00:00Samantala, tinitiyak ng Department of Public Works and Highways na matatapos ang lahat ng ongoing repairs sa Maharlika Highway bilang
00:06bahagi ng paghahanda sa nalalapit na Semana Santa.
00:10Narito ang report.
00:14Ibinahagi ni DPWH Secretary Vince Dizon ang plano ng kaagawaraan para sa Holy Week 2026, particular sa Maharlika Highway na
00:22pangunahing dinaraanan ng mga biyahero tuwing Semana Santa.
00:25Kabilang sa mga hakbang, ang agarang pag-aalis ng mga obstruction at pagtitiyak na matatapos ang lahat ng ongoing repairs
00:31sa Maharlika Highway bago sumapit ang Holy Week, giit ni Secretary Dizon.
00:35Dapat maging maayos at ligtas ang biyahe ng mga motorista sa naturang highway sa panahon na inaasahang pagdagsa ng mga
00:42biyahero.
00:43Pag dating ng Holy Week, pag nagsimula ng magbiyahe mga kababayan natin, clear yan. Through and through na, both ways,
00:51ang traffic sa Maharlika Highway.
00:53Bukod dito, ipatutupad din ang mga pansamantalang solusyon sa mga kalsadang hindi pasakop ng repair works.
00:59Kabilang dito, ang pag-aaspalto sa mga lubak upang pansamantalang maging maayos at ligtas na madaraanan ng mga motorista.
01:06Pagkatapos ng Holy Week, sisimulan naman ang pangmatagalang rehabilitasyon ng Maharlika Highway.
01:11There are three major innovations na gagawin natin.
01:15Number one, only big contractors can join the bidding.
01:20Hindi pwedeng haw-syaw. Hindi pwedeng magigit.
01:25We have put on board foreign consultants already.
01:29Japanese, Korean.
01:30Second, use of new technology na hindi ginagamit ngayon.
01:35Ipinakita rin ni Secretary Dizon ang target na resulta ng major road network kapag tuluyan nang natapos ang overhaul.
01:41In-anunsyo rin ng kalihim na lalagdaan niya ang bagong department order na magtatakda na ang appointments at promotions ng
01:48mga opisyal ng DPWH ay magiging performance-based at hindi na nakabatay sa political referrals.
01:54Isa sa gawa rin ang pagsusuri sa kanilang performance taon-taon.
01:58Joshua Garcia, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments