00:01Assalamu alaykum mga kapuso, na dito pa rin po tayo ngayon sa Manila Golden Mosque and Cultural Center dito po
00:06sa Quiapo.
00:07Dahil nga po ngayon ang simula ng kanilang buwan ng Ramadan.
00:11At bukod po sa pag-aayuno, dahil isa po ito sa pinakabanal na panahon sa mga kapatid natin mga Muslim,
00:17eh kailangan din po sila o obligado silang magdasal ng limang beses kada araw.
00:23At bago po silang magdasal, ay kailangan po nilang dumaan dito sa ablution area.
00:27Ito po yung lugar ng purification. Dito po sila naguhugas ng kanilang mga kamay,
00:32ng kanilang mga paa at ng kanilang mga mukha o ng ulo bago po sila pumasok sa mosque para magdasal.
00:40Papakita ko naman po sa inyo, ito po yung lugar para mapakita yung division, no?
00:45Ito po yung lugar kung saan nagdarasal yung mga babae at dito naman po sa aking gilid,
00:52nagdarasal yung mga lalaki. So kailangan hiwalay po sila.
00:55At bago po sila pumasok, ay kailangan nilang tanggalin yung kanilang mga saplot sa paa
00:59o yung kanilang mga sapatos at shinelas para mapanatiling banal.
01:03So gaya nga po ng binanggit ko sa inyo mga kapuso, eh limang beses po sa isang araw sila nagdarasal.
01:08So kanina, nagsimula nga ng 5.15 yung kanilang early morning prayer o yung fajar.
01:14Kaya sa ngayon, eh wala po muna nagdarasal.
01:16Papahinga lang yung iba bago sila pumasok sa kanilang mga trabaho o negosyo.
01:19Mamaya na pong 12.30pm ang susunod yung luhur at susundan po ito ng 3.30pm o asar yung afternoon
01:27prayer.
01:27Susundan po ito ng 6.15 o magrib yung evening prayer.
01:31Pagkatapos po nito, ay pwede na po silang mag-break ng fast.
01:35Ibig sabihin pwede silang kumain o uminom.
01:37At susundan po ito ng 7.30pm na mas o yung isa.
01:40So limang beses po yan.
01:42At every dasal, pinakanaayon po na sa loob po sila mismo ng moske magdarasal.
01:48Dahil ito po yung tinatawag na jamaa prayer o yung group prayer.
01:51Mas malaki daw po kasi yung biyaya mula sa Panginoon kapag sama-sama silang nagdarasal.
01:55Ito naman po ay masusundan ng optional o yung tarawi night prayer ng Ramadan.
02:00Kung saan pumupunta ulit dito yung mga worshippers.
02:02Ibig sabihin po na optional, may blessing sila pag ginawa nila ito.
02:05Pero wala namang kasalanan pag hindi nila nagawa ito.
02:08Unlike yung five times na obligatory.
02:09Lahat po ito para matanggal yung seven demons sa kanilang puso.
02:13Bawal magsinungaling, bawal magnakaw, pumatay, magmayabang, magkuripot.
02:17Bawal tumingin sa mga malalaswa.
02:19At bawal din magnegosyo ng hindi halal o yung riba.
02:22Ibig sabihin po nito yung mga nagpa-five-six o nagpapatubo o may interest.
02:26So ang essence lamang po na lahat ng ito sa panahon ng Ramadan
02:29ay magkaroon ng pure heart o dalisay na puso ang ating mga kapatid na muslim.
02:34Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:36Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments