Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bumanga sa van ang isang elf truck, saka nagdire-diretsyo sa isang bahay sa Cagayan de Oro City.
00:07Sugatan ang driver at pahinante ng truck.
00:10Saksi si Sarah Hilomen Velasco ng GMA Regional TV.
00:17Nagdire-diretsyo ang elf truck na ito sa loob ng bahay sa barangay Tablon sa Cagayan de Oro City,
00:23pasado alas dos ng madaling araw kanina.
00:26Wasak ang kalahating bahagi ng bahay.
00:29Sa labas, makikita rin ang isang sirang van na naunang nabangganang truck habang nakaparada.
00:35Kwento ng nakatira sa bahay. Natutulog sila sa kwarto nang maganap ang aksidente.
00:53Itinuturing na raw niya ito bilang pangalawang buhay.
00:56Base sa investigasyon, mula pa sa bukid nun ang truck at papuntang Cagayan de Oro para maghatid na mga kargampi
01:03niya.
01:03Sugatan ang driver at pahinante ng truck na isinugod sa ospital.
01:08Wala pa silang pahayag.
01:10Handa raw makipag-areglo ang mga apektadong residente.
01:13Ako mang hod ka sila sa pulis.
01:16Kaya ila sa itong panantong taguya lagi sa Elfdani.
01:20Kaya anak ba na itong driver na ni anak sa Elfdani.
01:26O ila mang puno niyong abakawang puno.
01:29Kaya naitabo deri.
01:30Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makuha ang panig ng may-ari ng truck.
01:36Ako si Sarah Hilomen Velasco ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
01:43Ipinatatawag ng Land Transportation Office ang babaeng rider na nakuhanang humaharuro
01:48at tumatayo sa kanyang motorsiklo sa Molino Boulevard, Bacoor, Cavite.
01:53May puntong nagtanggal pa ng helmet ang rider.
01:58Bukod sa pag-issue sa kanya ng show cost order, sinuspindi na na LTO ang kanyang lisensya.
02:03Kabilang umanon sa mga nakitang paglabag ang reckless driving at improper person to operate a motor vehicle.
02:09Paalala na LTO sa mga motorista, iwasang magpakitang gilas
02:13at gumawa ng mapanganib na mga stunts sa kalsada na maaaring magdulot ng disgrasya.
02:2126 na pamilya ang apektado sa sunog na sumiklab sa likod ng Simbahan ng Baklara.
02:27Isa sa tinitingnan sa hindi na sunog ang pag-overload ng kuryente.
02:32Saksi si Mark Salazar.
02:36Bago mag-alas 6 ng umaga kanina, isang malakas na pagputok ang narinig ng mga residente sa Ugbo, Barangay Baclaran
02:43sa Paranaque City.
02:45Agad sumiklab ang sunog na umabot sa second alarm.
02:50Ang nasunog ay parte ng mahabang pila ng mga stol sa likod ng Baclaran Church.
02:56Doble dago kang sunog dahil nagsisilbi na rin tirahan ng ilang nagtitinda ang kanilang stol.
03:01Masunog yung bahay na noon.
03:03Gumbahan, maupahan.
03:05Dapat manilibo lang.
03:06Dapat manilibo lang.
03:08Wala mo pinakitin.
03:09Buti ka mo, walang bindors.
03:11Pagaliglis.
03:12Mabilis namang naapula ang sunog dahil maluwag pa ang mga kalye para sa responde.
03:17703, fire under control na ang sunog hanggang tuluyang mag-fire out bago mag-alas 8.
03:23Pasi sa initial investigation po namin, mga 13 na household po ang involved.
03:27So ang pamilya po na affected is 26.
03:33So ang individuals po niyan is more or less 52.
03:36Mabuti at walang nasaktan sa sunog.
03:38Pero paalala raw ito ng piligro kapag hinahayaan ang power pilferage o yung jumper sa komunidad.
03:45Initial na ang gulo po na tinitingnan natin, base sa ating investigation, electrical overloading po.
03:53Kasi bukang siyempre pagka tayo, kumpleto yung ating galing sa holiday, kumpleto yung simultaneous po yung pagpapatakbo ng ating mga
04:03appliances.
