00:0011.15 o'clock, oras sa Pilipinas, o alas 10.00 pa ng umaga, oras sa The Hague.
00:06Magsisimula ang confirmation of charges hearing ng International Criminal Court
00:10laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:13Update tayo mula mismo sa The Hague.
00:15May unang balita live. Magkasama natin si Maris Umani.
00:20Maris.
00:24Good morning, Ivan. Magandang umaga mula rito sa The Hague, Netherlands.
00:29At pasado alas 12 na nga ng hating gabi dito sa The Hague.
00:34At sa loob na lamang ng kulang 10 oras ay magsisimula na nga ang makasaysayang
00:41confirmation of charges hearing para kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte
00:46dito sa pre-trial chamber 1 ng International Criminal Court.
00:49Sa unang araw pa lang, Ivan, mga kapuso, nitong pagsisimula ng confirmation of charges hearing
00:57ay babasahin ang mga sakdal sa dating Pangulo, babanggitin din yung mga obserbasyon ng depensa
01:03at isa-isang mabibigyan ng pagkakataon na magbigay ng kanilang mga opening statements
01:08ang prosecution, council of victims, pati na rin ang depensa.
01:12At bukas din magsisimula yung submission on merits ng prosecution.
01:18Bagamat structured na o may schedule na yung mangyayari sa confirmation of charges hearing,
01:24eh of course, meron pa rin puwang para sa fluidity.
01:28O ibig sabihin, pwede pa rin kahit na anong mangyari na yun yung talagang babantayan natin.
01:33At bukas din natin makikita kung sino-sino pa yung mga personalidad na dadalo dito sa confirmation of charges hearing
01:40ng dating Pangulo, gayon din yung mga assembly of states na miyembro ng International Criminal Court
01:46na dadalo dito sa confirmation of charges hearing.
01:48Narito po ang aking balita.
01:54Magsisimula na ang hearing ng confirmation of charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
02:00Nahaharap siya sa tatlong counts ng crimes against humanity for murder at attempted murder
02:05punsood ng madubong kampanya kontra droga mula noong mayor pa siya ng Davao City hanggang naging Pangulo ng Pilipinas.
02:13February 23, 24, 26 at 27 itinakda ang confirmation of charges hearing.
02:19Ayon sa ICC, hindi ito paglilitis.
02:23Magde-desisyon ng pre-trial judges kung may sapat bang ebidensya para isakdal ang dating Pangulo.
02:29Naunang pinagbigyan ng ICC Pre-Trial Chamber 1 ang petisyon ni Duterte na siya'y lumiban o hindi humarap sa
02:35pagdinig.
02:36Pinahintulutan naman ang chamber ang paglahok sa pagdinig ng mahigit limanda ang biktima.
02:42Dadalo rin sa pagdinig ang prosecutor, defense team ng dating Pangulo
02:45at legal representatives na sina Atty. Joel Butuyan at Atty. Gilbert Andres
02:50na ibinigay ng ICC para sa mga biktima.
02:53Habang tatayong case manager ng mga biktima si Nicoline Arcana.
02:57Pero umapila sa desisyon ng ICC and Defense Council ng dating Pangulo na si Nicholas Kaufman.
03:03Hiniling niya ang pagdisqualify sa mga abogado at case manager ng mga biktima
03:07dahil umano sa conflict of interest na posibleng raw makaapekto sa pagsasakdal.
03:12Pagkatapos ng pagdinig ngayong linggo, may 60 araw ang pre-trial judges
03:17para pag-aralan ang mga ebidensya at magbigay ng desisyon.
03:25Ivan, mga kapuso, medyo unique nga po yung sitwasyon, yung confirmation of charges hearing ng dating Pangulo
03:30dahil sa kanyang kalagayan para ma-accommodate yung kanyang sitwasyon
03:33ay magtataga lamang ng tatlong oras kada araw yung hearing
03:37at hindi rin po tuloy-tuloy.
03:39So may break every after an hour
03:41para rin po talagang mabigyan ng pagkakataon yung kanyang sitwasyon.
03:47Although, nag-desisyon na nga po ang pre-trial chamber 1
03:52na payagan ang dating Pangulo na hindi dumalo bukas sa kanyang confirmation of charges hearing.
03:58At dahil na rin sa kanyang sitwasyon, apat na araw lamang
04:01gaganapin itong confirmation of charges hearing
04:03Monday, Tuesday, Thursday, and Friday.
04:05So may break po sa gitna ng linggo para na rin po sa kanyang sitwasyon.
04:10Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
04:13Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments