00:00Hinahanap pa rin ng mga otoridad ang byuda ng isang dating kapitan sa barangay Balibago sa Angeles, Pampanga.
00:09Sa pagsusuri ng CCTV sa bahay ni Maria Teresa Mamak, may narinig na tila isang sigaw bandang alas 7.30
00:16ng gabi noong February 12.
00:19Ayon sa pamilya Mamak, bandang ganong oras din nang huling makita ang driver ng kanilang pamilya.
00:24Sabi naman ang Angeles Police, huling namataan ang byuda bago mag alas 9 ng gabi noonding February 12, sakay ng
00:32kanyang puting sasakyan papunta sa bayan ng Mabalakat.
00:35Kwento ng isa sa mga anak ng nawawala, natagpwang abandonado ang sasakyan sa plaza ng bayan ng Magalang.
00:42Nang inspeksyonin ang bahay ni Mamak, may mga nakitang bakas ng dugo sa pader, washing machine, gripo at wheelbarrow.
00:50Nag-alok ng 200,000 pesos na pabuya sa makapagsasabi kung nasaan si Mamak. Patuloy ang investigasyon.
Comments