04:04Misa talaga nagkakaroon ng overloading, lalo't ang kanilang source ng kuryente, isa lang.
04:11Pumutok na butane canister naman ang pusibling sanhinang sunog na sumiklab sa Lapu-Lapu City, Cebu, kahapon ng umaga.
04:18Tuluyang naabo ang bahay na yari sa light materials.
04:22Kwento ng nakatira sa bahay, nagluluto siya ng mga oras na yun.
04:26Ngunit dahil sa antok, nakaidlip siya.
04:41Gamit ang malaking plangana, sinoong niya ang naglalagablab na apoy upang makuha ang mahalagang dokumento sa four-piece.
04:49Pero dahil sa kanyang ginawa, nagtamu siya ng first-degree burn.
05:18Pansamantalang nanunuluyan ng apektadong pamilya sa modular tent
05:22sa tabi ng kanilang nasunog na bahay.
05:24Binigyan na rin sila ng mga pagkain at non-food items.
05:28Ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
05:33Nakakulong na ang driver ng truck na nakabangga at nakapatay sa tatlong magkakaibigan sakay na motorsiklo
05:40sa Doña Remedios, Trinidad, Bulacan.
05:43Ang motorsiklo ng mga biktima nakaladkad pa ng 10 km ng truck.
05:48Saksi si Gabriel Gonzalez, Exclusive.
05:55Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagtaan ng cement tanker sa bahaging ito ng Doña Remedios, Trinidad, sa Bulacan.
06:02Madaling araw nitong lunes.
06:04Sa bandang likuran, may maaaninag na nagsa-spark.
06:08Nakaladkad na pala noon ng 22-wheeler ang isang motorsiklo.
06:12Ayon sa pulisya, nasa 10 km ang itinakbo nito bago naharang sa barangay Akle sa Karatig Bayan na San Ildefonso.
06:20May tumawag po sa atin at agad naman po natin itong nirespondehan.
06:25Dahil po sa ating JBM patrol system, sa Karatig Bayan po ay naharang po siya ng ating mga barangay.
06:32Patay ang tatlong magkakaibigang sakay na motorsiklo matapos mabangga at magulungan ang nasabing truck.
06:39Kabilang sa mga nasawi, ang 20 anyos na si Adrian Maderable.
06:43May kumatok po sa bahay namin at sinabi po na yung anak po namin na si Adrian e natagpuan nilang
06:52patay sa butarero po na naaksidente.
06:55Na bigla po ako, hindi po ako makapaniwala.
06:58Pagdating ko po doon, wala na. Nakakalak na sila ko sa kalsado.
07:02Kakain daw sana ang anak kasama ang mga kaibigan ng mga aksidente.
07:07Kilala daw na mabait na bata si Adrian at maraming kaibigan dahil sa husay sa pagbabasketball.
07:12Mabalas po kami ngayon. Kahit saan, dumadayo ka para magpapaglalaw lang.
07:17Hindi ko po talaga kayang makita na gano'n.
07:19Ngayon po wala. Ano po, angigising. Pati po yung mga kapatid niya, angimis din po siya.
07:25Pasi sa investigasyon ng pulisya, papuntang San Ildefonso ang cement tanker para magkarga ng semento nang mangyari ang insidente.
07:33Nagpanik na raw ang truck driver nang bumanga ang mga biktima, kaya hindi siya huminto.
07:37Medyo accident-prout area po kasi talaga yung lugar.
07:41Naliwanag naman siya pero may pa-curve siya at pataas, pababa.
07:47So maaaring nagkaroon ng human error.
07:51Ang unang sagot niya sir, natakot daw po siya.
07:54Aminado sa nagawa ang driver at humingi ng tawad sa pamilya ng mga biktima.
08:04Nakakulong na ang 48-anyos na truck driver na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage
08:12to property.
08:13Nasa kustodiyari ng pulisya ang motorsiklo ng mga biktima at ang cement tanker.
08:18Ako si Gabriel Gonzalez, ang inyong saksi.

Recommended