Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Welcome back to EDSA Santolan Busway Station at tuloy-tuloy yung operasyon
00:04ng mga tauhan ng SAIC DOTR Special Action and Intelligence Committee for Transportation.
00:11At mamiya nakitangahon natin dito kung paano yung ginagawa ng operasyon.
00:15Ilang minuto pa lamang po nakalilipas nung harangin nila ang isang ambulansya dito.
00:21At alamin natin kung ano ang naging violation ng ambulansya na dumaan dito.
00:26So, last week, tatandaan nyo, may isang ambulansya po na hinarang din dito at nakita na may paglabag din.
00:32Ngayon, kasama po natin ng head ng Special Operations Group ng SAIC DOTR si Ginuong Race ng De La Torre.
00:39Sir, mula kanina mga siguro, bago mag-alas 5 o'clock o'clock,
00:43may mga nahuli na po ba tayong ibang mga motorista na dumaan dito sa EDSA Busway?
00:47Tama po kayo, Ma'am Susan.
00:49At isang magandang umaga po sa inyo at ganoon din po sa ating mga nakasubaybay ng mga kababayan.
00:54May mga nahuli na po tayong mga lumabag dito po sa ating mga panuntunan dito po sa EDSA Busway.
01:01Kagaya po nung inabutan natin kanina isang ambulansya na dumaan po dito
01:05at hindi naman po authorized yung kanya pong binigay na dahilan na kanya pong pagdaan dito sa loob ng EDSA
01:12Busway.
01:12Lilinawi lang po natin, Sir Race.
01:15So pagka-ambulansya, siyempre nasa isip ambulansya ito eh.
01:18So sinasakyan usually ito ng mga pasahero.
01:22Kung dadaan dito ang ambulansya, ano ba yung allowed na dumaan sa EDSA Busway gamit ang ambulansya?
01:28Ayun, napakagandang katano nga po yan, Ma'am Susan.
01:32Sasamantalahin na rin po namin ang pagkakataon para po maiparating sa ating mga kababayan
01:37at mabigyan po ng linaw yung ating panuntunan dito po sa paggamit ng EDSA Busway.
01:41Ang pinapayagan po nating ambulansya na dumaan dito po sa loob ng EDSA Busway ay yun lamang pong may mga
01:49pasyente na emergency case na sakay.
01:52So pag sinabi po nating emergency case, ito po yung mga agaw buhay, life and death situation na po yung
01:58kanyang sakay,
02:00yun po papayagan po natin.
02:02At kahit naman po wala silang maipakitang dispatch o kaya yung dokumento nakita naman po natin yung sitwasyon ng kanyang
02:08sakay ay papayagan po natin.
02:11Pero kung halimbawa naman po na ang pasyente po niya ay magpapacheck up sa ospital o mga ibang bagay po
02:17yung kanilang gagawin ay hindi po natin pinapayagan.
02:20Sapagkat yung pong ating dispatching, nagkakaroon po tayo ng problema sa pag-dispatch natin ng mga bus kapagka po may
02:26nasisingin tayo mga emergency vehicles.
02:29Dahil kinakailangan po natin itulak yung ating mga bus para humabigan natin ang daan itong mga sasakyan na mga ginagamit
02:36sa mga emergency cases na ganito.
02:37At yun naman po yung ating nagiging problema sapagkat yun pong ating mga commuters, nagkakaroon din po ng pagkaabala yung
02:44kanilang pagbiyahin.
02:45Apo. At para lang sa kalaman ng mga dadaan dito at kayo po yung mahuhuli, matitikitan, magkano ang multa kung
02:52sakali ay first offense na dumaan sa EDSA busway?
02:55Apo. Yung pong ating penalty sa inyong pagdaan o paglabag po dito sa EDSA busway ay may kakibat pong multa
03:01na 5,000 pesos.
03:03First offense po yan.
03:03First offense po yun plus meron po tayong demerit points doon po sa inyong mga lisensya.
03:07Kaya kung ito naman po ay ating sasabihin natin binabaliwala, ay yung iba po kasi ang tinitingnan, mura lang pala
03:15yung multa, kaya pa yan, kaya pang bayara.
03:17Pero ang magingat po kayo doon sa demerit points, baka hindi po ninyo nalalaman o hindi nyo namomonitor. Isang araw,
03:23wala na po kayong lisensya dahil na revoke na po.
03:25Dahil doon sa tuloy-tuloy na violation?
03:26Yes, opo.
03:27Okay, okay. So marami salamat. Sige ng Raison de la Torre, siya po ang head ng Special Operations Group ng
03:32DOTR sa ICT.
03:33At tuloy-tuloy yung kanilang operasyon dito dahil talagang sa kabila ho ng talaga namang malawakan yung information drive, kung
03:41alin yung mga hindi pwede dumaan dito.
03:42So may mga motorista pa rin yung dumadaan. Actually, hindi lang ho ang ambulansya. May mga nakamotorcyclo din na tinikitan
03:48ho dito dahil sa paggamit ng EDSA busway.
03:51So yan po muna ang sitwasyon mula dito sa ating lugar, dito sa EDSA Santolan busway station. Back to studio
03:58po tayo, sir. Thank you so much.
04:00Thank you po.
Comments

Recommended