00:00Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas malinaw at mas inklusibong direksyon para sa sektor ng enerhiya.
00:08Ito ang naging punto ng Pangulo sa pagpapasimple ng Lifeline Rate Subsidy Program.
00:13Sa ilalim ng bagong patakaran, otomatikong makikinabang ang mga benepisyaryo ng 4Ps na pasok sa itinakdang konsumo,
00:21kung saan ang mga bahay na kumukonsumo ng hanggang 50 kWh lamang ay libre na at wala nang babayaran sa
00:29kuryente.
00:30Kasabay ng pagpapagaan ng bayarin, itinutulak din ang administrasyon ang mas malinis na enerhiya sa pamamagitan ng mas pinadaling net
00:39metering program.
00:40Ayon pa kay Pangulong Marcos Jr., malinaw ang target ng administrasyon na palawakin ang koneksyon, palakasin ang kapasidad at pababain
00:50ang gastos para sa mga consumer, lalo na sa mahihirap.
Comments