00:00Kinilala ang husay ni Kapuso Multi-Awarded Broadcast Journalist Jessica Soho
00:05sa People of the Year 2026 ng People Asia Magazine,
00:10kabilang si Soho sa labing dalawang pinarangalan para sa kanikanilang larangan at advokasya.
00:16Kinilala ang galing, tapang at dedikasyon ni Soho sa paghimay at pagkikwento
00:22sa mga napapanahon at pinakamalalaking issue sa lipunan
00:26sa pamamagitan ng kanyang mga award-winning show sa GMA Network.
00:31Ayon kay Soho, nakadagdag ito sa hamon at responsibilidad
00:35pero patuloy na pagbubutihin ang trabaho bilang isang mamamahayag.
00:41With all of this recognition, parang nadadagdagan din yung responsibilidad ko.
00:49But I'm happy to receive it. It's a very special award.
00:54Marami pa tayong dapat ibunyag siguro at nagaantay pa rin ang taong bayan
00:59ng mga sagot sa napakaraming mga tanong nila sa mga nangyayari.
01:04Kasi humihirap ang buhay pero parang dumadami rin yung mga kurakot.
Comments