00:00Ngayon ang unang araw ng confirmation of charges hearing sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
00:07Nahaharap siya sa tatlong counts ng crimes against humanity for murder at attempted murder,
00:13bunso nagmadagong kampanya kontra droga mula nung mayor pa siya ng Davao City hanggang naging Pangulo ng Pilipinas.
00:20Apat na araw ngayong linggo ang confirmation of charges hearing. Tatlong oras yan kada araw.
00:25Ayon sa ICC, hindi paglilitis ang confirmation of charges hearing.
00:30Sa mga pagdinig na ito, susuriin kung malakas ba ang mga ebidensya para magpatuloy sa paglilitis o trial.
00:37Ano-ano nga ba ang mga inaasang mangyayari sa confirmation of charges hearing?
00:42Batay sa schedule na inilabas ng ICC, mamayang alas 5 ng hapon oras dito sa Pilipinas,
00:47magsisimula ang pagdinig at babasahin ang mga akusasyon kay Duterte.
00:52Pagkatapos ay may tig-30 minuto ang prosekusyon, depensa, pati na ang Common Legal Representatives of the Victims o CLRV.
01:00Isang oras naman ang nakalaan ngayong araw para sa submissions on the merits ng prosekusyon.
01:05Dito nila ilalabas ang kanilang mga ebidensya.
01:09Bukas, may isa't kalahating oras muli ang prosekusyon para dyan,
01:13bago magpresenta ng argumento ang panig ng mga biktima.
01:17Sa Huwebes, nakalaan para sa defense team ang tatlong oras na pagdinig para sila naman ang magpresenta ng argumento.
01:24Itutuli nila hanggang sa biyernes ng kalahating oras ang pagpresenta ng argumento.
01:29Kasunod niyan ay ang closing statements ng prosekusyon, CLRV at ang depensa.
01:35Merong tig-30 minuto ang bawat panig para rito.
01:39Sa dulo, isang oras tatalakay ng pagdetain ng ICC kay dating Pangulong Duterte.
01:43May 60 araw ang mahukom para maglabas ng desisyon kasunod ng Confirmation of Charges Hearing.
01:49Pwede nilang i-confirm ang isa o lahat ng inaakos sa kay Duterte at doon maitutuloy ang paglilitis.
01:55Kung hindi naman, i-confirm ay ibabasura ang kaso.
01:59Pwede rin magdesisyon ng mahukom na magdagdag pa ng ebidensya o magsagawa pa ng imbistigasyon ang prosecution team.
Comments