00:00Gumuho ang isang bahagi ng gabundok na basura sa Sanitary Landfill sa Rodriguez Rizal noong biyernes.
00:06Sa ngayon, bine-beripika pa ang ipapang informasyon hinggil sa mga nawawala pang individual sa nangyaring trahedya.
00:13Yan ang report ni Denise Osorio.
00:19Kinumpirma na ng Municipal Government ng Rodriguez Rizal na may tatlong individual na nawawala
00:25kaugnay sa isang insidente sa Rizal Provincial Sanitary Landfill sa Barangay San Isidro.
00:31Ito ay matapos mag-viral sa iba't-ibang social media platform
00:34ang isang video na nagpapakita ng bigla ang pagguho ng gabundok na basura sa naturang landfill.
00:42Sinabi ng munisipyo na batay sa inisyal na investigasyon ng MDRRMO at Menro, tatlo ang nawawala sa ngayon.
00:49Idinagdag pa na tuloy-tuloy ang koordinasyon sa pribadong operator ng landfill para mabantayan ang sitwasyon
00:56at matuntun ang kinaroroonan ng mga nawawalang individual.
01:01Samantala, ayon naman sa NDRRMC, ang insidente ay hindi trash slide,
01:07kundi pagbuka ng gabundok na basura batay sa paglalarawan ng MDRRMO Rodriguez.
01:13Nangyari ang insidente noong February 20 ng hapon sa naturang private landfill.
01:18Nilinaw din ang NDRRMC na hindi tumutugma sa kanilang dato sa mga naunang ulat na nagsasabing umaabot sa limampu ang
01:27mga nasawi o nawawala.
01:29Kaugnay nito, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang Department of Environment and Natural Resources o DENR hinggil sa
01:37naturang insidente.
01:38Ayon sa DENR Environmental Management Bureau,
01:41Nagsagawa na ng on-site investigation ang EMB Calabar Zone at inutusan ang agarang stabilization operations sa lugar.
01:50Nagdeploy na din ng mga tauhan para i-assess ang lawak ng erosion at i-verify ang mga ulat ng
01:57mga nawawalang individual.
01:58Inatasan din ng EMB ang operator na magpatupad ng mga hakbang tulad ng paglalatag ng detalyadong action plan at daily
02:06status report,
02:08agarang waste compaction at soil covering,
02:11pagkontrol sa galaw ng heavy equipment at paghigpit ng akses sa mga high-risk area,
02:16at pagpapatatag ng slope sa landfill site.
02:20Sinabi rin ng DENR na posibleng maglabas ng notice of violation kung may matutukoy na paglabag base sa imbestigasyon.
02:29Samantala, nakatawag din ng atensyon ng mga netizens at ng ilang organisasyon ang pag-viral ng video.
02:35Nagsindi rin ng kandila at nagsagawa ng maikling vigil ang ilang grupo,
02:40hindi lang para sa mga nawawala sa crash slide,
02:43kundi pati na rin sa mga kaanak at kapamilya ng mga posibleng nadamay o nasawi sa insidente.
02:49Sa kasalukuyan, patuloy ang monitoring at koordinasyon ng mga ahensya
02:53habang hinihintay ang susunod pang verifikadong impormasyon hinggil sa mga nawawalang individual at sa sanhi ng insidente.
03:02Wala pa rin pahayag ang naturang privadong landfill operator sa ngayon.
03:06Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments