Skip to playerSkip to main content
Doble ang sakit para sa pamilya ng isang nasawing dalaga sa Quezon.
Ang pag-embalsamo sa kanyang labi, ginawang content!


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Double as sakit para sa pamilya ng isang nasawing dalaga sa Quezon.
00:04Ang pag-embalsa mo sa kanyang labi, ginawang content.
00:09Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:16Mabait, malambing at masiyahin.
00:19Ganyan ilarawan ng kanyang pamilya ang 21-anyos na si Rose.
00:25Kaya labis ang pigati nila nang pumanaw ang college sophomore noong February 8
00:30dahil sa komplikasyon ng stage 5 chronic kidney disease.
00:35Pero ang pagluluksa, nahaluan ng galit nang madiskubre nilang ginawang content sa social media
00:41ang pag-embalsa mo kay Rose.
00:43Ang hira pa rin tanggapin na wala na nga yung anak ko.
00:46Tapos nung pakalibing, napanood nung amay niya, in-reels pala.
00:52Bukod sa walang pahintulot ang content, nakita ang buong katawan at muka ng dalaga,
00:57pakiramdam nila'y nabastos at pinagtawanan paan niya ang labi ng kanyang anak.
01:02Ikinontent yung pagbabalsa mo sa kanya.
01:05Simula, nililiguan siya, hugot-hubad, grabe ang mga ano sa kanila.
01:09Comment ang babastos.
01:11Screenshot lang ng naturang video ang naitago ng ilan niyang kaibigan
01:15para magsilbing ebidensya.
01:16Ayon pa sa ina ng biktima, napag-alaman nilang hindi umanulisensyado ang naturang embalsamador.
01:23Hindi ko rin akalain na magiging gano'n ang trato sa kanya.
01:28Pinagkatiwala ko kasi ng ayos sa porinariya.
01:31Eh, hindi ko alam ba't nagkaganon.
01:35Kinumpronta ng pamilya ang embalsamador na umamin sa kanyang ginawa.
01:39Nag-deactivate siya ng social media account pero hindi napigilan ang pagkalat ng video.
01:45Galit na galit pa rin. Hanggang ngayon, di pa rin ako makamove on.
01:49Tapos sabay pa yung problema na yun.
01:51Sana kayo mabigyan ng katarungan yung anak ko na yun.
01:55Nag-iimbestiga na ang polisya matapos magsumbung ang ina.
01:59Hinahanap ngayon ang embalsamador.
02:01Sinusubukan pa naming makuha ang pahayag ng pamunuan ng punerarya.
02:05Ayon sa nanay ni Rose, bukas nakatakda silang magharap ng may-aring ng punerarya.
02:09Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
Comments

Recommended