00:03Nagsiliyab pa sa taas ng poste sa barangay San Isidro, Paranaque City, ang katawan ng isang lalaki ng datna ng
00:10mga otoridad pasado launa kaninang madaling araw.
00:13Ayon sa barangay, nakuryente ang lalaki matapos umanong tangkang magnakaw ng mga kawad.
00:19Tumawag ko sa amin na mayroon daw sumabog dyan sa may Lopez, footbridge, around mga 1.50 po.
00:27So yung pagpunta ko natin ng mga doon, may mga kapulisan na rin.
00:32So nakita nga po doon, may natusunog na puntao.
00:38Maingat na kinuha ng mga tauhan ng Meralco ang katawan ng lalaki mula sa itaas ng poste.
00:44Sa imbisigasyon ng mga otoridad, nahuli umano sa akto ang 39 anyos na lalaki habang pinuputol ang mga kawad sa
00:52poste ng Meralco bago ito tuluyang nakuryente.
00:55Nagdulot ng circuit tripping ang insidente, kaya pansamantalang nawala ng supply ng kuryente ang mga customer ng Meralco pero hindi
01:03naman daw yan nagtagal.
01:04Ayon sa barangay, hindi raw ito ang unang beses na umakit sa poste ang lalaki.
01:09So siya po, mayroon din po siyang mga recordo dito, mga blotter na ano siya sa nakawan din po.
01:18Involving mga kablis.
01:20Opo yan, mga ganyan mo.
01:21Inabutan namin na nagtutulos ng kandila ang mga kaanak ng nasawi sa ibaba ng poste.
01:26Pero umaapela ang kaanak na sa publiko, huwag naman daw sana siyang husgahan.
01:31Panawagan ko sa publiko dati, hindi na po nila nakita yung totoo, yung takakaan na kwento, huwag sila magsabi ng
01:40anong nangyari.
01:41Tapos hindi nila alam yung anong totoo nangyari.
01:44Muling nagbabala ang Meralco, lubhang mapanganib at labag sa batas ang pagnanakaw,
01:50pagbebenta at pagbili ng mga kawad at iba pang kagamitan sa paghahatid ng servisyo ng kuryente.
01:55Panawagan ng Meralco sa publiko, huwag makibahagi sa ganitong gawain at agad i-report sa kinauukulan ang anumang kahinahinalang aktibidad.
02:05Sa ilalim ng Republic Act No. 7832 o Anti-Electricity and Electric Transmission Lines, Materials Pilferage Act,
02:13sino mang mapatunay ang nagnakaw ng mga kawad, maaring makulong ng di bababa sa labing dalawang taon at magmumulta ng
02:21limampu hanggang sa sandaang libong piso.
02:23Ang mga bumibili naman ng nakaw na kawad ay mananagot sa ilalim ng Anti-Fencing Law at maaring makulong.
Comments