00:00Nasa mga hukom pa rin ng ICC ang desisyon rao kung pagbibigyan ang kagustuhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:08na hindi na dumalo sa kanyang confirmation of charges hearing para sa kasong Crimes Against Humanity.
00:13Ang tingin naman na ilang kritiko ng dating Pangulo, strategiya lang umano ito.
00:18Saksi si Marisol Abdurman.
00:23Nakasalalay sa mga hukom ng International Criminal Court
00:26ang pagpapasya sa hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:30Ayon sa ICC, nananantiling request mula sa depensa
00:33ang surat ng dating Pangulo na i-waive ang kanyang karapatang humarap sa confirmation of charges hearing.
00:39Kaugnay sa kasong Crimes Against Humanity mula February 23 hanggang 27.
00:45Di raw niya kinikilala ang horosdiksyon ng korte sa kanyang pagkatao.
00:48Tinawag niyang kidnapping, ang pagbadala sa kanya sa dehig na anya'y pinangasiwaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:54Dagdag ni Duterte, outrageous o di ka panipaniwalang kasinungalingan.
00:59Ang akosasyong, siya ang pasimuno ng EJK sa bansa.
01:03Ayon rin niyang dumalo sa legal proceedings na makakalimutan niya sa loob lang ng ilang minuto.
01:08Matanda, pagod at mahina na raw siya.
01:11Permado ng dating Pangulong Sulat na may pechang February 17.
01:14Para kay ML Partilis Representative Laila Delima,
01:17ang mga deklarasyong ito ni Duterte ay patunay na maayos ang pag-iisip niya.
01:22Paganda at legal strategy umano ni Duterte ang di pagdalo.
01:26Pero sabi ng depensa sa kanilang isinumitin sa ICC,
01:29idinikta ito ng dating Pangulo sa kanyang legal team noong February 16.
01:33Kinabukasan, binasa para kay Duterte ang sulat, pinaprobahan at pinirmahan.
01:38Kahit nakalimutan na ni Duterte ang idinikta niya noong araw na yun.
01:42Ang Malacanang, iginiit na naayong sa batas ang pagpapadala sa dehig ni Duterte.
01:47Ginampanan lang din daw ng gobyerno ang responsibilidad nito sa mga nagreklamong biktima.
01:53Kung taxpayer po ang giramit ito, ito lang po ay daaayon sa batas.
01:57Dahil gumaganap lang po ang gobyerno ito sa kanyang katungkulan.
02:01Maliban po sa sinabi nating pag-cooperate with the Interpol,
02:07pagpapatupad ng batas na RA 9851,
02:09meron din pong residual obligation ang administrasyon na ito upang ipatupad ang dating napagkasunduan na
02:18noong tayo pa ay miyembro ng ICC o ng Rome Statute.
02:23Sa lunes, February 23, nakatakdang unang araw ng pagdinig
02:27sa confirmation of charges sa dating Pangulo sa ICC sa Deheing, Netherlands.
02:31Sinabi ng ICC na bantay sa assessment ng independent medical experts na pinadala kay Duterte,
02:38fit ang dating Pangulo na humarap sa hearing.
02:41Katunayan, ang inilatag na schedule ng ICC ay bilang konsiderasyon kay Duterte.
02:47Tatlong oras lang ang hearing sa February 23, 24, 26 at 27.
02:52At kahit isang oras ng hearing ay may break para raw makapagpahinga ang dating Pangulo
02:57para sa GMA Integrated News.
03:00Ako si Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
03:06Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:09Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments