Skip to playerSkip to main content
Nakikipag-ugnayan na ang gobyerno ng Pilipinas sa Ukraine at Russia kaugnay sa limang Pilipinong prisoner of war.


Pero pag-amin ng Foreign Affairs Department, mahirap ang magiging proseso para mapauwi sila.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakikipag-ugnaya na po ang gobyerno ng Pilipinas sa Ukraine at Russia,
00:04kaugnay sa limang Pilipinong prisoner of war.
00:07Pero pag-amin ang Foreign Affairs Department,
00:10mahirap ang magiging proseso para mapauwi sila.
00:14Nakatutok si JP Soriano.
00:19Ayon mismo sa Department of Foreign Affairs,
00:24kumplikado ang sitwasyon ng limang Pilipinong mersenaryo ng Russia na prisoner of war ngayon sa Ukraine.
00:30Nihindi raw nila basta-basta makakausap ang mga Pilipinong naipit sa labanan ng dalawang bansa.
00:35Even yung access po sa ating prisoners of war,
00:39that is governed by international law at saka yung policies of the detaining state.
00:45Nakipag-ugnaya na raw ang gobyerno ng Pilipinas sa Ukraine at Russia
00:49sa pamamagitan ng kanilang mga embahada sa Maynila.
00:52They took note of our request for assistance.
00:55But again, this is a complicated process.
00:57Sa ilalim kasi ng Geneva Conventions,
01:00ang International Committee of the Red Cross o ICRC
01:03ang nagsisilbing neutral intermediary para sa pagpapakawala o pagpapauwi sa isang prisoner of war.
01:10Nakikipag-ugnayan po kami sa mga otoridad on both sides and even with the Red Cross.
01:16But this is a complicated process.
01:18Yes, the Filipinos are in areas of conflict.
01:21Hindi po partido ang Pilipinas sa conflict na ito.
01:25So any repatriation or return depends on agreements between the parties to the conflict.
01:32Humiling lang panayam ang GMA Integrated News sa embahada ng Ukraine.
01:35Pero hindi mo na raw ito makapagbibigay.
01:38Bukod sa limang Pilipinong may aktibong request for assistance,
01:42nariyan din ang Pinoy na si Raymond Gumangan na nakumpirma ng prisoner of war sa Ukraine.
01:47At ang isa pang Pilipinong napatay habang nakikipaglaban kasama ang Russian forces.
01:52Ayon sa DFA sa online at social media raw,
01:56nagre-recruit ng mga mercenaries kaya may paalala ang departamento.
02:00Karamihan, ano, yung online job offers at saka informal networks.
02:05Kaya nga po lagi pinapaalala na natin ang ating mga kababayan na magingat sa mga overseas employment offers,
02:13especially yung sa online, sa social media, maging mapanuri pag-aralan ng mabuti.
02:19Mahigit apatataon na ang gera sa pagitan ng Russia at Ukraine na kumitil na sa buhay ng napakaraming sundalo mula
02:27sa Ukraine at Russia,
02:28pati na rin ng mga sibilyan.
02:30Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano. Nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended