitary Landfill
02:33ayon sa kadamay basis sa kwento ng mga empleyado ng landfill.
02:37Sa datos na nakuha namin, pang-alim na ito eh.
02:40May nagsasabi ma mula 2010, 2015, 2016, 2018, may 2023, tapos yung ngayon.
02:49Conducting continuous operations 24-7 to check kung ano yung mga nangyari
02:55and to lay ground kung ano man yung mga lapses at kung ano man yung dapat makita pa.
03:02EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:06Ngayon ang unang araw ng confirmation of charges hearing sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
03:11sa International Criminal Court.
03:14Nahaharap siya sa tatlong counts ng crimes against humanity for murder at attempted murder,
03:20bunso nagmadagong kampanya kontra droga,
03:22mula nung mayor pa siya ng Davao City hanggang naging Pangulo ng Pilipinas.
03:26Apat na araw ngayong linggo ang confirmation of charges hearing.
03:29Tatlong oras yan kada araw.
03:32Ayon sa ICC, hindi paglilitis ang confirmation of charges hearing.
03:36Sa mga pagdinig na ito, susuriin kung malakas ba ang mga ebidensya para magpatuloy sa paglilitis o trial.
03:44Ano-ano nga ba ang mga inaasang mangyayari sa confirmation of charges hearing?
03:49Batay sa schedule na inilabas ng ICC, mamayang alas 5 ng hapon oras dito sa Pilipinas,
03:54magsisimula ang pagdinig at babasahin ang mga akosasyon kay Duterte.
03:59Pagkatapos, ay may ting 30 minuto ang prosecusyon,
04:02depensa, pati na ang Common Legal Representatives of the Victims o CLRV.
04:07Isang oras naman ang nakalaan ngayong araw para sa submissions on the merits ng prosecusyon.
04:12Dito nila ilalabas ang kanilang mga ebidensya.
04:16Bukas, maisat kalating oras muli ang prosecusyon para dyan,
04:20bago magpresenta ng argumento ang panig ng mga biktima.
04:24Sa Huwebes, nakalaan para sa defense team ang tatlong oras na pagdinig
04:28para sila naman ang magpresenta ng argumento.
04:31Itutuli nila hanggang sa biyernes ng kalahating oras ang pagpresenta ng argumento.
04:36Kasunod niyan ay ang closing statements ng prosecusyon, CLRV at ang depensa.
04:42Merong tigtatlumpung minuto ang bawat panig para rito.
04:45Sa dulo, isang oras natalakay ng pagdetain ng ICC kay dating Pangulong Duterte.
04:50May 60 araw ang mahukom para maglabas ng desisyon kasunod ng confirmation of charges hearing.
04:56Pwede nilang i-confirm ang isa o lahat ng inaakos sa kay Duterte at doon maitutuloy ang paglilitis.
05:02Kung hindi naman i-confirm ay ibabasura ang kaso.
05:06Pwede rin magdesisyon ng mahukom na magdagdag pa ng ebidensya
05:10o magsagawa pa ng imbistigasyon ang prosecution team.
05:14Nagtipon-tipon sa labas ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
05:18Ang mga kamag-anak ng ilang biktima ng pagpatay noong War on Drugs
05:23bago ang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
05:28Panawagan nila panagutin ang dating presidente.
05:31At mula po sa The Hague, Netherlands, balitang hatid ni Marise Umali.
05:37Duterte, panagutin!
05:39Yan ang sigaw ng mga kaanak ng mga biktima ng war on drugs
05:43na nagtipon sa labas ng International Criminal Court sa bisperas ng confirmation of charges hearing
05:48ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
05:50Bit-bit na mga nagprotesta ang mga larawan at naiwang gamit ng mga yumaon nilang mahal sa buhay
05:55na biktima ng extrajudicial killings para ipaalala raw ang sakit
06:00kasabay ng panawagan na dapat panagutin ang dating Pangulo sa kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.
06:05No more lies!
06:07Attempt for your crimes!
06:09Attempt for your crimes!
06:11Tatlong counts of crimes against humanity of murder and attempted murder
06:14ang kinakaharap ni Duterte sa pre-trial Chamber 1.
06:18Una, para raw sa labing siyam na pagpaslang na iniuugnay sa Davao Death Squad sa Davao City
06:23nung si Duterte pang mayor doon.
06:25Pangalawa, para naman sa labing apat na pagpaslang sa tinaguri ang high-value targets
06:30nung siya pang Pangulo na ipinatupad sa pamagitan umano ng mga polis at state-length organization.
06:35At pangatlo, para sa 45 pagpaslang at tangkampagpaslang daw sa barangay clearance operations
06:42habang umiira lang nationwide war on drugs.
06:45Ayon sa mga pamilya ng mga EJK victim, matagal nilang hinintay ang araw na ito.
06:50Nagbibigay raw ito ng pag-asa sa kanila matapos ng ilang taong pagdadalamhati at kawalan ng katiyakan.
06:56Kabilang sa kanila si Lory Pasco, na nawalaan ng dalawang anak na si na Crisanto Antonio at Juan Carlos
07:02noong panahon ng Administrasyon Duterte.
07:05Ang sabi niya ngayon, matanda na siya, nahirapan na siya, pero ang sagot ko sa kanya,
07:12parehas naman tayong matanda, pero ako hindi nagsasawa, hindi pa ako napapagod
07:17hanggat makamit namin ang hostisya para sa lahat ng mga biktimang binaslan.
07:22Nanawagan din siya sa mga Pilipino, mga OFW at sa international community
07:27na patuloy silang samahan sa paghahangad ng hostisya sa anilay mahaba at masalimut na proseso.
07:33Dumalo rin si Shira Escudero na nawalan ng 18 anyos na kapatid na si Efraim noong 2017.
07:39Mula sa Pilipinas, lumipad siya papunta rito sa the Netherlands,
07:43kasama ang Rise Up for Life and for Rights para saksihan ng pagginig.
07:46Efraim was found with his head, found with packaging tape, his head dotted with bullet wounds,
07:54his head hog tied, and his legs tied as well, dumped on a patch of grass.
08:00That's how we found my brother.
08:02But before that, he also went and disappeared.
08:05Police just found him.
08:07He was dumped 100 kilometers away from our place.
08:11So, we experienced a lot of pain and trauma looking for my brother until I found him lifeless.
08:20Sa kabila ng hirap na balikan ang masasakit na alaala,
08:24sabi niya Escudero, pinili nilang humarap sa ICC para patunayang totoo ang kanilang mga kwento.
08:31Umaasa siyang tuluyang makukumpirma ang mga sakdal at hahantong ito sa paglilitis at pananagutan.
08:36Para sa mga pamilya, ang confirmation of charges hearing ay hindi lang isang legal na proseso,
08:42kundi isang hakbang patungo sa matagal na nilang ipinaglalabang hustisya.
08:46Mula rito sa The Hague, Netherlands, Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:57Nalubog sa baha ang malaking bahagi ng Veruela, Agusan del Sur.
09:01Nagmistulang dagat ang ilang palayan.
09:03Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office,
09:07labinsyam sa dalawampung barangay ang apektado ng baha.
09:11Mahigit limang libong residente ang inilikas.
09:13Ayon pa sa MDRRMO,
09:16mabagal ang paghupa ng baha dahil mataas pa rin ang tubig mula sa Davao de Oro.
09:20Ayon sa pag-asa, epekto ng shear line ang dahilan ng masamang panahon sa Agusan del Sur.
09:25Sa Davao Region naman,
09:278 ang huling bilang ng mga nasawi batay sa pinakahuling datos ng Office of Civil Defense Region 11.
09:33Dahil pa rin yan sa epekto roon ng shear line.
Comments