00:00It's not a lot of people who have been released on the landslide in Mindanao
00:05because of the last few years, Mark Salazar.
00:15May at maya ang sigaw ng mga residente ng Barangay Pangyan sa Trento Agusan del Sur.
00:25Habang pinagmamasda ng unti-unting pagguho ng lupa na tumangay rin sa ilang puno at piraso ng nagibang bahay.
00:33Walang nasaktan dahil ayon sa lokal na opisyal, nauna ng pinalikas at wala na umanong nakatira sa gumuhong bahagi.
00:44Sa gitna naman ng dilim na sinabayan pa ng buhos ng ulan, tulong-tulong ang mga rescuers sa paghuhukay sa
00:51bahaging ito ng Mungkayo, Davao de Oro.
00:55Ayon sa Mungkayo, MDRRMO, nirespondihan nila ang nangyaring landslide kung saan may ilang natabunan.
01:04Matapos ang pahirapang pagbubungkal ng lupa,
01:09na-recover ang tatlong labi.
01:14Literal na nalagay sa bingit ng panganib ang lalaking ito,
01:18na napatakbo at agad inabante ang kanyang motorsiklo,
01:21mula sa gumuhong bahagi ng kalsada sa bayan ng Laak.
01:27Kita rin ang pagragasan ng baha na nagpalambot at sumira sa kalsada.
01:35Sa bayan ng Mawab naman, nagbagsakan ang malalaking bato sa may gilid ng kalsada.
01:41Walang nasaktan sa insidente at agad nagsagawa ng clearing operation.
01:46Hanggang bewang na baha naman ang sinuong ng mga residente ng Katiildava Oriental.
01:52Pati ang ilang sasakyan gaya ng e-trike, pinagtulungan ang buhatin para maitawid.
01:58Nagmistulang malawak na ilog naman ang kalsadang yan sa Mati City.
02:03May natabunan ding bahay dahil sa pagguho.
02:07Apat ang patay.
02:08Ang informasyon nito, isa pong pamilya po sila na natabunan ng gumuhong lupa po
02:16sa isang seksyo ng barangay po dito sa amin.
02:19Sa munisipalidad ng Karaga, 55 pamilya ang apektado sa pagkasira ng tulay dahil sa matinding pagbaha.
02:28Ang tulay na ito pa naman ang nagsisilbing pangunahing daanan ng mga residente,
02:33papasok at palabas sa kanilang lugar ayon sa LGU.
02:37Halos abot bubong naman ang matinding baha na nagpalubog sa ilang bahagi ng Asuncion Davao del Norte.
02:44Hanggang dibdib naman ang baha sa ilang lugar sa Surigao del Sur, partikular sa Bislig City.
02:51Nagngangalit ang ragasan ng tubig sa Tinoyan Falls.
02:55Inanod na rin ang mga palaisdaan sa barangay Pamanlinan.
02:59Sa San Miguel, Catanduanes, tumagilid ang isang truck matapos gumuho ang bahagi ng kalsada
03:05na ayon sa LGU ay posibling dulot ng sunod-sunod na pagulan sa lalawigan.
03:10Ramdam ang epekto ng amihan hanggang sa Bicol Region.
03:14Habang shearline o ang pagsalubong ng mainit at malamig na hangin naman
03:18ang dahilan ng pamumuo ng thunderstorm clouds sa Mindanao.
03:23Para sa GMA Integrated News,
03:25Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments