00:00Umakyat na sa 6 ang naiulat na nasawi sa magkakahiwalay na landslides sa Davao Region.
00:06Sa ulat ng Philippine News Agency, kinumpirma ni OCD Davao Regional Director Ednar Dayanghirang
00:12na apat na magkakaanak ang natabunan ng lupa sa paguho na nangyari sa Mati City sa Davao Oriental.
00:20Kabilang sa mga nasawi ay isang buntis, batay naman yan sa ulat ng BFP Mati City.
00:26Samantala, dalawa naman ang nasawi sa landslides sa Mongkayo, Davao de Oro na nangyari kagabi.
00:32Ang naturang mga paguho ay bunsod pa rin nang walang tigil na pag-ula na dala ng shear line.
Comments